Kabanata 50

2231 Words

PINAHID ko ang mga luhang tumulo pisngi ko habang naririnig ko pa rin sa isip ang sinabi ni Kevyn sa akin nang araw na iyon. 'I'm disappointed!' Ang sakit pa rin at nananatili 'yon sa isip ko na para bang tattoo na hindi basta-basta nabubura. Huminga ako ng malalim para makalma ko ang aking sarili at inabala ang sarili sa magandang tanawin kung nasaan ako ngayon. Kasalukuyan kong nililibang ang sarili ko kaya pumunta ako sa parang para kahit pa paano gumaan ang pakiramdam ko dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa nangyari pero sa kabila niyon, alam kong nananabik pa rin ako sa kaniya. Gusto ko siyang puntahan at makita kaya lang hindi na maaari dahil magnanakaw ako sa paningin niya at hindi niya ako kayang pakinggan at paniwalaan kahit ano pang sabihin ko. Sa tuwing naiisip ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD