Kim's point of view continues Hirap akong makatulog, bumangon ako at pinalitan ang mga damit na unang inimpake ko. Pinili ko ang mga nighties na kahit sinong santo ay susunggaban ako pero natigilan ako at ibinalik ulit ang mga unang damit na inilagay ko sa aking maleta. Bakit ako naglalagay ng nighties eh hindi naman ako matutulog sa bahay niya. Pero miss ko na ang bahay ko kung saan ako ipininanganak at lumaki. Pinatay ko na ang ilaw at bumalik na ako sa aking kama. Pinilit kong matulog pero umaga na ay hindi ako dinalaw ng antok kaya inayos ko nalang damit namin na isusuot na mag-ina. Kailangan kong mag mask dahil baka pagkakaguluhan ako sa airport. Sweater din na may hoodie ang aking isusuot at komportable na pants. Ganun din sa aking anak para maka tulog siya sa plane. Unang biyahe n

