Pinagmasdan ni Jagie ang duguang katawan ni Carla na nakahandusay sa lupa. Wala na itong buhay—maputla ang mukha, nakadilat ang mga matang tila nanlilisik sa takot na huli niyang naramdaman bago siya tuluyang binawian ng buhay. Tahimik ang paligid; tanging tunog ng malamig na hangin na humahaplos at bahaygang nagpapagalaw sa mga puning kahoy na kumukubli sa kajila. Tahimik ang paligid, tanging mahihinang huni ng mga insekto at ang mabigat na paghinga ni Jagie ang maririnig. Umupo si Jagie sa tabi ng bangkay, mabagal, parang ninanamnam pa ang tanawin. Maya-maya ay ngumisi siya—isang ngising puno ng galit at poot. “Ang mga babaeng katulad mo,” mahinang sabi niya, “wala kayong karapatang mabuhay.” Tumitig siya sa malamig na katawan ni Carla, at sa bawat segundo, lalong lumalalim ang apo

