“Siya nga po pala, nanay, siya po si Detective Shara Balmores — girlfriend ko po,” pagpapakilala ni Jagie sa ginang. “Magandang hapon po,” magalang na bati ni Shara kay Aling Maria. “Detective Shara Balmores? Ikaw po ba ang may hawak ng kaso ng mga babaeng biktima ni The Cleaner? Yung… walang awang killer na pumatay sa anak ko?” tanong ng ginang, sabay titig kay Shara. Kita sa kanyang mga mata ang labis na pangungulila habang paulit-ulit niyang pinipikit ang mga mata upang pigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. “Opo, nanay,” mahina ngunit magalang na sagot ni Shara. Pilit siyang ngumiti, pero halata sa boses niya ang lungkot. Kahit hindi niya kaano-ano si Marikit, ramdam niya ang bigat at sakit ng ina nito. “Kumusta na po? May development na po ba sa kaso? Nahuli n’yo na po ba si T

