Muling binalot ng ingay ang kalsada—hindi dahil sa musika o halakhakan ng mga taong hayok sa laman, kundi dahil sa magkahalong sigawan, putukan, at alarmang dala ng isang matinding habulan. Sa bawat sulok ng lungsod, naririnig ang wang-wang ng mobile patrol cars, ang sigaw ng mga mamamayan, at ang tunog ng takot. Hinahabol ng mga pulis ang serial killer na kilala bilang The Cleaner. Sa headquarters ng pulisya, isang tawag ang agad na inirelay kay Detective Shara Balmores. Kahit pa nagdesisyon na siyang bitiwan ang kaso, hindi siya nag-atubiling bumangon. Sa puso’t isipan niya, alam niyang hindi siya matatahimik hangga’t hindi nahuhuli ang mamamatay-tao. Tumalima siya sa tawag ng tungkulin. “Ano’ng lokasyon? Anong sasakyan ang gamit niya?” tanong niya sa command center habang inaayos ang

