Chapter 20

1475 Words
Charmaine's POV "Takeshi, please be careful." Paalala ko habang inaayos ang suot niya. "I will, Kimi. Don't worry." Sagot niya at tiningnan ako sabay ngiti. Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin. "J-just be safe, okay? Promise me." Sabi ko. Nakagat ko ang aking pang ibabang labi. "Yes, Kimi. My love. I promise." Aniya at sinuri ang aking mukha. Sa totoo lang ay kinakabahan ako para sa magiging operation ng mga pulis kasama ang Onizuka clan. Ilang araw na akong hindi mapalagay. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Maraming what ifs! Nagsimula na akong mag overthink. Paano kung may mangyaring masama sa kanya? Sa kanila? Ngumiti lang siya at niyakap ako. Matagal. Mahigpit. Parang ayaw na niya akong pakawalan. At natatakot ako. Dahil ang ganitong klase ng yakap ay maaaring may kapalit. Alam kong hindi basta bastang kaaway si Keniji Sato. I had a taste of it! Nakaka trauma! Ngayon ang araw na huhulihin ng mga pulis si Keniji. Ilang buwan din ang ginawa nilang surveillance katulong ng mga Onizuka at nakakuha sila ng impormasyon kung kailan at saan magaganap ang delivery ng illegal na droga. Ikinuwento sa akin ni Ryu kagabi ang gagawin nilang operation. Ayaw sana ni Takeshi na malaman ko. Pero pinilit ko si Ryu na sabihin sa akin. Gagawin ang delivery sa warehouse ni Keniji. Nakipag meeting na din sila sa mga pulis para sa gagawin nilang operation. Kumawala siya mula sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako na puno ng pagmamahal. "I will be back, Kimi. Hmmm?" Hinaplos niya ang pisngi ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. I know he wanted to assure me. That everything will be okay. Papalapit siya ng papalapit hanggang sa lumapat ang mga labi niya sa labi ko. It's our first kiss! Napapikit siya. Nanatili namang nakadilat ang mga mata ko dahil nagulat ako sa ginawa niya. Gusto ng isip ko na manlaban pero kabaliktaran ang sinasabi ng puso at katawan ko. Unti-unti akong nawalan ng lakas sa bisig niya. Hindi ko na namalayan na tumutugon na pala ako sa kanyang halik. Bahala na si Batman! Kung may mangyari man sa amin ngayon ay hahayaan ko na siya sa gusto niyang gawin. Na realize ko lang na napakaikli lang ng buhay. Sa totoo lang ay unti unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Mahal ko na siya! Naging marubdob ang halikan naming dalawa. Akala ko kay Keniji lang siya makikipaglaban ngayon, pero pati ang mga labi namin ay tila may labanan din. Napahawak siya sa leeg ko at unti-unting bumaba ang mga kamay niya sa likod hanggang umabot ito sa aking lower back. Napaatras kami habang tuloy pa din ang halikan namin hanggang sa maramdaman ko ang pader ng silid namin sa likuran ko. "Uhmmm, K-kimi!" Napaungol siya sa pagitan ng halik namin. Para kaming apoy na naglalagablab. "Hmmm!" Napaungol na din ako. He is such a good kisser! Para na akong mawawalan ng ulirat dahil sa ginagawa niya. Parang ginagalugad niya ang loob ng labi ko gamit ang dila niya. Hindi ko akalain na ganito pala siya, when it comes to romance. Sobrang passionate! Matapos ang ilang minuto ay itinigil niya na ang pakikipaghalikan sa akin. Parehas naming hinahabol ang aming hininga. That was an intense five minutes kiss. Partida, first kiss pa lang namin 'yun ha! Grabe! Ang tindi ng stamina niya. At ang rupok ko naman. Jusko! Just, why? "W-what's w-wrong, T-takeshi?" Nagtataka kong tanong sa kanya habang hinahabol din ang aking paghinga. Anong nangyari? Kung kelan naman handa na akong ibigay ang sarili ko sa kanya, tapos ganito? May nagawa kaya akong mali? Or baka na turn off siya sa 'kin? Jusko, nakakahiya! "I had to stop, K-kimi. O-or I m-might n-not be able t-to control m-myself anymore." Naghahabol hininga niyang paliwanag sa akin. Niyakap niya lang ulit ako ng sobrang higpit. Halos madurog na nga yata ang mga buto ko. "Thank you, my Kimi, my love. I love you very much." Sabi niya sa akin. Ramdam ko ang labis na pagmamahal sa paraan ng pagkakasabi niya ng mga salitang 'yun. Sincere siya. Mahal niya talaga ako. "I l-love you too..." Mahina kong sagot sa kanya. "W-hat? What did you say?!" Nabigla siya sa naging sagot ko. Kumawala siya mula sa pagkakayap sa akin. Tiningnan niya ako para siguradohin kung tama ba ang kanyang narinig. "I s-said...I l-love you t-too..." Ulit ko. Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso kaya yumuko ako dahil sa sobrang hiya. Pakiramdam ko ay ang init ng pisngi ko. Eh wala naman akong lagnat. "Can you say it again, Kimi? Please. Hmmm?!" Malambing niyang pakiusap sa akin. "I love you too." At nagtakip na ako ng mukha. Parang sasabog na ang puso ko. Kakatapos lang naman namin na maghalikan kanina, 'di ba? Tapos may pa exchange of I love you's na! Lumapad ang ngiti niya. Kitang kita ko ang saya sa ekpresiyon ng mukha niya. "Oh, Kimi! I love you so much. Thank you. Aaaaahhh! I want to shout right now. I am so happy because this is the first time you responded to my confession of love. Ahhhhh! Thank you, Kimi. I love you, i love you, i love you!" Sabi niya at pinugpog ako ng halik sa pisngi, noo, at sa labi. Para siyang bata! Hindi mo aakalain na leader siya ng isang Gokodu (yakuza) clan. Halos ayaw na niya akong bitawan. Panay pa rin ang yakap niya sa akin. Natatawa ako sa kanya. But, I am just so happy seeing him smiling and laughing with me. "Why are so clingy, hmmm?!" Tanong ko sa kanya. Nakaupo kami sa kama at nasa likuran ko siya at nakayap pa rin sa akin. Nasa tiyan ko ang mga kamay niya. Hindi ko akalain na magiging ganito siya. Pero, gustong gusto ko naman. "Why, Kimi? Don’t I have the right to be clingy to my wife?" Tanong niya at hinalikan ulit ako ng mabilis sa kanang pisngi. "Hey, I'm not your wife yet. Stop calling me that." Saway ko sa kanya. Pinaharap niya ako sa dereksiyon niya at binigyan ng isang makahulugang tingin. "But in time, you will." He smirked. Muli niya akong hinalikan sa lips. Nahampas ko siya sa dibdib. "Hey, stop it. You had too many kisses today. It's not good for your health, Soryo." Biro ko sa kanya. He hissed at me. Tiningnan ako ng isang malokong tingin. Jusko, ano na naman planong gawin ng lalakeng 'to? "Did you say...too much kisses is not good for my health, huh?!" Tanong niya at dahan dahan akong inihiga sa kama. Sige ka, Charmaine! May pa suggestion ka pang nalalaman ha? "Uhmmm. Y-yes." Nauutal kong tugon sa kanya. Biglang nanuyo ang lalamunan ko. Pati puso ko, eh parang naging abnormal na yata ang pagtibok. Ang lakas! Kiss? Confession? Tapos, ano na? Hoy, wait lang naman! Dinaganan niya ako ng bahagya. Nasa ibabaw ko na siya. Nakatanday ang isang paa niya sa binti ko. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. "So, why don't we take it to the next level, Kimi?" Suhestiyon niya at nilandian ang boses. Mapang akit din pala talaga siya. Ngayon ko lang na diskubre ang side na ito ni Takeshi. Hinaplos niya ang pisngi ko at sinuri ang aking mukha. Napalunok ako ng laway. Grabe, sobrang manly ng boses niya. Pero ang lambing! Nakakapanghina ng puso, isip at katawan. Bakit ba siya ganito? Tumigil ka na please. Hindi na ako nakapagsalita. Hahalikan niya na sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan ng silid namin. "Soryō, ima ikanakucha." [We need to go now, Soryo] Boses 'yun ni Katsu. Napapikit siya at halatang naiinis dahil na-interrupt sa balak niyang gawin. Hahaha! Kaloka! Pinigilan ko ang sarili na huwag matawa dahil baka ma offend naman siya. "Chikushō! [Oh s**t!], Uzai! [Annoying!], Warugaki! [Brat!]" Sabi niya. Hindi ko naintindihan pero feeling ko, he is cursing. Ramdam ko ang gigil niya sa bodyguard. Kawawa naman si Katsu. Walang kaalam alam. "Takeshi, I think you need to go." Sabi ko sa kanya. "Okay, Kimi. I will be back. Hmmm?!" Sagot niya at hinalik halikan ang buong mukha ko. Pakiramdam ko ay parang malalamog na ang mukha ko dahil sa kakahalik niya. Pero, wala eh. Marupok ang Charmaine niyo! "Take care of yourself, okay?" Paalala ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Nanatili kaming magkayakap sa loob ng iilang segundo. Ewan ko ba! Kung kanina pa siya clingy sa akin simula noong nalaman niya na mahal ko din siya, eh parang nahawa na din ako sa kanya. Bahala na kung madurog ako sa mga braso niya. Kumawala siya mula sa pagkakayakap ko sa kanya at tinitigan akong muli. Marahan niyang pinisil ang aking ilong. "I will, my love. Wait for me. We are not done yet." Ngumisi ito sa akin bago tuluyang lumabas ng silid. Naiwan akong napatulala nalang dahil sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD