Chapter 18

3052 Words
Charmaine's POV "Aray!" Nasabi ko nalang habang kino-cold compress ni Auntie Ayako ang pisngi ko. "I'm sorry, Okusan." Humingi siya ng paumanhin at itinuloy na ang ginagawa. "It's okay, Auntie Ayako. I'll do this myself. You can leave now. Thank you." Pakiusap ko sa kanya at kaagad na kinuha ang cold compress na nasa kamay niya. Ayaw niya sana akong iwanan pero nakiusap ako kaya magalang naman ito na lumabas na ng silid. Naiwan ako na napatulala at hawak ang namamaga kong pisngi. Ang lakas ng sampal na 'yun ha! Hindi ko akalain na ganon ang mangyayari sa akin sa araw na ito. Ke liit liit na babae ni Aiko pero ang lakas niya. Hanggang sa ngayon ay ramdam ko pa din ang lakas ng pagsampal niya sa akin kanina. Tinignan ko sa salamin ang mukha ko. At sa 'di ko malaman na kadahilanan ay bigla nalang akong napa iyak. Noong una ay hikbi pa lang, ngunit naging hagulgol nang lumaon. Tinakpan ko ng aking dalawang kamay ang mukha ko. Mas lalo akong umiyak. Masakit siya, physically! Pero mas masakit siya, emotionally. Nakaramdam ako ng labis na kahihiyan dahil sa nangyari kanina. The way Aiko and his dad looked at me with disgust. Na para bang isa akong kriminal. Gusto ko nalang mawala sa mundo nang mga oras na 'yun. Kung iisipin ay totoo naman ang sinasabi nila. I am a mistress. Si Aiko naman talaga ang future legal wife ni Takeshi. Kahit na hindi pa naman sila kasal, pero pumasok na ako sa buhay niya. Pero ginusto ko ba na maging Okusan niya? It wasn't my choice in the first place. Pinunasan ko ang aking mga luha at baka marinig pa nila ako na umiiyak. Mag-aalala na naman sila. Ayoko na maging pabigat sa mga taong nag aalaga sa akin lalo na kay Takeshi. Alam ko na marami na siyang iniisip na problema at napakabigat ng responsibilidad niya bilang Soryo ng Onizuka clan. I was so lost in my thoughts when Takeshi suddenly entered the room. Nagulat ako. ng bahagya. Kanina pa ba siya sa labas ng kuwarto? Narinig niya kaya na umiiyak ako? I have a lot questions to asked him, lalo na sa kung ano ang pinag usapan nila ng daddy ni Aiko. Madami akong gustong sabihin sa kanya kanina pero ngayon na andito na siya, hindi ko na magawa. Ngumiti siya at kaagad na lumapit sa akin. "My Kimi, are you alright?" Tanong niya. I could see worry plastered over his face. "I-im o-okay, T-takeshi." Nauutal kong sagot sa kanya. I'm trying to be okay. 'Yun ang totoo. Pero, hindi ako okay. Sinabi ko lang naman na okay ako para 'di na siya mag alala. Hindi ko sigurado kung napansin niya, that I am slightly shaking. Sana naman hindi. Ayoko na dagdagan pa ang pressure na pinagdadaanan niya. He stared at me with so much concern and love. At ramdam ko 'yun. Hindi naman ako manhid. Kaso, hindi pa rin magbabago ang katotohanan na Okusan niya ako at hindi isang legal wife. Isa lang naman akong sampid. At ang rason na nandito ako sa bahay ng mga Onizuka ay dahil nangako ako sa puntod ni Auntie Elena na hahayaan kong maging guardian si Takeshi. Hindi ko naman inaasahan na sa isang iglap ay magiging mistress niya ako. Umiyas ako ng tingin dahil naiiyak na naman ako. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Bahagya niyang inayos ang buhok ko, at hinaplos ang aking mukha. Mabuti nalang at umi-epekto na ang cold compress na ginawa ni Auntie Ayako kanina. "Why are staring at me like that?" Tanong ko sa kanya. "Uhm, nothing. I'm just worried about you." Sagot niya. "If you truly worry about me, then let me go." Wala sa sarili kong sabi sa kanya. It wasn't intentional. Bigla nalang na 'yun ang nasabi ko. Nakita ko na tila nagulat siya sa dahil sa sinabi ko. "No, Kimi. I won't." Pagdi diin niya. Napailing ito dahil sa sinabi ko. Napayuko siya at muli akong tinignan. "But, Takeshi. If I continue to stay here, more trouble will come after you. To me. To all of us. Look at what Aiko did just awhile ago. If you we're not there at that moment, maybe the worst thing happened." Mahaba kong paliwanag sa kanya. Then, I remembered it all. Nag flashback ang lahat ng nangyari kanina. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na nga. He gently pulled me close to him and embraced me. Mas lalo pa akong umiyak dahil sa ginawa niya. "It will not happen again. I promise. I'm here. I will protect you. Please stay." Mahigpit ang yakap niya sa akin. He patted my back and gently stroked my hair. Humagulgol ako ng iyak habang magkayakap kami. Para akong bata na nagsusumbong sa isang magulang dahil inagawan ng laruan. "I'm scared, Takeshi. Must I go all through these just to be with you?" I asked him in between sobs. "I'm sorry, my Kimi. I'm sorry." He sounds so apologetic. Mas lalo pang humigpit ang pagkakayap niya sa akin na halos hindi na ako makahinga. I cried, and cried, and cried. Bahala na. I want to be comforted right now. Kahit sabihin niya na selfish ako at sarili ko lang ang iniisip ko. I want to whine. For once in my life, gusto ko lang maging vulnerable. Kahit ngayon lang. Baka bukas, okay na 'ko. Hinayaan niya lang ako na umiyak. Wala siyang sinabi. Tahimik lang siya. Makalipas ang ilang minuto ay kumalma na din ako. Tumigil na ako sa pag-iyak. Pinunasan niya ang luha ko. "Takeshi, can you leave me for awhile? I want to be alone. Please." Pakiusap ko sa kanya. "Alright. If you need me, I'm just outside. Okay?" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Okay. Thank you, Takeshi." Tugon ko. Kaagad naman siyang tumayo at lumabas na ng kuwarto. Naiwan ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Kinuha ko ang phone na nakalapag sa lamesa at sinubukang e-video call ang mga kaibigan ko sa Pilipinas. Parang kelangan ko yata mag recharge at sa kanila ko lang 'yun pwedeng makuha. "Hi, beeesss!!!!" Si Oreo ang sumagot. May GC kasi kaming magkaka ibigan. Ngayon na nasa Japan ako, eto lang ang paraan ng komunikasyon namin. Ang taas din talaga ng energy ni Oreo. Siya talaga ang life of a party sa amin. Napansin ko na tila wala siya sa condo. "Nasan ka ba? Gumala ka na naman?" Tanong ko na pilit itinatago ang lungkot sa mga mata. "Yes, bes. Andito ako sa Mall. Inaantay ko sila Pat at Janeeva. Antagal nila. Jusko. Alam mo na." Sagot nito sabay irap sa screen. Maya maya pa ay nakita niyang dumating na nga sina Pat at Janeeva. Hinampas ni Oreo ang mga ito. Ang iingay nila! Wala talaga silang pinipiling lugar kapag nagkulitan, kahit pa sa loob ng mall. Natahimik ako. Nakangiti lang ako habang pinapanood sila. Sobrang miss na miss ko ang mga kaibigan kong 'to! "Bes? Ba't ang tahimik mo diyan? Anyare?" Si Janeeva ang nakapansin. "Ha? Wala. Miss ko lang kayo. Ang saya niyo tignan eh." Pinilit kong ngumiti. "Okay ka lang ba? Condolence nga pala ha. Nakakalungkot naman 'yung nangyari kay Auntie Elena at sa hubby niya." Tanong ni Pat. "Thank you, beshies. O-okay lang ako." Napayuko ako saglit at pilit na ngumiti. "Teka, bakit parang namumugto yang mga mata mo? Umiiyak ka ba?" Tanong ni Janeeva. Siya talaga ang pinaka close ko sa kanila. "H-ha? A-ako? U-umiiyak? H-hindi..." I lied to them. "Charmaine Mendoza, kilala ka namin. Nauutal ka when you're lying. Tell us. Ano ba talagang nangyari?" Tanong ni Oreo. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanila ang kalagayan ko ngayon. "Mahabang kuwento, beshies. Next time nalang siguro." "Nope. Hindi pwede. Hindi mo na naman kami patutulugin dahil sa curiosity. Wala kaming pake kahit gaano pa kahaba 'yang chika mo. Spill mo na, dali." Utos ni Janeeva. Nakiusap ako sa kanila na humanap ng isang tahimik na lugar. Medyo marami kasing tao sa kinaroroonan nila at hindi kami magkarinigan dahil sa ingay. Nag desisyon silang pumunta sa condo ni Oreo para 'dun na ituloy ang kuwentuhan. And for the first time...kinuwento ko na nga sa kanila ang mga nangyari sa akin. Mula sa first encounter ko kay Takeshi hanggang sa namatay sina Uncle at Auntie. Pati na rin ang pag kidnap sa akin ni Keniji at pagiging Okusan ni Takeshi at ang ginawang pag sampal sa akin ni Aiko. "Whaaaaaatttt????!!!!" Gulat na gulat sila sa nalaman. Hindi daw nila akalain na sa loob ng maikling panahon ay ganon na ang naranasan ko sa Japan. "Okay ka lang ba sa bahay na 'yan? Baka balikan ka na naman ng bruhang Aiko na 'yun? Naku! Kung nandiyan lang talaga ako, baka natampal ko na 'yang babaeng 'yan. Nakakagigil!" Inis na inis ito at tila gusto nang sugurin si Aiko. "Okay naman ako dito. Inaalagaan naman nila ako. Wag na kayong mag alala." Sabi ko sa kanila bilang assurance. "Bes, bumalik ka nalang kaya dito sa Pilipinas? Mas safe ka dito. Balik ka na dito. Mag business nalang tayo. Di ba? Pangarap natin 'yun?" Si Janeeva ulit ang nagsalita. Kitang kita ko ang pag aalala sa mukha niya. "Oo nga bes. Kahit pa sabihin mo na mabait naman 'yang Onizuka clan lalo na 'yung leader nila, it doesn't change the fact na...yakuza group pa rin sila. Marami silang kalaban. Hindi mo pa siya masyadong kilala." Paalala naman sa akin ni Pat. "Ikaw kasi, Pat! Sinabi mo kasi noon na baka ma involve si Charmaine sa yakuza, ayan tuloy nagkatotoo na. May kasama talagang sumpa 'yang bunganga mo!" Pabirong sisi ni Oreo. "Kung maka-bunganga ka naman. Ang lutong 'nun teh ha! Hoy, hindi ko kasalanan 'yun uy. Kung maka judge ka sa 'kin, wagas din eh noh?" At nag rambulan na nga silang tatlo. Natatawa nalang ako sa kanila. I assured them na okay lang ako at kapag naramdaman ko na kailangan ko nang umalis ay sasabihan ko sila. Bahala na. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Sa ngayon, nalilito pa ako. Sinabihan nila ako na mas lalong mag-ingat. Sobrang naa-appreciate ko talaga sila lahat ng sinabi nila. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil pinatawa nila ako. Eto ang unang pagkakataon na tumawa ako ng ganito simula nang mamatay sina Uncle at Auntie. I will always be grateful for my friends. Kinagabihan, ay nauna na akong natulog pero kahit anong gawin ko ay hindi ako dinadalaw ng antok. Ipinikit ko ang aking mga mata. Nakahiga ako sa kama at nakatagilid. Napansin ko ang pagpasok ni Takeshi sa kuwarto. Nagpanic ako ng slight at nagkunwaring natutulog. Sana 'di niya mahalata. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. Tumagilid ito at humarap sa likuran ko. Gosh, ang bango niya! Kakatapos lang nitong mag shower. Naramdaman ko rin ang paglapit ng mukha niya sa ulo ko. Inayos niya ang aking nagulong buhok at hinalikan 'yun. "Good night, my Kimi. Ai shiteru [I love you]." Bulong niya sa akin at umayos na sa paghiga. Nakuyom ko ang aking kanang kamay na nasa ilalim ng unan. Ano ba, Takeshi! Ba't ka ba ganyan? Nakagat ko ang pang ibaba kong labi. Napakalambing kasi ng pagkakasabi niya. Para niyang tinutunaw ang puso ko. Paano pa ako makakatulog nito? Hindi ko na maalala kung anong oras na ako nakatulog. Nagising nalang ako ngayong umaga na wala na siya sa tabi ko. Kaagad akong bumangon at pumunta sa kusina. Naabutan ko si Auntie Ayako na naghahanda na ng breakfast. Lumabas ako ng kusina at nakita si Ryu. "Where is Takeshi?" Tanong ko sa kanya. Katatapos lang nito sa kendo practice. Pawis na pawis pa ito at hinihingal pa. "Go-good morning, O-kusan. Hehe. S-sorry. I'm s-still catching my breath." Sabi nito at saglit munang uminom ng tubig. "Is he at his office?" "I think so. Oh, you miss him already? Don't you?" Nakangisi ito at panay ang pang-iinis sa akin. Palabiro talaga si Ryu. Siya ang ray of sunshine dito sa bahay ng mga Onizuka. "Huh? No. I-i just want t-to tell him something." Paliwanag ko with an awkward smile. He hissed at me jokingly. "You can tell me, Okusan. What is it, hmmm?" Tanong nito sabay ang paglapit ng mukha sa akin. Bago pa ako nakasagot ay dumating naman si Takeshi at inakbayan ang pinsan. "Are you bullying my wife?" Tanong niya kay Ryu. Nagulat naman ito at napahawak pa sa dibdib. Wow, wife talaga eh noh? Kung makatawag ka sa akin ng wife, ha? Sa pagkakaalala ko, Kimi lang ang usapan, di ba? Ang bilis ng progress! Umalis na din kaagad si Ryu upang makaligo na. Sinabihan kami ni Auntie Ayako na handa na ang agahan. Magkasabay kaming kumakain nina Takeshi at Ryu. Masaya silang nagku-kuwentuhan samantalang napatulala na naman ako. Naalala ko ang sinabi ni Janeeva sa akin na umuwi na ng Pilipinas, at tuparin ang pangarap namin na negosyo sa Events Planning. Hindi na rin naman siguro masama kung hindi ko muna tatapusin ang pag-aaral ko. Tutal, pwede ko naman 'yung balikan. Hindi ko napansin na pinagtitinginan na pala nila akong dalawa. "Kimi? Are you alright?" Kanina pa pala ako tinatawag ni Takeshi. Hindi ko lang siya nadinig dahil siguro sa lalim ng iniisip ko. Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip. "Huh? A-are y-you saying something?" Nauutal kong tanong sa kanya. "Okusan, are you okay?" Tanong naman ni Ryu. Ang awkward tuloy sa pakiramdam. "Yes, I'm okay." Tumango nalang ako. Eto talagang dalawang mag pinsan na 'to. Ang talas ng pakiramdam. Sige, tulala pa Charmaine. "Soryo, why don't you and Okusan go out on a date today?" Mungkahi ni Ryu. Saglit na napaisip si Takeshi. "Kimi, let's go out on a date. What do you think?" He asked with much anticipation. "Okay, let's go on a date." At pumayag na rin ako. Alam kong sinusubukan nilang pagaanin ang loob ko lalo na pagkatapos ng lahat ng nangyari. Naa-appreciate ko naman ang efforts nila. Pagkatapos ng agahan ay kaagad kaming naghanda para sa first date namin. Oo nga pala. This will be our first date. Bago pa kami nakaalis ay hindi mawawala ang pang aasar ni Ryu sa kanila. Baka daw saan kami makarating. Pilyo talaga! Magkahawak kamay kami habang nakasakay sa kotse. Si Katsu ang nada-drive at si Seki naman ang nasa tabi niya na naka upo sa front seat. Noong una ay naninibago ako na may kasamang bodyguards pero unti-unti na din akong nasasanay, dahil araw araw ko naman silang nakikita at nakakasama sa bahay ng mga Onizuka. Una naming pinuntahan ang Sakura Castle Ruins. Ang ganda ng lugar lalo na ang napakaraming puno ng cherry blossoms. Pagkatapos ay pumunta kami sa isang traditional house at dumiretso sa paborito niyang temple para magdasal. Ayun, nag picture ulit kami. We took selfies. Kinalimutan ko muna ang lahat ng problema ko. Ang isang traditional Japanese restaurant ang last stop namin para kumain ng late lunch. Naaliw kami sa pamamasyal kanina at hindi na namin napansin ang oras. Marami siyang inorder na pagkain. Jusko, paano ba namin mauubos ang lahat ng 'to? Eh dalawa lang naman kami? Gusto niya yata talaga akong tumaba. Natapos na rin kaming kumain at pakiramdam ko ay sasabog na ang tiyan ko dahil sa kabusugan. Nakita ko na masaya naman siya sa naging date namin. Ngayon ko lang ulit siya nakita na ngumiti at tumawa ng ganito. Palagi kasi siyang poker face at seryoso lalo na kapag tungkol sa pagiging Soryo ng Onizuka. "How did you know that I love traditional related things?" Tanong ko sa kanya. Para kasing alam na alam niya ang mga lugar na gusto kong puntahan. "Auntie Elena told me before." Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Naalala ko naman sila. "A-auntie..." "Oh, sorry Kimi..." Nag alala ulit siya na baka malungkot na naman ako dahil sa pagbanggit niya kay Auntie. "It's alright, Takeshi." "Do you still miss them?" He asked. "Yes. I still do. And I will always miss them as long as I'm alive." Malungkot kong tugon sa kanya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tinignan ako sabay ngiti. I know he's trying to comfort me, kahit wala siyang sinasabi. He keeps on looking at me with affection and continued fondling on my hands. Hinayaan ko lang siya. I smiled back. Then, someone caught my attention. Ang ngiti ko ay napalitan ng takot. Mula sa likuran ni Takeshi ay sumulpot bigla ang isang lalaki. Isang lalaki na ayaw na ayaw kong makita. Ang lalaking naging dahilan ng lahat ng paghihirap ko sa ngayon. Si Keniji Sato! "Ke-keniji?" Mahina kong usal. Napalingon si Takeshi sa likuran niya at nakita nga niya ang taong tinutukoy ko. Bigla siyang napatayo at nagbago ang expression ng kanyang mukha. Kitang kita ko ang galit. Napansin kong nakakuyom na isang kamay niya kaya bago pa siya makagawa ng hindi tama, ay kaagad ko na siyang pinigilan. "Takeshi, don't do anything." Naglakas loob ako na sabihan siya kahit takot na takot na ako. I came face to face once again with the guy who kidnapped, and almost r***d me. Nahalata ko ang pagpipigil ni Takeshi ng kanyang sarili na huwag masaktan si Keniji. Namumula na ang mukha nito dahil sa matinding galit. Unti-unti niyang binuksan ang nakakuyom na palad kanina. Nagkatitigan silang dalawa. Dumating naman sina Katsu at Seki. "Katsu, Seki! Take Okusan away from here. Wait for me in the car." Utos niya sa dalawa at kaagad naman itong sumunod. Nakangisi pa talaga si Keniji sa akin habang papaalis ako. Nakakatakot ang ngiti niya. Psychopath talaga! Nilingon ko si Takeshi at nagkatinginan kami. Umiling ako bilang pakiusap sa kanya na wala siyang gagawin kay Keniji lalo na dahil nasa pampublikong lugar sila. Tumango lang siya sa akin bilang tugon. Nakasakay na ako sa loob ng kotse pero hindi ako mapakali. Hindi mawala sa isipan ko kung ano na ang nangyayari sa kanila sa loob. "Lord, pakalmahin niyo po si Takeshi. Sana wala siyang gawin kay Keniji." Dasal ko. Alam kong matindi ang galit ng mga angkan ng Onizuka sa angkan ng Sato. At ngayon, naiipit ako sa pagitan nila. Idagdag mo pa si Aiko at ang mga Misawa. Napapaligiran si Takeshi ng mga kaaway. Naawa ako sa kanya. "Ano ba ang pwede kong gawin para matulungan siya?" Naitanong ko nalang sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD