Duke's point of view Sa pagkawala ni Kim ay nagkaroon ako ng depression, panic attacked at anxiety. Mabuti ay kasama ko si Yaya na laging nagbibigay sa akin ng gamot nandito kami ngayon sa sementeryo. "Duke paano yan, flight ko na mamayang hapon sino na ang kasama mo sa bahay?" "Tatawag nalang ako ng kasambahay sa Mansion Yaya." Sagot ko na napatingin sa nitso ni Kim Napahinga ng malim si Yaya at nagpalam na siya sa mga magulang ni Kim at sa kanya. Pumikit din ako dahil nakakaramdam na naman ako ng pagkahilo. Agad akong inalalayan ng aking mga tauhan at isinakay sa aking wheelchair. Pagdating namin ay inilabas na nila ang mga maleta ni Yaya. Binigyan ko siya ng sobre na at ang laman ay dollar bills para may pera siya pagdating niya doon. Niyakap ako ni Yaya at malungkot na umalis.

