Chapter 17

2158 Words
Takeshi's POV "Soryo, Misawa Soryo and Aiko is here and they wanted to see you." Sabi sa akin ng bodyguard na si Seki habang kumakain kami ni Charmaine ng agahan. Napatigil kami sa pagkain at saglit na nagkatinginan. Agad kaming tumayo para puntahan ang aming mga bisita. Naghihintay ang mga ito sa garden. "Takeshi, why are they here?" Napahinto sa paglalakad si Charmaine. Kahit hindi niya sabihin ay nararamdaman ko ang takot dahil sa pag garalgal ng kanyang boses. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pilit siyang pinakalma. "Don't worry, my Kimi. Maybe they are here to talk about business. They won't hurt you." I smiled at her and continued walking, still holding her hand. They were cold and shaking. Nang makarating kami sa garden ay naabutan namin si Aiko at ang kanyang ama na si Misawa Soryo na nakaupo sa bench. Tumayo ang mga ito nang makita kami. Bakas sa mukha ni Aiko ang inis lalo na't nakita niya kaming magkahawak ng kamay ni Charmaine. Nakahalukipkip ang mga kamay nito. Nang biglang nangyari ang hindi namin inaasahan. Nagbago ang ekspresiyon ng mukha ni Aiko. Ang inis ay napalitan ng poot at galit. Bigla itong sinugod si Charmaine at sinampal ng napakalakas. Hinila nito ang kanyang buhok at paulit ulit na sinampal. Kaagad naming pinaglayo ang dalawang babae at baka kung ano pa ang magawa ni Aiko kay Charmaine. Ngayon ko lang nakita si Aiko na ganito. "You, shameless woman. How dare you seduced my future husband! Come here and I will kill you!" Malakas ang sigaw nito habang pilit siyang inilalayo ng kanilang mga bodyguards kay Charmaine. Naging hysterical ito at panay ang sigaw sa kanila. "Take Aiko away from here!" Utos ni Uncle Ichiro sa kanila. Kaagad naman na sumunod sa utos ang mga bodyguards. Naririnig pa namin na sumisigaw si Aiko habang papalayo sa kinaroroonan namin. "Kimi, are you okay?" Buong pag aalala kong tanong kay Charmaine. Tinignan ko ang kanyang mukha. Namumula ito dahil sa malakas na pagsampal ni Aiko. Bahagya ding nagka buhol buhol ang buhok niya. Dumating si Ryu at agad ko siyang pinakiusapan na alalayan si Charmaine pabalik sa loob ng bahay. Naiwan kami ni Uncle Ichiro. "Takeshi, what are you doing? Why are you having an 'okusan' ? You are disrespecting Misawa. You must marry my daughter Aiko and send that woman away." Pagdidin ng Soryo ng Misawa. Simula pagkabata ay ipinagkasundo na kami ng aming mga magulang na pagdating ng tamang panahon ay kami ni Aiko ang ikakasal. Natural lang ang kaugalian at tradisyon na ito lalo na sa aming mga 'gokudo' dahil sa kagustuhan ng bawat pamilya na palakasin ang aming impluwensiya. At madaling mangyari ang bagay na 'yon kapag naikasal ako kay Aiko. Ang pamilya Misawa ay isa sa pinaka makapangyarihang angkan pangalawa sa aming mga Onizuka. "Uncle Ichiro, I can't do that. Charmaine is not just any ordinary woman. She is my 'okusan'." Tinignan ko siya sa mata bilang paalala na seryoso ako sa aking sinabi. "Ha! It doesn't make sense, Takeshi. You are having an 'okusan' and you haven't married my daughter yet. Are you even aware of that?" Sabi nito sa akin na may halong pangungutya. Napakasarkastiko ng tono ng kanyang pananalita. Alam ko na simula pa lang nang ako ang naging Soryo ng aming angkan ay walang tiwala si Uncle Ichiro sa akin. Marahil siguro dahil sa tingin niya ay masyado pa akong bata na pamunuan ang aming angkan. May duda ako na gusto niyang pakialaman ang assets ng aming pamilya kapag ikinasal ako sa kanyang anak na si Aiko. Matagal ko nang alam na may mga lihim na kaugnayan si Uncle Ichiro sa mga illegal na transaksiyon ngunit hindi ko lang ito binigyan ng pansin sapagkat ayokong magsimula ng gulo at dahil na rin sa kakulangan ng ebidensiya. "Keniji Sato, kidnapped her. I will not let her go unless I see him rot in jail." Nakakuyom ang aking kanang kamay at naalala ang ginawa ni Keniji kay Charmaine. "You should leave that matter to the police. It's not your problem anymore." Pagdidiin nitong sabi sa akin. Halata naman na gusto niya talagang madaliin ang engagement at kasal namin ng kanyang anak. "Uncle, it's not just about Charmaine. Both you and I knew all this time that Keniji Sato is doing illegal drugs and woman trafficking. Remember? You and my father, the late Soryo of Onizuka wanted to eliminate them. Because only then, this town will live in peace." Pilit kong ginawang dahilan si Keniji na huwag mapaalis si Charmaine. Mas magiging mapanganib sa kanya kapag hindi ko siya kasama. Nagbago ang dating galit na ekspresiyon ng mukha ni Uncle Ichiro. Nagpakawala ito ng buntong hininga. Napaisip ito dahil sa sinabi ko. Noon pa man ay magkatulong na ang angkan ng mga Onizuka at Misawa sa paglaban sa mga illegal na grupo na gumugulo sa bayan kaya namuhay ang mga tao ng tahimik ngunit unti-unti na naman itong nagugulo dahil lumalakas si Keniji Sato. Sa pagkakaalam ko ay nakahanap ito ng malakas na kakampi. At hindi pa namin alam kung sino ang taong 'yon. "Don't make that as an excuse, Takeshi. Maybe you just don't want to marry Aiko." Kung pwede ko lang siyang sagutin ng "Yes, I don't want to marry your daughter. I don't love her" pero hindi maaari. Ayokong mapahamak si Charmaine. Sa ngayon, sampal at pag hila lang ng buhok ang ginawa ni Aiko sa kanya. Paano nalang sa susunod? Kailangan kong pigilan ang aking bibig. "I will not mention about marriage unless I have a clear evidence of Keniji's schemes. As a Soryo of Onizuka, I must do everything in my power to put an end with Keniji and his illegal business. Besides, if I can't protect my woman, how can I protect the people of this town?" Tumingin ako sa kanya ng deretso. Aaminin ko na may takot akong naramdaman nang sinabi ko ang mga salitang 'yon. Mahirap na maging kaaway si Uncle Ichiro. "Protect your woman, huh? What a lame excuse from the Soryo of Onizuka! You just wanted to hide under her skirt!" Panghahamak niya sa akin. Pinigilan ko ang aking sarili at baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Ni-rerespeto ko pa din naman siya bilang kaibigan ng aking ama. "I'm not afraid of Keniji, Uncle Ichiro. This is only temporary. If you will help me find evidence and get rid of Keniji Sato, I will personally send Charmaine back to the Philippines." Wala sa sarili kong pangako sa kanya. Hindi ko alam kung kaya kong gawin ang bagay na 'yon pagdating ng araw. "Hmmm. Are you sure you can fulfill that promise of yours?" Tanong niya sa akin na may halong pangungutya. Tila ba ayaw niyang paniwalaan ang aking sinasabi. "I promise. As a Soryo of Onizuka, my word shouldn't be taken lightly." Tugon sa kanya. Nabalot ng tensiyon ang aming pag-uusap. "You must, Takeshi. Or else...you don't want to see the consequences of your actions, right?" Nakataas ang kilay nito sabay tapik sa aking balikat. "Are you threatening me, Uncle Ichiro?" Tila ba kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Gusto niya talaga akong e-provoke. Hindi ko inasahan ang pagbabago ng ekpresyon kanyang mukha. Ngumiti ito at inakbayan ako na parang walang nangyaring pagtatalo sa pagitan naming dalawa. "Of course not, Takeshi. I'm not threatening you. I'm just warning you. You know that I'm for the peace of this town just like you and your father. I will help you about Keniji so that he will no longer cause any problem. We can plan your engagement and marriage after that." Mahabang paliwanag nito sa akin. Nakaramdam ako ng awkwardness kapag pinag uusapan ang tungkol sa engagement lalo na ang kasal namin ni Aiko. Makalipas ang ilang minuto ay umalis na si Uncle Ichiro. Gusto pa sanang manatili ni Aiko ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang ama. Mabuti nalang. Pumasok kaagad ako sa loob ng bahay at kinausap si Ryu. Nasa kuwarto daw namin si Charmaine. Nagmadali ako na pumasok ngunit napatigil sa gagawin. Naririnig ko mula sa loob ang mahina niyang pag iyak. Nakagat ko ang aking pang ibabang labi at napayuko. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. Nag ipon ng sapat na lakas ng loob at itinuloy na ang naudlot na pagpasok sa loob ng silid. Naabutan ko siyang pinapahiran ang kanyang mga luha at tila nagulat pa sa aking biglaang pagpasok. Ngumiti ako at agad siyang nilapitan. "My Kimi, are you alright?" Tanong ko sa kanya. Nakaupo siya sa gilid ng study table ko. "Ta-takeshi...I-i'm o-okay." She answered. I could tell that she's still shaking in fear. Napansin ko na namumutla pa siya. Natural lang naman dahil sa ginawa sa kanya ni Aiko. Hindi ko akalain na magiging ganon siya ka bayolente. Malambing at masunurin ito noong mga bata pa sila ngunit nag iba kalaunan. Palibhasa ay nag iisa itong anak na babae. Naging spoiled at hindi umaamin ng pagkakamali. Gusto niya na lahat ng kanyang ninanais ay kailangang mangyari kahit pa may matatapakang tao. Inayos ko ang buhok ni Charmaine at hinaplos ang kanyang mukha. Napansin kong unti-unti nang nawawala ang pamamaga nito. Mabuti nalang din at kaagad itong nilunasan ng cold compress ni Auntie Ayako. Pakiramdam ko ay dinudurog ang aking puso dahil sa nangyari sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at tinitigan siya na puno ng pag aalala. "Why are you staring at me like that?" tanong niya sabay iwas ng tingin. "Uhm, nothing. I'm just worried about you." "If you truly worry about me, then let me go." I was taken aback by what she said. "No, Kimi. I won't." Nalungkot ako sa kanyang sinabi. Kung iisipin ay maaari kong gawin ang hinihiling niya. May kakayanan akong pabantayan siya sa mga tauhan ko 24/7 ngunit hindi ko yata kakayanin na mawala siya sa paningin ko ng napakatagal na panahon. "But, Takeshi. If I continue to stay here, more trouble will come after you. To me. To all of us. Look at what Aiko did just awhile ago. If you we're not there at that moment, maybe the worst thing happened." She is crying. My beloved. I can't bear to see it anymore. I gently pulled her close to me and embrace her. "It will not happen again. I promise. I'm here. I will protect you. Please stay." Mahigpit ang yakap ko sa kanya. I patted her back and gently stroked her hair. "I'm scared, Takeshi. Must I go all through these just to be with you?" She asked me in between sobs. Then, it hit me. My heart was like being pierced by my own sword. "I'm sorry, my Kimi. I'm sorry." Na realize ko na pwedeng manganib pa ang buhay niya kapag nagtagal pa siya sa piling ko. I kept her in my embrace. She was crying. Hinayaan ko lang muna siya hanggang sa kumalma at tuluyan nang tumigil sa pag iyak. Pinagpahinga ko siya at lumabas muna ng kuwarto. Nakiusap siya na gusto niya daw muna mapag isa. Bumalik ako ng garden at naabutan ko si Ryu na kausap sina Katsu at Seki. "Takeshi, how's Okusan?" Bakas din sa kanyang mukha ang pag aalala. Kahit naman may pagka pilyo ang pinsan kong si Ryu ay nagsi-seryoso naman ito kapag tungkol sa pamilya ang pinag uusapan. "Well, she's not okay to be honest. She cried. She's scared. Confused." Paliwanag ko sa kanya. "It's only natural for her to feel that way, Takeshi. After what Aiko did to her." "Maybe she hates me, right? She didn't say much but I know there's a lot on her mind." Nakaramdam ako ng konting kirot sa aking puso habang sinasabi ang mga salitang 'yon. "Takeshi, don't say that. Give her time. Let's give her our support. She needs us. She needs you." Ryu tried to comfort me with his words just to make me feel good. "She wanted me to let go of her." I said with a heavy heart. "Can you do it?" "I don't know, Ryu. I can't. Maybe I choose not to---" I stuttered and felt vulnerable infront of my cousin whom I consider my bestfriend and confidant. "You love her. That is the only answer that I could give you. You really loved her." Hindi ko maintindihan kung bakit napakagaling ng pinsang kong ito lalo na tungkol sa babae at sa pag-ibig. Sa pagkakaalam ko ay hindi pa naman ito nagkakaroon ng girlfriend. Mukha lang itong playboy pero mature naman kung mag-isip. "Am I too obssesive of her? Should I let her go? I-I don't know, Ryu." Naguguluhan ako sa kung ano ba talaga ang dapat kong gawin bilang nagmamahal sa isang babaeng hindi ko tiyak na mahal din ako at bilang isang Soryo ng Onizuka. Kailangan kong mamili. Napakahirap. "Takeshi, whatever your decision...we will support you. Onizuka will be there for you. Until death, Soryo." He put his arm on my shoulder and gave me a smile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD