Kabanata 48

2430 Words

TAHIMIK AKONG bumaba sa kotse ni Kevyn nang makarating kami sa mansyon mula sa farm. Hindi ko naman alam kung umuwi na rin si Nicko at Ma'am Jenicka dahil nauna na kaming umuwi sa kanila. Bumaling ako kay Kevyn at ngumiti ako sa kaniya na agad naman niyang ginantihan. Naisip kong mas mabuting i-enjoy ko na lang ang mga oras na kasama ko pa siya. Lihim akong napangiti at nagpasiyang pumasok na sa mansyon habang pinaparada niya ang sasakyan. "O, Mara, Mabuti naman at nandito ka na," bungad ni Ate Mil sa akin. Nagtaka ako dahil sa tila kabado nitong expression. "Kanina ka pang hinihintay ni Ma'am Jenicka. Galit na galit siya, Mara!" kinakabahang sabi naman ni Andrea. Bakas sa mga mukha nila ang tila pagkabahala na labis kong pinagtakahan. Napakunot ang noo ko at nagtatakang tiningnan silan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD