Chapter 16

2087 Words
"My Kimi, wake up. Kimi, you will be late for school.", gising ni Takeshi kay Charmaine. It is already 7:30 in the morning and her class at the university will start at exactly 8am. Marahan niyang niyugyog ang balikat nito. Ayaw niya sanang papasukin ito sa klase dahil gusto niya itong makasama pero alam niyang mahalaga para sa kanya ang pag aaral. He smiled as he stared at her pretty face. Her eyes still closed. "Hmmm...", she groans. Dahan dahan na iminulat ni Charmaine ang mata niya. Napabalikwas siya ng bangon. Tanghali na pala. Mali-late na siya sa first class niya. "Oh, shocks.", sabi niya sabay balikwas ng bangon. Ngunit napahiga siyang muli. Ang sakit ng ulo niya. Nagulat ng bahagya si Takeshi. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala para sa kanya. "Kimi, are you alright?" She breathed heavily, "I'm fine, Takeshi. My head hurts, a little." "Really? Lie down first.", sabi nito sa kanya. Inalalayan siya nito upang humigang muli sa kama. Nagkatitigan sila. Nararamdaman nila ang kaba ng bawat isa. His hands were on her waist. He held her tight and about to kiss her but she suddenly felt the pain on her head once again. "Oh, I'm sorry, my Kimi.", he said with a panic look on his face. Natutuwa at kinikilig si Charmaine sa reaction ni Takeshi sa kanya. Medyo kumikirot lang ng konti ang ulo niya. Nagduda siya na ang "sake" ang may dahilan. Napadami yata ang inom niya kagabi sa welcome party. Pinakiusapan niya si Takeshi na ikuha siya ng pain reliever. Mawawala rin ito maya maya. Matapos ang ilang minuto at nakabalik na si Takeshi na dala ang gamot. Agad niya itong ininom. "Kimi, you don't have to go to school today." "No, Takeshi. I have to. I need to catch up on my missed lessons." "But...you're sick." "No, I'm not." "But...I'm worried for you. What if---?" "----i will be fine, Takeshi.", she assured him. "What if Aiko will see you there? What if she will hurt you again? I am not there to protect you----" "Stop worrying, okay? You said to me that Katsu and Seki will be my bodyguards from now on? Have you forgotten already?" "But, Kimi..." "I.will.be.alright. Besides, Katsu and Seki will watch me from the distance. I will not feel uncomfortable at all.", she said. "Are you sure, Kimi?", he asked her still worried. "Yes, I will be. You don't have to worry. So, I have to prepare. I will be late for sure." "No, you will not be late. Leave it to me.", he smile broadly. Nagmamadaling naghanda si Charmaine para pumasok sa university. Siguradong papagalitan siya ng kanyang professor. Medyo strikto pa naman ang mga Japanese lalo na tungkol sa time management. Alam niyang 'yun ang first rule na tinuro sa kanila sa orientation day. DO NOT BE LATE. Pasakay na siya ng kotse nang tawagin siyang muli ni Takeshi. "Kimi, here's your bento. Auntie Ayako made it for you." "Wow, please thank Auntie Ayako for me." "Kimi, do not forget to eat your lunch, okay? Please take care of yourself." "I am not going to war, Takeshi. I'm going to school. Remember? Besides, you have my phone number. You can call me during my break time. You knew my schedule, right?", she reminded him and chuckles. "Okay. Yes, I know.", he nodded in approval. Sumakay na din sa kotse si Charmaine. "Katsu, Seki.", he called the attention of the bodyguards. "Yes, Soryo?" "Take care of Okusan. Make sure that Aiko can't go near her. If something happens to her, I will punish you both. Understood?" "Hai, Soryo.", they said and immediately drove the car. He smile coquettishly. "Ehem!", narinig niya na may boses na nasa likuran niya. At kilala niya kung kanino ang boses na 'yun. Napalingon siya. "Ryu? Why are you still here? I thought you're going to inspect our shipment today at the port?", he asked his cousin and gave him a smug look. "Yes, I know Soryo. But I just can't missed it." He scratch his head with a dazed look of bewilderment. "Missed what?" "Your sweet and loving moments with our Okusan. How romantic, it is." "It's MY OKUSAN, not yours." "Alright, Soryo.", Ryu shrug his shoulders with hands up. "I just want to make sure she is safe all the time. I cannot let Aiko hurt my Kimi, once again. Never." "Hey, do you think you are too overprotective with her? Let her breathe." "I'm not being overprotective, Ryu. You will never understand how I feel. Just wait for your turn when you have someone to take care of in the future.", Takeshi said with a grin. "Me? I'm not getting married. It's not in my vocabulary yet. Marriage? Psshhh.", Ryu shakes his head in disapproval. "We'll see." Nasa biyahe papuntang university si Charmaine. Magkahalong kaba at excitement ang nararamadaman niya sa ngayon. Kaba sapagkat may duda na siya na alam na ng buong university ang nangyari sa kanya. Excitement din dahil sabik na siyang makita ang best friend na si Che Che. Ilang araw din silang hindi nagkita. Mabuti nalang at nawala ang sakit ng ulo niya. Effective din ang herbal medicine na pina inom ni Auntie Ayako sa kanya kanina. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din sila sa university. Agad siyang pinagbuksan ng pinto ni Seki. "Okusan, we're here." Bumaba na siya ng kotse at agad na inayos ang sarili. Naiilang siya sa mga tao sa paligid. Lahat sila ay nakatingin sa kanya. Sa sobrang sikat ng angkan ng mga Onitsuka ay mabilis nalalaman ng mga tao ang mga nangyayari sa pamilyang ito. Gusto na tuloy umuwi ni Charmaine. Pakiramdam niya ay nasa gitna siya ng stage na may nakatutok na mga ilaw sa kanya. Mabuti na lamang at dumating si Che Che. "Charmaine!", tawag nito sa kanya. Kumaway siya dito at lumapit. Pakiramdam niya ay para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Sumunod naman sa kanya ang mga bodyguards. "Katsu, Seki. Can you just stay here in the car? You don't have to be with me all the time." "Gomenasai, Okusan. But Soryo gave strict orders to us. We should protect and guard you.", Katsu explained to her. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "Okay." "Do not worry, Okusan. We will guard you from the distance. Just make sure you do not turn off your phone, so that we can easily track you. In case of emergency.", Seki said with an apologetic look. "Okay, I will." Agad na silang pumasok ni Che Che sa classroom. Nakakapagtaka lang dahil hindi man lang siya pinagalitan ng professor na ilang araw siyang absent at ngayon ay late naman. The male teacher just smiled at her as if nothing happened. Tama si Charmaine. Napakadami niyang na miss na lessons. For sure, mapupuyat siya dahil dito. Pero kaya naman niya. Sanay naman siyang magpuyat kahit noong sa Pilipinas pa siya nag aaral. Lunch break na nila at nasa dining hall sila ni Che Che. Ang mga bodyguards niya ay tanaw niya lang mula sa malayo. Pero hindi nawawala ang tingin sa kanya. Kasalukuyan niyang kinakain ang bento na gawa ni Auntie Ayako para sa kanya. "Besh, hindi ba sila pwedeng kumain?", tanong ni Che Che sa kanya na tinutukoy ang mga bodyguards. "Nagtanong ako kanina. Sabi nila, pwede naman daw. Pero hindi sila dapat magkasabay. Dapat may maiwan na nagbabantay sa akin.", paliwanag niya sa kaibigan. "Ah ganun ba? So, kumusta ka naman doon sa bahay ng mga Onitsuka? Okay ka lang ba 'dun?" "Hmmm. Okay lang naman. Medyo naninibago lang din talaga ako." "Maninibago ka talaga no? Isipin mo...nagkaroon ka ng instant husband.", pabiro niyang sabi. "Anong instant husband na sinasabi mo? Hindi ko siya asawa, okay?", she retaliates. "Eh ba't ka namumula diyan?" "Hindi ah. Make up lang 'to noh?" "Make up? Hindi ka mahilig make up uy. Wag kang ano diyan." Hindi niya napansin namumula na pala ang pisngi niya. Kahit anong deny pa niya sa kaibigan ay hindi niya maitatanggi sa sarili na nahuhulog ang loob niya sa Soryo ng Onitsuka. "So, ano na Charmaine? Ibig sabihin magkatabi kayong matulog ni Soryo?" "Oo." "Ayiiiieee. So, meaning----" "----meaning na ano, Che?" "May nangyari na sa inyong dalawa?", pabulong nitong sabi sa kanya. Muntik nang maibuga ni Charmaine ang pagkain niya dahil sa tanong ng kaibigan. "Ha? Anong sabi mo?" "Ang tanong ko...kung nag labing labing na ba kayong dalawa? Alam mo na...winter ngayon dito sa Japan. Malamig ang panahon. Masarap 'yung may kayakap." "Baliw ka talaga. Ang dumi ng utak mo." "Ha? Anong madumi sa sinabi ko? I'm just asking questions lang naman eh. Anong masama 'dun. Oo at hindi lang naman ang sagot, Charmaine." "Walang nangyari sa 'min, okay? There, I said it.", sagot niya sa kaibigan. Mukhang nagulat ito sa naging sagot niya, "Ha? As in, wala talaga? Ilang gabi na kayong magkatabi pero walang nangyari sa inyo?" "Wala nga. Ba't ang kulit mo?", she answered her with an annoyed tone. "Sus, ang boring naman." "Ikaw talaga. Look, Che. Magkatabi nga kaming matulog pero may harang sa pagitan naming dalawa." "May harang talaga? Ano 'to? Plywood scene ng AlDub Kalyeserye?" "Sira! Hindi naman sa ganon. Pero nangako siya sa akin na rerespetuhin niya ang p********e ko. Wala siyang gagawin na ikakasama ng loob ko. Lalo na tungkol sa virginity ko.", she said shyly. "Sana all talaga virgin, ano?" "Tumigil ka nga. Ewan ko sa'yo.", napailing nalang siya sa sinabi ng kaibigan. Malapit na silang matapos kumain ng lunch nang tumunog ang phone ni Charmaine. Tumatawag si Takeshi. "Wait lang, besh. Tumatawag si Takeshi." "Sige, go lang. Sus, napaka clingy naman niyang asawa mo." "Hindi ko nga siya asawa, okay? Kulit neto." "Oo na. Hindi na. Sagutin mo na 'yan." Agad na sinagot ni Charmaine ang tawag. Nakikinig naman si Che Che malapit sa kanya. Gusto niya itong itulak pero baka magtaka naman si Takeshi at akalain na may nangyayaring masama sa kanya. "Hello, my Kimi. How are you?", Takeshi asked her. He is with his cousin Ryu, inspecting one of their warehouse. "I'm fine, Takeshi." "Did you ate your lunch?" "Yes, I did." "Are you okay? Is there someone with you?" "Yes, I'm with Che Che." "Your best friend, right?" "Yes." "Where's Katsu and Seki?" "They're here. Don't worry." "Okay, my Kimi. Take care of yourself. I miss you already. See you later, my love. Bye." "B-bye...", then the call ended. Medyo nagulantang siya sa sinabi nito sa kabilang linya. Kinikilig siya. Sa totoo lang. Pero ayaw niyang aminin sa sarili. "Wow naman. Grabe 'yung... I miss you already. See you later, my love. Grabe uy. Respeto naman sa akin na single pa di ba?" "Kasalanan ko ba kung sinabihan niya ako ng ganon? Nagulat nga din ako." "Grabe, ayan na oh. Ayan na sila.", sabi ni Che Che sa kanya sabay turo sa paanan niya. "Ayan na sila? Sino?", tanong niya na puno ng pagtataka. "Yung mga hantik besh. Ayan na. Sa sobrang tamis niyong dalawa. Nilalanggam na kayo oh. Matamis pa kayo sa asukal. Grabe. Sana all nalang talaga. Mabuhay ang mga single.", pabiro nitong sabi na parang umiiyak sabay tayo sa kinauupuan. "Baliw ka talaga, Che." "Alam mo may valid reason naman si Soryo na maging clingy at caring sa'yo noh." Naglalakad na sila pabalik ng classroom dahil magsisimula na ang unang klase nila sa afternoon sessions. "Ba't mo naman nasabi?", tanong niya. "Eh kasi 'yang bruhang si Aiko Misawa. For sure, alam na niya na ikaw ang Okusan ni Soryo. Sigurado ako na na nanggigigil na 'yan para guwawa ng masama sa'yo." "Ha? Ganun ba talaga siya kasama?" Nasa loob na sila ng classroom at inaantay na dumating ang professor nila. Nagsidatingan na din ang iba nilang mga kaklase. Nakaupo sila sa likurang parte ng classroom. Magkatabi sila ni Che Che. "Naku, besh. Hindi mo lang alam ang pwede niyang gawin. Lalo na kapag kasama niya 'yung dalawa pa niyang chaka na alipores. Naku, delikado talaga pag nag sanib pwersa ang tatlong 'yun. Kaya ikaw, mag-iingat ka. Wag na wag kang aalis na hindi mo kasama ang mga bodyguards mo.", mahabang paalala sa kanya ng kaibigan. Napalunok ng laway si Charmaine. Ganon na ba talaga kasama si Aiko Misawa? Marahil tama si Che Che. Mas kailangan niyang mag ingat. Na kidnap na siya ni Keniji Sato. Muntik na siyang ma r**e nito. Sa university naman ay si Aiko Misawa ang kailangan niyang iwasan. Pumikit siya ng bahagya. Parang bumabalik ang sakit ng ulo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD