Alas sais na ng gabi nang ihatid ni Jagie si Shara sa kanyang condo. Sa labas na rin sila kumain ng hapunan dahil gusto ni Jagie na makapagpahinga na lang si Shara pag-uwi. Ayaw niyang mapagod pa ito sa paghahanda ng pagkain. “Magpahinga ka na ha, love,” paalala ni Jagie habang binubuksan ni Shara ang pinto ng kanyang unit. “Bawi ka sa tulog, kailangan mo ng lakas para sa trabaho mo bukas.” Ngumiti lang si Shara bilang tugon. Ang totoo, wala talaga siyang planong magpahinga. May binabalak siyang operasyon ngayong gabi kasama ang team niya — magbabantay sila sa isang bar, umaasang matitiyempuhan nila si The Cleaner. “Bye love, ingat ka sa pagda-drive ah. Text o tawag ka kapag nakauwi ka na,” bilin ni Shara matapos bumaba ng sasakyan. “Yes, boss! Promise!” biro ni Jagie. “Pero… wala bang

