Chapter 1

3094 Words
Manila, Philippines (5 years ago) Kasalakuyang nahihimbing sa pagtulog si Charmaine. Marahil dahil sa madaling araw na siya nakatulog. Ngayong araw ang alis niya papuntang Japan. Kagabi naman ay tinawagan siya ng Auntie Elena niya at pinagsabihan ng napakaraming bilin. Marahil ito ang unang beses na ba biyahe siya papunta sa ibang bansa at mag-isa pa. Hindi naman siya natatakot. Aalis siya papuntang Japan hindi upang magtrabaho kundi para 'dun na tapusin ang pag-aaral niya ng Business Administration. Ang kanyang Auntie Elena na isang Pinay ang sumuporta sa kanya simula ng mamatay ang mga magulang niya 'nung bata pa siya. Nakapag asawa ito ng isang Japanese: si Uncle Koji. Hindi nabiyayaan ng anak ang Uncle Koji at Auntie Elena niya kaya itinuring siya ng mga ito na parang isang tunay na anak. Minahal siya ng mga ito ng walang pag-aalinlangan. Kaya naman, nagsumikap sila na ma approve ang petition nila sa Japanese Embassy na 'dun na tumira si Charmaine. At swerte naman na pagkatapos ng mahigit isang taon ay makakaalis na siya papunta 'dun. Nakakuha din siya ng 2 year Scholarship sa Chiba University kaya wala ng problema sa pag-aaral niya. Oo, dalawang taon nalang at tapos na siya. Napag desisyunan na din niya na duon na tumira sa Japan kasama ng kanyang Uncle at Auntie dahil alam niyang nagkaka edad narin ang mga ito. At naisipan niya na tulungan sila sa kanilang negosyo pagkatapos ng pag-aaral niya. Biglang tumunog ang telepono niya; si Auntie Elena ang tumatawag. "Hello, Auntie..." sinagot ni Charmaine ang tawag na medyo inaantok pa. "Baby Girl, gumising ka na diyan at baka ma late ka sa flight mo." sabi ng Auntie niya sa kabilang linya. Tiningnan ni Charmaine ang oras; alas sais pa lang naman ng umaga at mamayang alas dos pa ng hapon ang scheduled flight niya paalis papuntang Japan. "Auntie, alas sais pa naman po ng umaga eh. At saka mamayang alas dos pa po ang flight ko." "Hay naku, alam mo namang masyadong ma traffic papuntang airport lalo na diyan sa bandang Edsa. Mabuti na rin 'yung maaga ka 'dun. Mahirap na baby girl at baka ma cancel ang flight mo, o di kaya mabiktima ka ng laglag bala, o di kaya...." "Tita, kalma. Hindi po ako mali- late. Promise 'yan. At saka nakahanda na po ang lahat. Wag po kayong mag alala. Kaya ko po ang sarili ko. Okay?" nasabi niya dito upang mawala ang pag aalala niya. "Hay naku, excited lang talaga siguro ako na makita ka. Ang tagal din naming hinintay ng Uncle Koji mo ang pagkakataong ito na finally, makakasama ka na namin dito sa Japan. Kaya, wag mong kalimutan na e check ang mga gamit mo bago ka umalis lalo na ang visa mo. Ingat ka sa biyahe mamaya baby girl. Basta ako ang susundo sa'yo mamaya sa Narita Airport. Kasama ko 'yung bestfriend ko dito na Pilipina, 'yung may anak na nag-aaral sa Chiba University." mahabang paalala ng Auntie niya sa kanya. "Opo, Auntie. Sige po, e text ko po kayo kapag paalis na ako ng Pilipinas. Magkita nalang po tayo mamaya. Sige po, mag aayos na po ako Auntie. Dadating din po kasi ang mga kaibigan ko at sila na ang maghahatid sa akin sa airport. Bye, Auntie." "Sige, ingat ka baby girl. I love you. Huwag mong kakalimutan magdasal bago ka umalis." paalala niya kay Charmaine. "Opo, Auntie. I love you too. Bye" Nakangiting binaba ni Charmaine ang cellphone niya. Naisip niya na kahit 20 years old na siya ay 'baby girl' pa rin ang tawag ng Auntie at Uncle niya sa kanya. Siguro nga kasi, wala silang anak na mag asawa at siya ang pinaka malapit sa kanila sa lahat ng mga pamangkin nito. Matapos ang ilang minuto, bumangon na rin siya at nagsimulang mag ayos ng mga gamit niya. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng bahay na pinamana sa kanya ng mga magulang niya. Nag iisang anak si Charmaine at simula ng mamatay ang mga magulang niya ay natuto na siya na mamuhay ng mag isa. Ngunit sa kabila ng pag iisa niya ay hindi siya nagpatalo sa takot na hatid nito. Lumaki siyang palaban, masayahin, at positibo sa buhay. Ang mga 'yun ay palaging pinapaala sa kanya ng Uncle at Auntie niya sa tuwing nagkaka usap sila sa pamamagitan ng Skype. Malaki ang pasasalamat niya sa mga ito dahil sa kabila ng layo ng pagitan nila ay hindi siya nakakalimutan ng mga ito; pinag aral siya, minahal, sinuportahan. At alam niya na ang pag alis niya ng Pilipinas ay isang paraan upang makabawi siya sa kabutihan ng mga ito. Ngayong malaki na siya, gusto niya na siya naman ang mag alaga sa kanila. Unti unting inayos ni Charmaine ang mga dadalhin niya; ang mga maleta, visa, at ang ibang documents na ipapakita niya sa Japanese Immigration Officer. Saglit siyang kinabahan. Naalala niya na mag isa lang siya pero hindi siya nagpadala sa takot. Lumipas ang ilang oras ay handang handa na siya sa pag alis. Bigla namang dumating ang mga kaibigan niya upang ihatid siya sa airport. Saglit na napuno ng tawanan ang loob ng bahay niya. Nagpipigil lang siya na huwag umiyak. Sa totoo lang ay ma mimiss niya ang mga ito. Matagal na silang magkaibigan simula 'nung Elementary pa. Sabay silang lumaki at halos hindi mapaghiwalay. Minsan nga, ay napagkakamalan silang magkakapatid. Madalas din silang binibiro na magkakamukha dahil halos araw araw ay magkasama mula Elementary hanggang College. Nagkaroon sila ng pangako sa isa't isa na walang iwanan ngunit siya din pala ang mang iiwan sa kanila. Pero alam niya naman na naiintindihan siya ng mga ito. Nakasakay na sila ngayon sa kotse ni Jecker na isa sa mga close friends niya. Napuno ng tawanan ang usapan nila ngunit saglit na tumahimik nang bigla itong nagsalita. "Charmaine, basta huwag mo kaming kakalimutan. Tatawag ka sa amin ha, at mag skype din tayo pag may time." sabi ng kaibigan niyang si Jecker. "At saka Charmaine huwag ka muna mag aasawa 'dun ha! Balita ko marami daw guwapong mga boys 'dun sa Chiba University" pabiro ng kaibigan niyang si Oreo. "At paano mo naman nalaman na maraming guwapo 'dun?" "Hmmm, i did a little research about it. Charot!" "Sino naman ang susundo sa'yo sa airport?" tanong ng isa pa niyang kaibigan na si Pat. "Si Auntie Elena at saka 'yung kaibigan niya." paliwanag niya sa kanila. "Basta ha, mag-iingat ka 'dun. Balita ko may mga modern day yakuza pa daw na namumuhay diyan sa Chiba, Japan. Baka magustuhan ka ng isa sa kanila at ipakasal ka. Hala!" pananakot ng kaibigan niyang si Oreo. "Lukaret ka talaga, Oreo! Hindi mangyayari 'yun. At saka wag kang aligaga, okay? Andun naman si Auntie Elena kaya no worries na teh!" natatawa niyang paliwanag dito. Sa wakas ay nakarating din sila ng NAIA. Malapit na mag alas dose ng tanghali at ilang minuto nalang ay kailangan na niyang pumasok sa loob. Saglit silang nagyakapan, nagtawanan, at nag iyakan. Matapos ang lahat ng paghihintay ay nandito na siya, at paalis na. Nakaalis na ang mga kaibigan niya at humihikbi parin siya. Ayaw niya lang magpahalata dahil medyo maraming tao. Nag check in muna siya at kasalukuyang hinihintay ang boarding time niya. Mabuti nalang at nakalusot agad siya sa immigration officer. Ipinagdadasal niya na sana hindi siya mahirapan pagdating ng Narita, Airport. Balita niya kasi ay medyo mahigpit ang mga Immigration Officers 'dun. Hindi niya mapigilang maging emosyonal. Pero kailangan niyang maging matatag, para sa sarili niya at sa mga taong mahal niya; ang kanyang Uncle at Auntie. Nagdasal muna siya habang naka upo sa isang sulok ng NAIA. Alam niyang kailangan niya 'yun. "Panginoon, gabayan niyo po ako. Natatakot po ako pero dahil alam kong nandiyan kayo kaya hindi po ako matatakot. Nawa'y makarating po ako at ang mga kasamahan ko sa flight ng ligtas papuntang Japan..." nasambit niya nalang. Maya- maya ay tinawag na siya at ang mga kasamahan niya para mag board, "All passengers of JAL 742 Airlines Flight 5J139 bound for Narita, Japan please proceed to Gate 3 immediately. Ilang minuto pa ang nakalipas at nasa loob na siya ng eroplano. Nagsalita ang isa sa mga Flight Crew. "Ladies and gentlemen, welcome onboard JAL 742 Flight 5J139. We are expected to be in the air in approximately seven minutes time. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing JAL 742 Airlines. Enjoy your flight." Lahat yata ay memorize ni Charmaine. Ayaw niya pumalpak. Unang pagkakataon niya na bumiyahe papunta ng ibang bansa. Ilang minuto ang lumipas at matapos nga ang katakot takot na nerbiyos sa take off ay nasa ere na sila. Malapit sa bintana ang upuan niya. Natatanaw niya ang mga gusali, ang mga daan, at puno. Nasa himpapawid na sila. Matagal niyang pinagmasdan ang kalupaan. Alam niyang mami miss niya ang Pilipinas. Pero naniniwala siya na may mga magagandang bagay na mangyayari sa kanya sa lugar na pupuntahan niya. Tiningnan ni Charmaine ang relo niya. Alas tres pasado na ng hapon at ang nakasulat sa flight niya ay dadating siya sa Japan ng 7:55 ng gabi. Naisipan niyang umidlip muna. Mahaba haba pa naman ang biyahe niya. Chiba, Japan {Onizuka's House} Takeshi Onizuka is currently sitting on a swivel chair inside his office. It's been more than a hundred days after their 'mourning period' due to the death of his Father; Riki Onizuka, his mother Hideko, older brother Daisuke, and sister in law Kumiko. The only one's who survive the tragedy was him and cousin, Ryu Onizuka. They were killed in a car bombing incident on the day of his mother's birthday. All those memories was still on his mind and he promised that he will take revenge for them. Until now, the suspects are not yet caught. The police made an initial investigation and concluded that the bombs were being planted intentionally to kill the whole family. His eyes was full of rage. He and his people made a pact that as long as they know who are the one's who killed them, he will drag them down to their graves and kill them with his own hands using the Onizuka Sword. Today marks the 10th day since his Appointment Ceremony as the 19th Soryo of the Onizuka Clan. The ceremony was being preceded by his Uncle Masato; an elder of the family. It includes the sharing of 'sake', a Japanese rice wine and the saying of their vows as a clan in unison. It is done as a symbol of their loyalty to the present Soryo in life and even in death. Takeshi was still in his deep thinking when his Uncle Masato came inside his office. "Soryo", he said and bow his head as a sign of respect. "Yes, Uncle? What's the matter?" he asked him. "Everybody is now ready at the Assembly Hall. They are now waiting for you" his Uncle Masato explains at him. A few minutes later Takeshi has arrived at the Assembly Hall of the Onizuka Clan and everyone of them bow down their heads as a sign of respect. He was sitting at the center; wearing a Black Yukata with his eyes giving full attention to each one who is speaking. Taro, who is his personal bodyguard is currently saying something... "Soryo, we have heard reports from our people that Keniji Sato and his men are squeezing money from people specially the small entrepreneurs", Taro reports to him. "What? How dare him doing that! We, in the Onizuka family know that these people are only required to pay the Legal Rental Fee", Takeshi hits the table with his fist in anger. Uncle Koji starts to speak, "Soryo, aside from paying the Legal Rental Fee these people are also obliged to pay the 'Protection Racket Fee." "What a shame! Those cheap thugs! They have no honor. They bully those innocent people. As the 19th Soryo of Onizuka, I will not let these things come to pass. Our town has been peaceful for so long, and I will not let those cheap thugs like Keniji Sato to steal that peace away from us," he said in full conviction. "Sir Osamu; the Chief of Police came here awhile ago, Soryo. He said that they are now currently investigating the death of your family", Uncle Koji explains at him. "They are working so slow, Uncle. It's time that we have to solve these things into our own hands. Or better yet, we should cooperate with the authorities so that this case will be solved," Takeshi said. Then Taro reports at them, "I've seen Kuro and Suji around Riki Soryo's car on the day of the car bomb incident". "Ever since the day of the incident, the two of them never showed their faces here," his cousin Ryu said. "Katsu, Seki", he called the attention of his two other bodyguards. "Yes, Soryo", they bow their heads down in respect. "I want you to investigate with these people. If you find out that they betrayed us, then drag them here and I will punish them myself," he said as he starts to hold his sword. "Hai, Soryo!", Katsu and Seki answered him in unison. A few minutes later, Takeshi is now resting inside his room. Everything felt surreal for him. He can't still believe that his father, mother, older brother, and sister in law has died. He felt so cold and alone. But he was still glad that his cousin, Ryu never left his side. They were like brothers when they are still young and even in the present time. He is trying to be brave because he needs to. As the present Soryo, he must lead them with pride and honor by eliminating those bad people who are trying to make the town miserable. He knows that each day, someone out there wants to overthrow their family. Who could resist them? They have everything: power, wealth, influence, and pride that other people tries to possess. But he reminds himself always not to be careless. His father once told him, "The Samurai Warriors exists to protect the people of this town. We can be gentle, but not weak". He closes his eyes to sleep. He knows that tomorrow will be a long day for him. Charmaine's POV Nagising si Charmaine nang magsalita na ang piloto ng eroplanong sinasakyan niya. "Flight attendants, prepare for landing please." "Cabin crew, please take your seats for landing." "Ladies and gentleman, we have just been cleared to land at the Narita Airport." Hindi makapaniwala si Charmaine. Nasa Japan na nga siya. Alam niyang hinihintay na siya ng Auntie niya. At matapos nga ang katakot takot na turbulence sa pag landing nila ay nakaraos naman siya. Buti nalang at hindi siya nasuka kundi sobrang nakakahiya. Nagsalita ulit ang flight attendant, "Ladies and gentleman welcome to Narita Airport. Local time is 7:55 in the evening and the temperature is 5 degrees celcius. On behalf of JAL 742 Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board in the near future. Have a nice night!" Makalipas ang ilang minuto ay kaharap na ni Charmaine ang isang Japanese Immigration Officer. Sobrang kinakabahan siya habang hinahalungkat nito ang mga dokumentong binigay niya. Baka kasi sumabit at ma deport siya pabalik ng Pilipinas. Hindi niya 'yun kakayanin. Mukha pa namang suplada ang nasabing Immigration Officer. Pero buti nalang ay nakakapagsalita ito ng English. "Ms. Charmaine Mendoza, are you related to Mr. Koji Kobayashi?" naitanong sa kanya. "Yes, Maam. He is my Uncle!" kinakabahang sagot niya dito. Saglit pa siyang sinipat nito at nagsalita muli, "Okay! Welcome to Japan, Ms. Mendoza!" Then, she sealed her papers with approval. "Domo arigatogozaimashita, Maam!" nasabi niya nalang sa sobrang saya. "Doitashimashite, Ms. Mendoza" sagot naman sa kanya. At matapos ang iilang minuto ay sa wakas nakalabas na siya. Kasalukuyan niyang hinahanap ang Auntie niya at agad naman silang nagkita. Kasama nito ang kaibigan niya na isang Pilipina. "Baby Girl!!!" pasigaw nito sa kanya. Agad naman siyang yumakap dito, "Auntie Elena!!! Wow ha, mukhang mas lalo po kayong bumata sa ngayon. Aaay, mag bless po muna ako." Agad namang inabot ng Auntie Elena niya ang kanyang kamay kay Charmaine. "Oh, kumusta ang biyahe mo? Hindi ka ba nasuka? Oh, eto dinalhan kita ng makapal na jacket kasi kahit spring ngayon dito eh malamig pa din. Isuot mo 'to", pag aala ng Auntie niya. "Si Auntie talaga oh! Hanggang ngayon 'baby girl parin ang tawag sa akin"... "Aba, oo naman! Ikaw ang baby namin ng Uncle Koji mo. Alam mo 'yan. "Auntie, si Uncle po...nasaan?" "Hay naku, andun pa sa trabaho. Alam mo naman na hindi niya basta bastang iniiwan ang boss niya lalo na ngayon. Pero baka bukas uuwi 'yun dahil alam niya na ngayon ang dating mo" "Ay, talaga po? Sayang noh gabi na pala. Hindi ko makikita 'yung Sakura na bulaklak" panghihinayang niya. Agad namang sumagot ang kaibigan ng Auntie niya na si Flor, "Naku, Charmaine. Bukas ng umaga makikita mo ang napakaraming Sakura sa paligid." "Wow, talaga po?" "Oo, naman. Oh, halika na. Kailangan nating sumakay ng tren papuntang Chiba; mga isang oras din ang biyahe. Iniwan ko kasi ang kotse ko 'dun. Alam mo naman na tumatanda na ako at 'di ko na kayang mag drive ng napakalayo". paglalahad ng Auntie niya. Matapos ang isang oras na pagsakay sa tren at kalahating oras na pagsakay sa kotse ng Auntie niya, ay narating din nila ang bahay nito. Isa 'yung 'traditional Japanese house' na binigay sa kanila ng boss ng kanyang Uncle. Matapos ang sandaling kwentuhan ay kasalukuyang nasa loob na ng kuwarto niya si Charmaine. Kakaiba ito sa kuwarto niya sa Pilipinas. Walang kama. Nasa sahig ang isang malambot na kutson na may puting bedsheets at makapal na kumot. Tila ba hinihila na siya nito sa pagtulog. Pagod na pagod siya sa biyahe ngunit sulit naman ang lahat. Saglit siyang nagpasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal. "Panginoon, maraming salamat po na ako ay nakarating dito ng ligtas, Amen!" At bago pa siya lamunin ng antok ay alam niya sa kanyang puso't isipan na ito na ang simula ng bagong kabanata ng kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD