HINDI KO maiwasang hindi kabahan habang tinitingnan kami ni Mama at Papa. 'Yong tingin kasi nila para kaming mga kriminal na kailangan nilang litisin. Ayaw ko pa nga sanang ipaalam sa kanila ang tungkol sa amin ni Kevyn pero nagpumilit siya dahil gusto niyang maging legal kami at para na rin daw mahingi niya ng formal ang kamay ko sa mga magulang ko. Kinilig namana ko roon dahil alam niya kung paano irespeto ang pamilya ko. Magkatabi kami ni Kevyn sa sofa at halos lahat ay pigil hininga sa sasabihin namin dahil lahat sila'y nag-aabang. Mayamaya'y napatingin ako kay Kevyn nang hawakan niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil. Ramdam ko pa rin ang kaba niya kahit sabihing malakas ang loob niya kaya mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "Ahm! Tita, Tito...g-gsto lang po nam

