Ngayon ay ang unang araw ni Charmaine sa Chiba University. Ngunit sa halip na maging excited siya dahil dito ay mas nanaig ang kaba sa puso niya. Hindi parin kasi mawala sa isip niya ang naging unang pagkikita nila ni Takeshi Onizuka 'nung nakaraang araw.
Kasalukuyan siyang naglalakad papunta ng library. Nag text kasi si Che Che at nagsabing 'dun nalang sila magkita.
Habang naglalakad si Charmaine ay palinga linga siya sa paligid. Sinisigurado niya kung wala bang mga lalakeng sumusunod sa kanya. Alam niyang para na siyang paranoid pero hindi niya mapigilan ang sarili niya.
Agad naman niyang nakita si Che Che na naka upo sa isang mesa sa loob ng library. Napansin nito ang pagiging balisa niya.
"Hoy, Charmaine. Anyare sa'yo? Ba't parang 'di ka mapalagay diyan? At saka ang aga aga pa eh pinagpapawisan kana. Anong meron?"
"Eh kasi Che Che may ibabalita ako sa'yo. Pero tingin mo wala bang sumusunod sa 'kin na mga lalake kanina pagpasok ko dito?"
Agad namang sinipat ni Che Che ang paligid pero wala naman siyang napapansin na kakaiba. Sinisikap nila na hinaan ang mga boses nila dahil baka mapagalitan pa sila ng librarian.
"Sa tingin ko wala namang sumusunod sa'yo. Teka, bakit mo naman naisip 'yan ha? At saka bakit ba ang aligaga mo? Para kang maiihi na matatae na parang ewan."
"Naalala mo 'nung araw ng orientation ko dito? 'Di ba may kinuwento ako sa'yo na isang lalake na nasigawan ko sa daan dahil muntik na akong masagasaan ng driver niya? At hindi man lang siya nag sorry sa 'kin?"
"Oo, naalala ko. Bakit nagkita ulit kayo? Wag mong sabihin na binastos kana naman niya ulet? Nasaan 'yan at nang makatikim ng bagsik ng isang Batangeña!"
"Sandali nga lang Che Che...tapos 'di ba after ng orientation eh sinama ako ni Auntie 'dun sa bahay ni Takeshi Onizuka Soryo dahil birthday ng pinsan niya?"
"Oo, tapos? Alam mo Charmaine ispluk mo na nga 'yan. Ano ba talagang nangyari ha?"
"Eh kasi 'yung lalakeng nasigawan ko sa kalye na tinawag kong bastos at walang modo at si Takeshi Onizuka Soryo...ay iisa..."
"Ano???!!!", hindi mapigilan ni Che Che na mapasigaw.
Napunta sa kanila ang atensiyon ng librarian at pati ng mga estudyante na nandun' sa loob ng mga oras na 'yun.
"Shizukani shite kudasai (Please keep quiet)"., sinabi sa kanila ng Japanese librarian.
Agad naman silang tumayo at nagsabi ng sorry habang nakayuko bilang tanda ng pagpapakita ng paghingi ng paumanhin.
"Gomen'nasai (I'm sorry)", sabay silang nagsabi ni Charmaine sa mga tao na nandun sa loob.
Hinila ni Charmaine si Che Che palabas ng library.
"Ano ba, Che Che. Bakit ka sumigaw?"
Eh kasi naman eh. Nakakagulat 'yung binalita mo sa 'kin. Sino ba naman ang hindi magugulat?"
"Oo nga eh. Pero nag sorry naman na ako sa kanya 'nung nagkita kami sa bahay niya. Pero ewan ko ba Che, hindi parin mawala 'yung kaba ko eh. Pakiramdam ko parang may sumusunod sa 'kin."
"Ano bang sinabi ng Auntie at Uncle mo?"
"Wala naman daw problema. Ayos na daw 'yun. Pero, Che natatakot parin ako eh."
"Alam mo wala ka namang kasalanan eh. Kasi that time hindi mo pa naman siya kilala. Ngayong kilala mo na, uulitin mo pa ba?"
"Siyempre hindi na noh! Ayoko ko pang mamatay. Basta, ayoko na siyang makita ulit.
"Naku, Charmaine. Hindi mo maiiwasan na hindi kayo magkita. May I remind you na chief of security niya si Uncle Koji mo at malapit sila ng Auntie Elena mo sa pamilya ni Takeshi. Isa pa, scholar ka nila at higit sa lahat maliit lang ang mundong ginagalawan niyo. I mean, maraming pagkakataon na pwede kayong magkita."
"Basta, gagawin ko ang lahat para maiwasan siya."
"Good luck nalang sa'yo."
Maya maya ay tumunog ang bell bilang hudyat ng simula ng klase. Saglit na nakalimutan ni Charmaine ang kaba na nararamdaman niya. Masyado siyang nalibang sa klase. Magagalang at mababait ang mga kaklase niyang mga Japanese at pati narin ang mga kapwa niya foreign students.
Maagang natapos ang klase nila ngayon dahil first day pa lang naman kaya alas dos pa lang ng hapon ay pauwi na siya.
Ngayon niya lang nakita ng malapitan ang paligid ng lugar na tinitirhan nila ng Auntie niya. Mabuti nalang at walking distance lang ito mula sa university. Makalipas ang ilang oras ay nakarating na siya ng bahay. May nakita siyang dalawang pares ng pang lalakeng sapatos sa may pintuan.
"Sino kaya ang mga bisita ni Auntie? Hmmm, baka kliyente sa flower shop.", nasabi niya habang tinatanggal ni Charmaine ang sapatos niya.
Pumasok na si Charmaine sa loob ng bahay. Bago niya mapuntahan ang kusina ay dadaan muna siya sa sala. May naririnig siyang nag uusap na dalawang lalake.
"Auntie, nandito na po ako."
Nagulat si Charmaine sa nakita niyang tao sa sala ng bahay nila. Hindi siya ang inaasahan nito. Hinding hindi.
"Hala, si Takeshi Onizuka 'yun ah. Anong ginagawa niya dito? Shet. Bakit niya kasama si Uncle?"
Makalipas ang ilang saglit ay nakita naman niya si Auntie Elena na may dalang tea.
"Oh, andito ka na pala baby girl. Dalhin mo nga itong tea kay Onizuka Soryo at sa Uncle Koji mo."
"Eh Auntie, ano bang ginagawa niya dito? Bakit siya nandito?"
"Nagpasama siya kay Uncle Koji mo kasi may hihingin daw siyang pabor sa'yo."
"Pabor? Ano daw 'yun? Auntie, kinakabahan ako diyan sa sinasabi mo ha. Baka kung ano na yan eh."
"Halika na nga. Sige na, dalhin mo na yan 'dun. Mabuti pa samahan na kita. Wag ka ngang paranoid."
Pumasok na sila ng Auntie niya sa sala. Nagmano muna siya kay Uncle Koji niya.
"Mano po, Uncle.", sabay kuha ng kamay ng Uncle niya.
"Kon'nichiwa, Onizuka Soryo!", bati niya dito na nakayuko ang ulo.
"Kon'nichiwa, Charmaine!", he said while giving her a smile.
"Soryo, what Charmaine did awhile ago is a Filipino way of respecting the elders in the Philippines. It is called "pagmamano.", Uncle Koji explains at him.
"Oh, i see. I am learning so many things about the Philippines.", Takeshi says in amazement.
"Auntie Elena told me awhile ago that you will ask me a favor. What is it all about?", tanong ni Charmaine kay Takeshi.
"My Aunt Ayako loved your cake during Ryu's birthday. She is asking a favor if you could teach her how to bake it."
"My MaineBow Cake?"
"Yes, if it's okay with you."
Tumingin si Charmaine sa Auntie at Uncle niya. Wala namang kaba at kahit ano man na pagtutol sa mga mukha nila.
"Baby Girl, Onizuka Soryo would like to invite you to his house now and teach Aunt Aunt Ayako how to bake the MaineBow Cake."
"I will bake at his house...now?"
"Yes, Charmaine. My Aunt Ayako will be very happy to learn from you."
Gustuhin mang tumutol ni Charmaine pero wala siyang magagawa. Ayaw naman niyang mabastos ang Uncle at Auntie niya. Kahit pa may nararamdaman siyang takot na bumalik sa bahay na 'yun ay titiisin na muna niya. Tama nga ang sinabi ni Che Che...maliit lang ang mundong ginagalawan nilang dalawa ni Takeshi.
Hindi niya ito madaling maiwasan.
Hindi siya maka hindi dito. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya nito dahil sila ang nagpapa aral sa kanya. Siguro naman ay walang mangyayaring masama sa kanya 'dun sa bahay ni Takeshi. Nandun naman ang Uncle Koji niya at hindi naman siya nito pababayaan.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa bahay ni Takeshi. Agad naman silang sinalubong nila Auntie Ayako at ang kasambahay na si Fumiko. Mabuti nalang din at nakakapagsalita ito ng English. Hindi siya mahihirapan sa pagtuturo.
"Thank you for accepting my invitation, Charmaine.", Aunt Ayako bow down her head.
"You're welcome, Auntie."
"Let's go to the kitchen now, Aunt Ayako and Charmaine.", Fumiko lead them.
Madali lang namang natuto sina Auntie Ayako at Fumiko kung paano gawin ang MaineBow Cake. Minsan, napapansin niya na panay ang silip ni Takeshi sa kusina. Pero, hindi niya na ito iniisip.
Pero hindi niya lang maintindihan kung bakit parang imbes na matakot siya dito ay parang mas nakikita niya ng kabutihan nito. Matapos niyang magturo kung paano gawin ang MaineBow Cake ay magpapaalam na sana siya.
"Thank you for teaching Aunt Ayako and Fumiko, Charmaine."
"You're welcome, Soryo. I have to go now."
Tatalikod na sana para umalis si Charmaine pero pinigilan siya ni Takeshi.
"Charmaine...wait."
"Yes. What is it?"
"I want to eat the MaineBow Cake that you made awhile ago. Can you join me for awhile?"
Saglit na nag isip si Charmaine. Nakita niya na parang nakikiusap at nagungusap ang mga mata ni Takeshi kaya pumayag na siya. Tutal nandun naman ang Uncle Koji niya at ihahatid naman siya nito mamaya pag uwi ng bahay. Kasalakuyan silang nakaupo at kumakain ng MaineBow Cake.
"Your MaineBow Cake tastes really good."
"Thank you, Soryo."
"You can call me Takeshi."
"Huh? But you are a leader of a...."
"A Yakuza...you're right.", he sighs.
"Oh, I'm sorry. I didn't mean to offend you."
"I understand you, Charmaine. Maybe you heard so many negative things about us. I know you heard how we live, how we punished those who offended us, how we run our businesses, how we live our lives in violence. I know we met in an uncomfortable way. I just want you to know that Onizuka Clan is not like those cheap thugs that bully people in the society. Our family came from the Emperor's Samurai Warrior Descendants. We make sure that we protect this town and maintain peace. We promote peace and not war. But we can't stand against those people who abuses their power to make a living. We promised to protect this town with our lives."
"I'm sorry for misunderstanding you, Takeshi. I admit that I was a bit scared of you. Thank you for making me understand the kind of life that you have."
"It's alright, Charmaine. You just got here. You have so many things to learn and I know you will enjoy every minute of it.", he said with a smile.
Ngayon lang niya natitigan ng matagal si Takeshi. Na realize niya na guwapo pala talaga ito. Sadyang may maamong mukha at idagdag mo pa ang pamatay na dimples. Napangiti na rin siya dahil dito.
"How did you learned about baking this MaineBow Cake? Did you attend a school for baking?"
"It's actually from my mother. She taught me how to make it when I was still 10 years old."
"Really? Are your parents now living in the Philippines?"
"No. My mother and father died when I was 10 years old."
"Oh, I'm sorry to hear that.", he apologizes.
"It's okay. I'm used to it. That's why Auntie Elena and Uncle Koji treats me as their own child since then. I must say that I am so lucky having them in my life."
"And they are calling you...baby girl huh?", he smiles widely.
"Yeah. Sorry about that. Even if I already told them to stop calling me like that...well, they won't stop."
"I find it really sweet for them calling you...baby girl.", he chuckles.
The both of them shared laughs. Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam na siya dito. Hinatid siya ng Uncle Koji niya sa bahay pero agad naman itong bumalik sa trabaho. Kasalukuyang nasa loob ng kuwarto si Charmaine at nagbabasa ng libro. Pero parang hindi niya yata naiintindihan ang binabasa niya. Hindi kasi mawala sa isip niya ang muling pagkikita nila ni Takeshi.
"Hmmm...infairness ha. Hindi naman pala siya masamang tao. Kung sa malapitan, guwapo naman pala talaga siya...magalang at matulungin sa kapwa. Hindi na masama ha. Kaya pala marami akong naririnig na mga babae na pinapangarap na sana magustuhan niya, kahit isang siyang gokodu leader. Kasi naman, mabuti ang pagkatao. Pero, bakit ba ako kinikilig 'yung sinabi niya 'yung 'baby girl' kanina? Hala, ang harot ko naman. Hay, makatulog na nga lang."
Pakiramdam ni Charmaine at unti unting natatanggal ang takot niya kay Takeshi. May pumalit na kakaibang emosyon sa puso niya: masigla, masaya, at nakakatuwa. Kung ano man 'yun ay hindi pa niya alam. Natulog siya ng may ngiti sa mga labi na yakap yakap ang malambot na unan.
Takeshi is now sitting on the garden with cousin, Ryu. He is now staring at the moon. The stars are twinkling on the night sky. He is absent minded again.
"Hey, Takeshi. I saw you smiling again while talking to her. No doubt...my cousin is in love."
"You're supposed to be in bed right now. What are you doing here?"
"I was just checking on you. Because I am thinking that maybe you need to someone to talk to with your overloaded love.", Ryu laughs at him.
"You're crazy. Take a bath now and go to sleep. We have so many things to do tomorrow. We have to go to the police to talk with Sir Osamu about my parents' murder case.", Takeshi became serious.
"Don't worry Takeshi. In time, the murderers will be captured. I can sense it."
"Thank you, Ryu."
Ryu left him. Takeshi saw a twinkling star that shines the brightest among all of them. He keeps on thinking about Charmaine: the way she speaks, the way she laughs, and the way she makes his heart beats faster with every move that she makes. Takeshi smiles once again.
He knows that he found someone who will be the source of his happiness every day. He can't really fathom how he feels at the moment. It feels so good. He is happy that he met Charmaine. He found... a dear friend.