“Nararapat lang iyan sa mga katulad ninyo! Kung tutuusin ay kulang na kulang pa iyan sa mga kasalanan ninyo sa amin ng nanay ko!” galit na galit na wika ni Jagie saka dinuro ng kanyang baseball bat ang tumatawang si Magda. “Sino ka ba?! At anong sinasabi mong kasalanan namin? Hindi ka namin kilala at wala kaming kasalanan sa inyo!” wika ni Shiela na pilit itinatago ang matinding takot na kanyang nararamdaman. “Sino ako?! Hindi mo padin ako kilala?! Ako si The Cleaner! Ang itinakdang sugo upang ipaghiganti ang aking inang niloko at pinaslang ng mga maruruming babaeng katulad mo! At ako ang sugo na naatasang bigyan ng misyon na linisin kayo! Kayo na marurumi at salot sa lipunan na hindi dapat nabubuhay dahil maninira kayo ng pamilya! Sinira ninyo ang pamilya ko! Nang dahil sa inyo ay namat

