"SIR KEVYN, salamat po sa lahat!" malungkot kong sabi. Nakalma ko na ang sarili ko at medyo okay na ako kahit sobrang sama ng loob ko. Kahit ayaw ko man 'tong gawin, alam kong ito ang tama dahil kahit ano'ng sabihin ko hindi niya ako kayang paniwalaan. Mabigat man para sa akin na iwan ang mansyon at si Kevyn, wala akong ibang maisip na gawin. Ang hindi niya paniniwala sa akin ay nangangahulugang wala akong halaga sa kaniya. Ito na rin siguro ang tamang panahon para hindi na ako umasa sa kaniya. Ang pag-alis ko sa mansyong ito ay ang pagputol ko rin sa nararamdaman ko sa kaniya. Hindi niya ako nilingon. Nanatili siyang nakatuon sa dyaryong binabasa. Hindi man lang ba niya ako pipigilan? Sabihin lang niyang huwag akong umalis, hinding-hindi ako aalis. Ilang saglit pa akong naghintay ng sas

