Luke's point of view Napatingin ako kay Kuya na malalim na naman ang inisip. Kahit paano ay hindi na siya biglang nawawalan ng malay kaya pwede ko na muna siyang iwan dahil kailangan na bisitahin ko din ang mga negosyo namin sa ibang bansa. Kung minsan ay naiinis na rin ako sa aking hipag na nawala. Wala namang kasalan si Kuya at ang pamilya namin sa nangyari sa kaniyang mga magulang. Ang kasalan lang ni Kuya ay inilihim niya ang kanyang pagkatao at ang hirap pa ay pinatulan niya ito. I don't blame Kim naman kung magalit siya sa parte na iyon pero ang daming sakripisyo ni Kuya para mabantayan siya. Pero ako yata ang pinaka daming sakripisyo dito dahil atleast sila nag honeymoon ako trabaho dito trabaho doon. Pag-uwi ko sa bahay ay may babaeng naglalakad sa daan. Mga galaw palang ay alam

