Duke's point of view Lumipas ang buwan at taon na nasanay na ako sa presensiya ni Ingrid. Paminsan-minsan ay iniiwasan ko siya lalo na ng na blind item kami na girlfriend ko daw ito. Galit na galit akong kinausap ni Tetay noon. Talagang ayaw niya kay Ingrid. "Okay ka na?" Tanong ko kasunod ang pagkapa ko sa kanyang noo. Pinagpawisan ito ng matindi dahil sa kanyang pagsusuka. "Sir Duke mas okay ako kung aalis at hindi na matutulog dito kahit kailan yang Ingrid na yan. O kaya kahit ako na ang bibili ng tv sa kabilang kwarto para hindi na siya makipanuod dito. Ano kaya Sir Duke kung lilipat tayo sa bahay ng mga skwater. Tignan ko lang kung makitulog pa yan." Sabi niya na hinang-hina. "Matulog kana may pasok ka pa bukas." "Anong oras aalis ang babae na iyan?" "May meeting siya ng maaga

