Muling kumuha ng beer si Jagie saka pasimpleng pinagmamasdan ang mesa kung saan naka-puwesto ang tatlong mahaharot na babaeng target niya ngayong gabi. Kasama ang apat na lalaking pawang mga lasing na—makikita ang garapal na pagnanasa sa kanilang mga mata. Maya-maya pa’y nakita niyang tumayo ang grupo, magkakaakbay na parang matagal nang magkakakilala. Soot padin ng tatlong babae ang mga malalaswang damit na halos wala nang tinatakpan, sa ikli at nipis Ng mga soot nila. halatang nagkasundo na ang mga ito upang gumawa ng kalaswaan. “Teka lang… hindi yata balanse, ah! Apat kami, eh tatlo lang kayo!” reklamo pa ng isang lalaking halatang lasing na. “Huwag kang mag-alala, pogi. Ako na ang bahala sa inyong dalawa,” ani Marikit, sabay kagat sa kanyang pang-ibabang labi at isang malanding ng

