Chapter 7

1620 Words
Alexis' POV Dahil sa pagdadalangtao ko, my sense of smell is so sensitive. Habang nagsasalita ang pare, hindi ko maiwasang langhapin ang pabango nya. His scent seems familiar. Parang naamoy ko na ang klase ng pabangong gamit nya. I know his perfume is a signature brand at hindi pangkaraniwan. Basta pamilyar talaga. Parang....gusto kong alalahanin pero naputol ang pagmumuni muni ko nang magtanong na ang pare, "Do you David Aragon take Alexis Monreal to be your wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse,for richer, for poorer, in sickness and in health, to cherish with devoted love and faithfulness till death do you part?" Sa naiilang na pakiramdam ay napatunghay ako sa kanya. Saktong nagtama ang aming mga mata. Para akong nahihipnotismo dahil napagkit na ang titig ko sa kanyang magagandang mata na ngayon ko lang napansin na kakaiba ang kulay. He has an amber eyes. Sabagay halata namang may halong banyaga ang kanyang lahi. Ang tangkad, malapad ang balikat na sigurado akong may namumukol na mga braso na nakatago sa ilalim ng suot na tuxedo at sigurado din ako na may perpektong pandesal sya na tiyak kong nakakatakam. Tumikhim muna sya bago sumagot. "I-I do," baritono nyang sagot na pautal. Nautal ba sya dahil sa pagdadalawang isip o dahil rin sa lakas ng kaba sa dibdib gaya ko? Bakit ang tahimik yata? Wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na kabog ng dibdib ko at parang nagwawala ang puso ko sa subrang lakas ng t***k. "Do you Alexis Monreal, take David Aragon to be your husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse,for richer, for poorer, in sickness and in health, to cherish with devoted love and faithfulness till death do you part?" patuloy na tanong ng pare. Napamulagat ako. Naramdaman ko ang paghawak ng isang kamay nya sa kamay ko at bahagya itong pinisil na nagbigay na kaigaigayang pakiramdam sa buong sistema ko. Ganito ba yung sinasabi nilang atraksiyon? Hawak pa lang e para ka ng nasa cloud nine? Hindi ko namalayang naglalakbay na pala ang diwa ko. Isa pang pisil sa kamay galing sa kanya bago ako natauhan. Ipinilig ko ang ulo ko pero nang makita nya iyon ay parang may takot sa kanyang mga mata. Natatakot ba syang hindi ang maisagot ko? "Ahm...Ehem!" Tumikhim muna ako bago ko kinuha ang microphone at sumagot ng walang halong utal pambawi sa pagkakadelay ng sagot ko. "I do." Napansin ko naman ang parang nabunutan ng tinik na reaksiyon mula sa kanya kasabay din ng pagpapakawala ng buntung hininga ng mga taong naroroon sa paligid. Para bang sila ang kinakabahan sa pag-aabang sa magiging sagot ko. Partikyular na ang mga magulang namin. Sabay na nagpalakpakan ang mga tao. Makikita ang saya at ngiti sa kanilang mga reaksiyon. Nagpatuloy ang seremonya hanggang sa matapos. Nagsimulang kinilig ang mga tao sa paligid nang sabihin na ng pare ang kiss the bride. Ang kaba at tensiyon na kanina ko pa nararamdaman ay mas nagtriple pa nang hinawi na nya ang belong nakatabing sa aking magandang mukha. Nagniningning ang kanyang magagandang mata na nakatitig sa akin. Bumaba pa ang titig nya sa aking mga labi. Para naman akong timang na kinagat ang aking ibabang labi sa labis na antisipasyon. Ang mga tao naman ay sabay sabay na napasinghap nang walang ano-ano'y bumaba ang mga labi nya sa mga labi ko at buong kasabikan nya akong hinalikan. And take note hindi simpleng halik kundi yung torrid kiss talaga. Halos lamunin na nya ang labi ko sa subrang panggigigil nya. Para naman akong nasa alapaap habang nakikipaghalikan sa kanya. Napakasarap nyang humalik na parang dinadala ako sa dako pa roon ng langit. Hindi na namin alintana ang mga taong nasa paligid na malakas ang hiyawan at palakpakan. Wala kaming ibang naririnig kundi ang malakas na t***k ng aming mga puso. Napahawak na ako sa kanyang batok dahil sa subrang panginginig ng aking mga tuhod na para bang matutumba ako sa anumang sandali. Hawak naman nya ang aking baywang para suportahan. Saka lang naghiwalay ang mga labi namin nang tumikhim ang pare upang maagaw ang pansin namin. Para naman akong kamatis na pulang pula dahil sa hiya. Hindi namin namalayan na inabot na pala ng isang minuto ang paghahalikan namin. Hindi halatang sabik na sabik sa isa't isa gayung ito ang unang beses naming pagkikita. Masayang masaya ang mga taong naroroon lalong lalo na ang mga magulang namin na abot tenga ang mga ngiti. Para bang tagumpay ang kanilang match making. Hindi mahahalata ng mga taong naroroon na hindi alam ang totoong arrangement ng kasalan na hindi pa kami magkakilala at ito ang unang beses naming pagkikita. Kanina ko pa din napapansin ang panay nyang pagkabig sa baywang ko at ilalapit sa katawan nya. Noong una ang akala ko ay para lamang sa picture taking pero natapos na't lahat ang picture taking ay nakahawak parin sya ng mahigpit sa baywang ko. Magproprotesta pa ba ako e gustong gusto naman ng katawan ko ang pagkakalapit ng mga katawan namin. Nang kami ng maid of honor kong si Althea ang magpapapicture, pasimple ako nitong binulungan. "Friend, akala ko ba arranged marriage lang kayo at ngayon lang kayo nagkita. E Bakit halos di na mapaghiwalay ang mga labi ninyo kanina at saka grabe lalanggamin na kayo sa kasweetan. Subrang kinikilig tuloy ako. At saka friend ang swerte mo naman subrang gwapo ng asawa mo and I am sure subrang laki nyan," mahaba nyang daldal ng pabulong. Kinurot ko sya at sabay kaming nagtawanan. "Hindi ko nga rin maintindihan e. Basta nagpapatianod na lang ako sa sitwasyon," wika ko rin ng pabulong. Nahinto lamang ang tsismisan namin nang tawagin ako ng groom ko dahil magsisimula na daw ang reception na doon din sa five star hotel resort na iyon gaganapin. Pagkatapos ng napakabonggang reception, sa wakas ay makakapagpahinga na din kami. Nahihiya man ay nilakasan ko ang loob kong magtanong sa kanya. "Ahm...David uuwi na ba tayo?" Tumingin sya sa akin at inakbayan ako. Naiilang man ay hinayaan ko sya. Napansin kong napakalambing nya at clingy sa akin. "No, I know you are already tired that is why I already reserved a floating cottage for us to rest and spend our first night here at my resort," sabay ngiti nya sa akin. Para naman akong natulala nang masilayan ko ang nakakabighani nyang ngiti. Wala bang pwedeng ipintas sa lalaking ito?Halos lahat ata dito ay perpekto. Wait! Sa kanya pala ang sikat na five star hotel and resort na ito. Tumango na lamang ako at nagpatianod sa kung ano ang gusto nya. Bigla naman akong kinabahan dahil ngayong gabi na kami magpupulo't gata at dito mismo sa resort. "Gusto mo na bang magpahinga?" tanong nya. Nababanaagan ko sa kanyang mga mata ang pagkasabik. Malagkit ang kanyang mga tingin at para akong pagkain sa kanyang harapan na gustong gusto na nyang lapain. Iyon ang nararamdaman ko. Hinawakan nya ang kamay ko na nagpaigtad sa akin. Iba talaga ang epekto nya sa katawan ko. Hawak lang pero kumakalat na ang init na hatid nya sa buong sistema ko. "Ahm....Yeah, gusto ko na sanang magpahinga," mahina kong bigkas. Napalunok ako ng laway ko pagkatapos. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Matakot ba o masabik dahil ang katawan ko iba ang dinidikta. Nasasabik na akong maramdaman sa unang pagkakataon ang magpulo't gata. Bigla kong naalalang hindi na pala ako virgin. Medyo nalungkot ako dahil hindi na buo ang maibibigay ko sa asawa ko pero hindi naman siguro mahalaga sa kanya ang virginity ng isang babae dahil nasa modernong panahon na kami ngayon. Ako lang ata at mga kaibigan ko ang masyadong nagpapahalaga sa virginity. Kung sakali ay ngayon ko pa din mararamdaman ang makipagsiping dahil wala naman akong matandaan sa una kong karanasan na ninakaw lang sa akin ng walanghiyang r****t na iyon. Pagkatapos naming magpaalam sa mga pamilya namin at mga bisita nilisan na namin ang reception hall. Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa floating cottage na tutuluyan namin. Hindi maikakailang ito nga ang isa sa pinakamagandang hotel and resort sa aming lugar dahil sa magandang pagkakadesign ng resort. Pati na ang mga landscape ay napakaganda ng pagkakagawa. Pinagkagastusan at maingat na ginawa. Kumpleto ang mga facilities ng resort. Halos wala akong maipipintas. May napakagandang services din silang inaalok sa mga customers kaya naman binabalik-balikan sila ng mga tao. At isa sa mga attraction ng resort ay ang mga nakahilerang floating cottages nila sa tabing dagat. Mula sa aming nilalakaran ay tanaw na namin ang mga floating cottages. Habang papalapit kami ay lalong lumalakas ang t***k ng puso ko. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa isiping sa unang pagkakataon na may kamalayan ako ay ibibigay ko sa isang lalaki ang p********e ko. Humigpit ang hawak nya sa nanlalamig kong kamay. Walang anu-ano'y pinangko nya ako na parang papel. Nahigit ko ang hininga ko at impit akong napatili. "Ay! Put me down, nakakahiya!" aniko pero nagpatuloy lamang sya sa paglalakad. Mabilis at parang may hinahabol. Habang pangko nya ako ay nakatitig sya sa akin at sa mga labi ko. Umiwas ako ng tingin dahil sa pagka-asiwa ko. Ano ba ito? Ngayon lamang kami nagkita pero parang matagal ko na syang kilala gayundin ang turing nya sa akin. Naku baka matalisud pa sya at sabay kaming matumba sa lupa sa ginagawa nyang pagtitig kaya inagaw ko ang pansin nya. "David, eyes on the road baka matumba tayo sa kakatitig mo. Ngumisi lamang sya at biglang inangkin ang labi ko. Ano ba itong lalaking ito at bigla na lang nanghahalik? Hindi na ako nakapalag at hinayaan syang sakupin ang labi ko. Papalag pa ba ako e ang sarap at ang tamis ng halik nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD