Alas nuebe ng gabi, tahimik na ang buong mansion ni Jagie. Ang kanyang mga kasambahay ay nasa kani-kanilang quarters na at mahimbing na natutulog. Maingat siyang lumabas ng mansion—walang kaluskos. Marahan niyang binuksan ang magarang pintuan, saka dumeretso sa garahe kung saan naroon ang kanyang mamahaling sasakyan. Agad niya itong pinaandar at pinaharurot papalayo, dala ang misyon ng panibagong “paglilinis.” Samantala, sa kanyang silid ay gising pa rin si Detective Shara. Pabaling-baling siya sa kanyang hinihigaan, ngunit hindi siya dalawin ng antok. Tila ba naririnig pa rin niya sa kanyang isipan ang mga sigaw ng mga babaeng duguan at humihingi ng tulong sa kanyang panaginip. Ngunit higit pa roon, tila lason sa kanyang pandinig ang mga sigaw ng mga taong nangungutya at nagdududa sa kan

