Sa kotse ni Jagie ay masayang naghaharutan ang tatlong babae sa likod ng kotse. Nagbubulungan at masayang kinukuwenta ang karagdagang pera na ibibigay sa kanila ng inaakala nilang customer. Pinaplano na rin nila ang mga posisyon na kanilang gagawin upang masigurong masasatisfied ang kanilang customer at mapalaki ang idadagdag na bayad sa kanila. “Malay mo, isa sa atin ang maging regular customer niya at itira sa magara niyang mansion. Tingnan mo naman ang sasakyan niya—ang gara at ang upuan, nako! Ang lambot at halatang pang-mayaman! Nakasakay na ako sa mga sasakyan ng ibang customer ko na madalas nga doon na niya ako binibing***, pero iba ang sasakyan ni poge! Halatang pang-mayaman at hindi lang pang basta-basta! Jackpot tayo dito! Tiba-tiba tayo, kaya dapat galingan natin!” wika ni Gret

