Chapter 67

1161 Words

Nakangiti si Jagie habang pinagmamasdan ang duguang at wala nang buhay na mga bangkay sa kanyang harapan. Tumatalon-talon pa siya at napapapalakpak na ani mo bata na nakuha ang kanyang paboritong laruan. “Two down, one more left!” masayang wika ni Jagie saka nakangiting dahan-dahang tumalikod at naglakad papunta sa kanyang kotse upang kunin ang pangatlo niyang biktima. “Baby, ikaw na ang susunod.. hinihintay ka na ng mga kaibiga…” hindi na naituloy ni Jagie ang kanyang sasabihin nang pag bukas niya ng pinto ng kanyang kotse ay wala nang tao sa kanyang sasakyan, wala na ang babae doon. Ang kaninang ngiti sa mga labi ni Jagie ay napalitan ng galit. Nanglilisik ang kanyang mga mata nang damputin ang tali na naiwan sa upuan ng kanyang sasakyan, patunay na nagawa ng babaeng kalagan ang sarili.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD