Kabanata 47

2328 Words

TAHIMIK lang akong sumunod kay Kevyn palabas ng mansyon habang bitbit niya ang basket na may lamang pagkain na dadalhin namin sa farm. Wala kaming imikan kanina pa. Hindi ko rin magawang tumingin sa kaniya kapag magkaharap kami kaya panaka-naka ko lang siyang tinitingnan. Nahihiya pa rin kasi ako sa kaniya dahil naaalala ko ang namagitan sa amin sa terrace. Pakiramdam ko'y palaging namumula ang pisngi ko kapag naalala ko iyon. Habang minsan naman ay napapansin kong tinitingnan ako ni Kevyn. Inilagay niya ang mga basket sa backseat at ako naman ay dumeretso na sa may driver's seat. Pagkalagay niya ng mga iyon, sumakay na rin siya ng kotse. Hindi siya tumingin sa akin at tahimik lang niyang pinaandar ang kotse. Naiilang ako sa presensiya niya kaya bumaling ako sa labas ng kotse. Berdeng bun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD