Chapter 19

3015 Words
A/N: This chapter contains a few lines in Japanese. Gomen'nasai [Sorry]...if in case hindi accurate. I only used the Google Translation. Arigatōgozaimasu! ? Takeshi's POV "Tell me, Takeshi. What did you and Keniji talked about?" Tanong ni Charmaine sa akin. Nasa loob na kami ng aming silid at naghahanda na upang matulog. To be honest, ayoko sana na malaman pa niya ang lahat ng tungkol sa away naming mga Gokodu clans. Tumabi ako sa kanya at saglit na natahimik. "Hmmm..." Nag-aalinlangan ako. Napansin niya ang pananahimik ko. "It's okay, Takeshi. You can tell me." She said. Hinawakan niya ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Eto ang unang beses na nag initiate siya ng skinship sa akin. "Nanite kotoda!" [Oh my god!] Hinahawakan niya ba talaga ang kamay ko? "Kore wa yumedesu ka?" [Is this a dream?] Napaangat ang mukha ko at tinignan siya. She is smiling at me. Pakiramdam ko ay bumibilis ang t***k ng puso ko. Napalunok ako ng laway. Sinusubukan kong ikalma ang sarili. "Rirakkusu, Takeshi!" [Relax, Takeshi]. "I-i d-dont w-want you getting involve with our business, Kimi. I mean, the fights...t-the-" "I know what you mean, Takeshi. I will not involve myself. I know you will not let me. But atleast, I have a little knowledge about it. Please tell me." Pakiusap niya sa akin. Tinignan niya ako na para bang gusto niyang iparating sa akin, that she will understand. "But-" "You said that I am your Okusan. That I am now a part of this family, remember? Families don't keep secrets from each other. Please, tell me. I beg you." She insisted. This is the very first time that she acknowledge herself being my woman. And I am loving it. Ikinuwento ko sa kanya ang pinag-usapan namin ni Keniji. I told her na wala namang nangyaring away kanina sa restaurant. Nag-usap lang naman kami. Siyempre, hindi pa rin mawawala ang pagiging hambog at walang kwentang kausap ni Keniji. Sinabi ko din sa kanya ang impormasyon na natanggap namin tungkol sa paparating na illegal drugs shipment ni Keniji. Kasabwat niya ang isang ma impluwensiyang pulitiko. Hindi nawala ang tingin niya sa akin. Nakikinig lang siya sa lahat ng sinasabi ko sa kanya. "Takeshi, you should be careful always. We don't know what Keniji is planning. Promise me, that you will always be safe. Hmmm?" Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Napakalambing ng pagkakasabi niya. "Oya oya, watashi no shinzō wa totemo hayaku kodō shite imasu!" [Gosh, my heart is beating so fast!] Tumango ako bilang tugon. "I will, Kimi. Salamat?" "Oh, you're learning Tagalog words, again?" Napangiti siya sa sinabi ko. "Of course, I need to learn Tagalog because my wife is a Filipina." I smiled back. Parang nagulat siya sa sinabi ko. Namumula ang mukha niya at kaagad na nag iwas ng tingin. "Kanojo, totemo kawaī. Watashi no tsuma wa totemo airashīdesu" [She is so cute. My wife is so adorable!] I gently pulled her close to me for an embrace. Pumayag naman siya. She rested her head on my chest. Sana hindi niya naririnig ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Her hands caressing my back. We stayed on that position for a couple of minutes. No one said a word. I pulled away from our embrace. Pinagmasdan ko lang siya. Hinawakan siya sa magkabilang balikat. I pulled her close to me once again. But this time, I kissed her forehead. I closed my eyes and felt her soft skin brushing on my lips. Kumawala na ako sa kanya. I saw her slowly opening her eyes. Napapikit din pala siya. If only, I could kiss her lips. I would love to, right now. But I can't, unless she will give me her permission. Ayokong abusuhin ang tiwala na binibigay niya sa akin. I smiled at her. "Let's go to sleep, Charmaine. Good night, my Kimi." "Good night, Takeshi." Charmaine's POV "So, ano na nga ang latest? Mag-kuwento ka naman..." Pangungulit sa akin ni Che Che. Kasalukuyan kaming nasa school canteen upang kumain ng lunch. Kanina pa niya ako kinukulit habang nasa klase pa kami. Madalang nalang kasi kaming makapag bonding at dito sa school nalang madalas magkita. Minsan ko nalang din siya nakakausap dahil nag deactivate muna ako ng mga social media accounts ko maliban sa isang video call app na ginagamit ko para matawagan ang mga kaibigan ko sa Pilipinas. For my safety daw, sabi ni Takeshi. Sumunod nalang ako. "Ano ba kasi ang gusto mong malaman? Kanina mo pa 'ko kinukulit. Ayaw mo 'kong tantanan." Sabi ko habang panay ang tipa sa keyboard ng laptop ko. Sinarado niya ang laptop ako at napahalukipkip. "Eto! Eto mismo ang sinasabi ko. Bes, madalang na nga lang tayo mag usap tapos 'yang laptop mo na naman ang kaharap mo. Pwedeng ako naman, please." Sabi nito na nagpa-pacute at sabay pout ng lips. Napangiti nalang ako sa ginawa niya. "Ano bang nangyari sa'yo? Ilang araw lang tayo na hindi nagkita, eh naging super clingy ka na." Napailing nalang ako. "Eh pano naman ako hindi magiging clingy sa'yo, eh simula nang maging Okusan ka ng Soryo ng Onizuka...ang hirap mo nang makausap." Sabi niya na halatang nagtatampo. "Che, alam mo naman 'di ba? Napakarami kong lessons na dapat habulin ngayon. At saka hindi muna ako pwedeng lumabas ng bahay ng ganun ganun lang. 'Di ba?" Paliwanag ko sa kanya. "Umph! Kainis. Lagi nalang sila ang kasama mo palagi." Sabay nguso sa mga bodyguards ko na sina Katsu at Seki. "Alam mo naman ang dahilan kung bakit may kasama akong bodyguards, 'di ba? Alam mo naman. Nakidnap ako-" "Oo na. Sige na. Wala naman akong laban diyan sa asawa mo." Pang aasar nito sa akin. Sa tingin ko, okay na siya. Nang aasar na kasi. "Ewan ko sa'yo." Sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain ng lunch. "Ehem! Speaking of Takeshi...ano na bang development sa inyong dalawa? Anong latest?" Bulong niya sa akin. "Uhm...nag date kami kahapon." "Tapos?" "Yun lang. Nag date kami." "And? Ano pa?" Tanong niya with so much expectation. Ano pa bang gustong malaman ng babaeng 'to? Jusko! "I mean...'yung tungkol sa...alam mo na 'yung...labing labing...you know...basta alam mo na 'yun. Your level of intimacy, ganern!" Diin niya. "Ano bang sinasabi mo? At 'yun talaga ang gusto mong malaman?" Natawa ako sa kanya. "Bes, 'di ba magkaibigan naman tayo? Tanong ko lang...may nangyari na ba sa inyong dalawa?" "N-nangyari? S-sa a-aming d-dalawa? Nino?" Nauutal kong tanong. Muntik ko nang maibuga ang juice na iniinom ko. Loka loka talaga 'tong kaibigan ko! "Eh sino pa nga ba? Kundi sa inyong dalawa ni Takeshi. Ay oh! Umaarteng slow at inosente?!" Pang aasar niyang muli sa akin. "Walang nangyari sa aming dalawa." Mabilis kong sagot. "Ano???!!! As in, waley talaga? Imposible." Disappointed pa talaga siya sa narinig niyang sagot. "Wala nga. Ano bang ini-expect mo? Ikaw talaga!" "Ano ba yan! Ilang linggo na kayong magkasama. Tapos, wala? Ang bagal naman ni Soryo." Natatawa nalang ako sa kaibigan. Parang hindi 'yun ang inaasahan niyang sagot mula sa akin. "Well, meron din naman kaming development kahit papano..." Sabi ko. Na excite siya bigla. "Development? Ano 'yun?" "Uhm... Bale, magkatabi kami matulog. Tapos, wala nang nakaharang na unan." "Tapos?" "H-hold h-hands.." "And then?" "H-hugs..." "Anything else?" "T-tapos...f-forehead k-kiss. 'Yun lang." Namumula kong sagot. Lumapad ang ngiti niya na para bang nanalo sa sweepstakes. "Ayiiiie!!! Kinikilig ako. Sige, okay na 'ko. Alam ko naman na wala pa kayo sa ganung stage eh. 'Yung...umph! Alam mo na! Yieeee!" Pang aasar nito habang kilig na kilig. Tatayo na sana kami nang biglang nag anunsiyo na suspended na daw ang afternoon classes. Magkakaroon daw ng emergency meeting ang mga teachers. Naisipan namin ni Che Che na tumambay sa library para mag research. Malapit na kami sa library nang makasalubong namin ang tatlong babae. Nag panic ako at nakaramdam ng takot. Pero, hindi ako nagpahalata. Si Aiko at ang dalawa niyang kaibigan ang paparating. Pinakalma ko ang sarili. "Bes, tara dito tayo sa kabila dumaan." Aya niya sa akin na halatang natatakot din. Pero ayoko nang matakot. Nakakapagod. "Okay lang, bes. Andito na tayo." Sabi ko sa kanya at tinapangan ang sarili. Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to! Kaya mo 'yan, Charmaine! Tumigil sila sa harapin namin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Hey, you! We need to talk." Sabi ni Aiko sa akin. Hindi 'yun pakiusap kundi isang utos. "What do you want?" Tanong ko at tinignan din siya. "Let's talk somewhere. Not here." Sabi niya. "Bes, wag kang pumayag. Baka kung ano na naman ang gawin niya sa'yo." Nag-aalalang paalala sa akin ni Che Che. "Don't worry. I will not do anything to your friend." Sabi nito na nag smirk pa. Pati na din ang mga minions nito na nasa tabi niya. Dumating naman sina Katsu at Seki. "Okusan, don't go with her." Sabi ni Katsu. "Wala akong tiwala sa babaeng 'yan!" Sabi naman ni Che Che. "Okusan, don't go. Soryo will get mad if he knows." Paalala naman sa akin ni Seki. "Then, don't tell him. This is between us women. Do not get involve. Besides, who says I'm going with her, alone? You two, will be with me." Napangiti ako at binigyan sila ng assurance. Pumayag ako na sumama kay Aiko sa kondisyon na kasama sina Katsu, Seki at si Che Che. Ayaw sana nito pero ginamit kong dahilan si Takeshi kaya hindi na siya pumalag pa. Subukan lang niya talaga! May bad record na siya sa mga Onizuka. At ang mismong Soryo pa nito ang nakasaksi sa lahat. Dinala niya ako sa isang field na nasa likod na bahagi ng school. Walang katao tao dito. Siguro, meron kanina. Pero dahil ma impluwensiya ang pamilya ni Aiko ay madali niya lang nauutusan ang mga authorities ng school namin. Wag lang siyang gagawa ng kahit anumang kalokohan. Hindi ko na siya uurungan. "Let's have a volleyball match. One on one." Hamon niya sa akin. Napansin ko nga ang volleyball net na nakasabit sa gitna ng field. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Saglit akong napaisip. Nag-atubili pero kapag hindi ako pumayag ay sasabihin niya na duwag ako. "Let's see if you are worthy to be Takeshi's Okusan. I want to check if you are enough to be my rival. Well, I knew you're not-" "Let's just do it." Sabi ko at tinanggap ang hamon niya. Nang asar pa ito sa akin. Sinipat niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "I don't know what Takeshi sees in you, that he is willing to risk his life and honor. He is a fool! You are not good enough for him. He's mine. Today, I will make sure that you will realize your place in his life. You are just a mistress and I will be his legal wife." Pabulong na sabi niya sa akin. Alam kong pabulong ang pagkakasabi niya ng mga salitang 'yun. Pero pakiramdam ko ay parang bomba na pinasabog sa tenga ko. Pinamukha niya sa akin ang totoo. Tama naman siya. Sila naman talaga ni Takeshi ang dapat na magkasama. Pero kahit ganon ay hindi pa rin ako uurong sa hamon niya. Insultuhin na niya ako, pero huwag lang si Takeshi. Pagkakataon ko naman na ipaglaban ang sarili ko na hindi nakasandal sa kanya. Aba teka! Pino-provoke talaga ako ng babaeng 'to ha! Sinimulan na namin ang volleyball match. Si Katsu ang tagabantay sa gitna ng net. Taga record naman ng score sina Seki at Che Che. Nakamasid lang sa malapit ang mga kaibigan ni Aiko. Medyo hindi pantay ang lupa na kinatatayuan namin kaya kailangan kong mag-ingat. And...may sikreto ako kung bakit confident ako na tanggapin ang hamon niya. I was a volleyball varsity player since highschool, trained by Miss Alyzza Valdez of Creamline Cool Smashers of The Ateneo de Manila University. Mabuti nalang at nakasuot ako ng pants at rubber shoes. Sakto din na komportable ako sa suot ko ngayong damit. Tila gusto akong tulungan ng langit. Napatingin ako kina Katsu at Seki. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala. Ngumiti ako sa kanila na parang gusto kong ipahiwatig na okay lang ako...na kaya ko. Si Aiko ang unang nag serve ng bola at ang unang naka score. Napa yes pa siya at nakipag apir sa mga bruhang kaibigan niya. Feeling niya...siya na talaga ang mananalo. Hmmm! 'Dun siya nagkakamali! Sige, magpakasaya na kayo ngayon. Humanda kayo sa 'kin. Bumu-bwelo lang ako. Pero, infairness, magaling din siya ha! Pero, mas magaling ako. Pagkatapos ng 3 hits niya ay ako naman ang naka score. At sunod-sunod 'yun. Ang usapan namin ay kung sino ang unang maka hit ng 5 scores ay siya ang panalo. Nilakasan ko ang pag serve. Nagugulat siya sa mga atake ko. Serve, attack, block, hit. Hanggang naka score ako ng apat. Nakita ko ang galit sa ekspresiyon ng pagmumukha niya pero hindi ako nagpa-apekto. Nag serve ulit siya at kapag naka score ako ngayon, ako na ang winner sa match na ito. Lumingon pa siya sa mga kaibigan niya bago nag serve ng bola. Serve. Bump Hit. Setting. Then, my turn! Isang malakas na Spike Hit! Then boom! Ouch. Aray! Nadulas ang paa ko sa isang bato. Natumba ako at nasubsob sa lupa. Naramdaman ko ang pagsakit ng kanang balikat ko. Parang na dislocate yata ang joints ko dahil sa nangyari. Napansin ko din na may sugat ako sa kamay. Tumama ito sa isang basag na salamin. Aray! Ugh. Napaungol ako sa sobrang sakit. "Okusan/Charmaine!!!!" Napasigaw sila Katsu, Seki at Che Che. Kaagad nila akong dinala sa clinic ng school. Binalaan ko sila na huwag nang ipaalam kay Takeshi ang nangyari pero huli na ang lahat. Tinawagan na pala ito ng dean namin. Nasa loob ako ng clinic kasama si Che Che nang dumating si Takeshi. Pabigla niyang binuksan ang pinto. Kitang kita sa mukha niya ang labis na pag-aalala. Kaagad niya akong niyakap. "Uhmm..." Napaungol ako sa sakit. Aksidente niyang nahawakan ang balikat ko na may injury. Nakasuot ako ng shoulder cast. Sabi ng doctor, minor sprain lang naman ito. Pero kelangan ko pa ding ipahinga ng 2 to 3 days. Nilinis na din ng school nurse ang sugat ko at nilapatan ng bandage. Maliit lang naman siya. Malayo sa bituka. "Oh, sorry Kimi. Are you alright?" Tanong niya at sinuri ako. "I'm okay, Takeshi. Don't worry. I will be fine." Sabi ko sa kanya. "Are you sure? I think we should go to the hospital." "No. We don't have to. This is just a minor sprain and injury. I've been through worse." Paninigurado ko sa kanya. Kinausap siya ng doctor at ipinaliwanag ang kondisyon ko. Sinabihan siya na walang dapat ipag-alala at magiging okay din ako pagkatapos ng tatlong araw. Umuwi na kami sa bahay. Inalalayan niya ako. Kulang nalang talaga ay kargahin niya ako na parang bata. Nasa loob na ako ng kuwarto at kasalukuyang inaasikaso nina Auntie Ayako at Fumiko. Tinulungan din nila akong maligo at magbihis ng damit. Pagkatapos ay sinabihan ko sila na iwanan muna ako. Napansin kong hindi pa pumapasok si Takeshi sa silid namin. Kaya minabuti kong lumabas para hanapin siya. Lumabas ako ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Sinilip ko ang opisina niya pero wala siya. Wala din sa living room, assembly room at sa kusina. Kaya, lumabas na ako ng bahay. May narinig akong ingay sa isang sulok ng garden. Dahan dahan akong naglakad papunta sa direksiyon ng kinaroroonan nito. Katsu? Seki? Nakita ko silang dalawa na nakaluhod sa harapan nila Takeshi at Ryu. "Naze tsuma o kizutsuke saseta nodesu ka??!!" [Why did you let my wife get hurt?] Malakas ang boses ni Takeshi habang kausap sila. Galit na galit ito sa kanilang dalawa. Paulit-ulit na humingi ng paumanhin sina Katsu at Seki. Sa totoo lang ay wala naman silang kasalanan. Ako ang pumili na tanggapin ang hamon ni Aiko na volleyball match. Isang aksidente ang nangyari sa akin kanina. "Mōshiwakearimasenga,-so ryō. Yurushitekudasai!" [We are very sorry, Soryo. Please forgive us.] Kaagad akong lumapit sa kanila. Nag-aalala ako na baka kung ano pa ang magawa ni Takeshi sa kanilang dalawa. "Takeshi?" Tawag ko sa kanya mula sa likuran. Napalingon siya sa direksiyon ko. "K-kimi? W-hat are you doing here? I thought you're sleeping." Nagulat siya sa pagdating ko. "Can I talk to you? J-just the two of us." Sinenyasan niya sina Katsu at Seki na umalis na muna. Sumunod na din si Ryu sa kanila. Inalalayan niya ako na makaupo sa bench. Nasa garden kami. Malamig ang hangin at bilog ang buwan. "Takeshi, please don't get mad at them. It's not their fault." Pakiusap ko. Hindi siya makatingin sa akin ng deretso. Siguro, galit pa din siya. He sighed. "They failed in protecting you. They failed to do their duty. They failed you. They failed me." Nakakuyom ang mga kamay niya. Hinawakan ko ang nakakuyom niyang kamay at binuksan 'yun. I tried consoling him. "They didn't fail me. Who says they fail us? They supported me while I'm playing the game. They were my cheerleaders. So, please don't get mad at them. Please." Pakiusap ko at nagpa-cute na sa kanya. Ngumiti na din siya sa akin. Mabuti nalang at kumalma na! Kahit sandali pa lang naman kaming magkasama sa iisang bubong ay alam kong hindi biro kapag nagalit si Takeshi. Ganon siguro talaga kapag isang Gokodu leader. "Hmmm. Okay, Kimi. I will not get mad at them anymore." Pangako niya. "Promise?" "Yes, I promise. As a leader of Onizuka and as your husband." Sagot niya sabay pisil sa ilong ko. Hala, ayan na naman po tayo sa salitang husband ano po! Kinilig ako ha. "And also... I won the volleyball match. Aiko didn't know I am once a Volleyball Varsity player since highschool in the Philippines." Nagkibit balikat ako. "Really? You are a varsity player?" "Yes. That's why I am confident when I accepted her volleyball match challenge. From the very start, I knew that I'm going to win." Napangiti ako. Hinarap niya ako at hinawakan sa pisngi. "You are always full of surprises, my Kimi." Tinignan ko siya at binigyan ng matamis na ngiti. "As always, Takeshi."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD