3rd Person POV
"Oh! Your Dad is busy talking to one of the major investors. He gave his phone to me to answer your call," sagot nito sa kabilang linya. Si Alexis naman ay litong lito dahil kelan pa pinahawak ng Daddy nya ang telepono nito sa ibang tao unless kung close na niya ito. So meaning ba nyan subrang close ng Daddy nya ang sumasagot sa kanya ngayon sa kabilang linya?
"Ehem, Hindi mo ba tatanungin kung sino ako?" tanong nito.
"Ahm, Sino ka ba?" medyo mataray nyang tanong. Kahit alam na nya na si David Aragon ang kausap ay nagtanong parin sya.
"David Aragon your future husband darling," malambing nitong sagot. Tumindig ang balahibo nya ng hindi nya mawari.
Agad nyang pinatay ang tawag dahil sa hindi nya maipaliwanag na damdamin. Napabuga sya ng hangin at napapikit.
"Nakakainis! Ano ba itong nararamdaman ko? Boses pa lang para na akong timang," nagugulumihanan nyang wika sa sarili.
Pabagsak na inihiga nya ang sarili sa kama ng patihaya. Tama ba ang naging desisyon nyang magpakasal at ipaako sa iba ang ipinagbubuntis? Pero wala na syang ibang paraan na naiisip. Mas kasalanan ang magpalaglag. No! Hindi nya kayang gawin sa magiging anak nya iyon. Hindi naman kasalanan ng walang muwang na sanggol sa kanyang sinapupunan kung bunga man ito ng panggagahasa. Napahawak sya sa impis pang tiyan.
"Anak, sorry kung sumagi sa isip kong ipalaglag ka. No! Hinding hindi ko yan gagawin okay? Mahal na mahal kita," madamdamin nyang kausap sa anak na nasa sinapupunan.
Hindi nya namalayang nakatulog na pala sya kahit pa puno ng pangamba ang kanyang damdamin.
Matuling lumipas ang mga araw simula nang makausap nya ang David Aragon na yun sa telepono ay wala ng pormal na pamamanhikan ang nangyari. Minadali ang lahat ng preparasyon ng kanilang kasal. At pagkatapos ng isang linggo ay viola! Ikakasal na sya sa antipatikong may magandang boses na si David Aragon. Ayaw man nyang aminin sa sarili, nasasabik syang makita ng personal ang mapapangasawa dahil lamang sa napakaswabeng boses nito sa telepono. Napakabilis ng pangyayari. Parang kahapon lamang nang tumawag sya at ipaalam na pumapayag na sya at ngayon nga ay mismong araw na ng kasal nila. Halos wala syang matinong tulog kagabi kakaisip kung tama ba ang kanyang desisyon. Gulat na gulat si Andrea at Alexis nang ibalita nyang ikakasal na sya. Pahapyaw naman nyang ibinalita sa mga ito na arranged marriage lamang ang lahat. Si Althea lamang ang makakadalo dahil hindi pa makakuwi si Andrea. Nalungkot sya na hindi sila kumpleto ng mga kaibigan sa kanyang kasal pero nauunawaan naman nya ang huli.
Sa totoo lang ay kinakabahan sya. Magpapakasal syang hindi man lang nya nakita muna ng personal ang lalaki. Lage kasing hindi magpang-abot ang schedule nila kaya hindi na sila nabigyan ng pagkakataon na magkita pa.
Isang bonggang beach wedding ang gaganapin na kasal niya. Marami rami ang inimbitahan ng kanyang Daddy na mga kilalang personalidad sa industriya ng negosyo. Kaya hindi sya nagtataka kung bakit umabot ata ng isang daan ang sasaksi sa kanyang kasal.
Nasa gitna na sya at nakasuot ng bonggang wedding gown. Hiniling nya ito dahil gusto nyang gumasto talaga ang lalaki na tinupad naman nito. Subrang ganda at subrang mahal ng gown na binili nito sa kanya sa kilalang designer ng bansa na si Michael Cinco.
Nagkakahalaga daw ng limang million ang kanyang wedding gown na may diamond ata na design dahil subrang mahal naman. Mahaba ang belo at napakaganda ng tabas at talagang parang ginawa para talaga sa kanya. Napasinghap pa ang mga tao nang makita sya. Lahat ay napahanga sa angkin nyang ganda lalo pa at suot nya ang wedding gown na nagkakahalaga ng limang million. Para tuloy ayaw na nyang hubarin ang wedding gown na suot. Sa nanginginig na tuhod ay pinilit nyang ihakbang ang mga paa. Hindi pa nya maaninag ang hitsura ng kanyang groom dahil medyo malayo pa sya sa altar na ginawa sa gitna ng buhanginan. Nasa gitna naman ang kanyang Daddy na gwapong gwapo sa suot nitong tuxedo. Napakaaliwas ng mukha nito at abot tainga ang ngiti dahil sa wakas ay matutupad na ang gusto nito. Malaki ang pakinabang ng ama sa pagpapakasal nyang ito. Lahat naman sila ay naggagamitan sa lagay na ito dahil sya ay may sariling dahilan kung bakit sya magpapakasal sa lalaking ni hindi nya mahal. At ang lalaking pakakasalan ay malaki din ang pakinabang sa kanya dahil sino ba naman ang hindi matutuwa kung ang pakakasalan nito ay ang unica ija ng isa sa pinakamayamang negosyante sa kanilang lugar na may multi trillion net worth. Mayamang mayaman talaga ang kanilang angkan idagdag pa na isa rin sya sa nag-iisang tagapagmana ng mommy nyang may malaking property.
Palapit na sya sa kanyang Daddy na napakasaya ng mukha. Inilahad nito ang braso para kapitan nya. Kahit subrang kinakabahan ay naihakbang parin nya ang mga paa na may apat na pulgadang suot na wedding sandal. Huminga sya ng malalim para maalis ang kaba.
"Anak napakaganda mo. Para kayong pinagbiyak na bunga ng mommy mo sa subrang pagkakahawig ninyo noong kabataan pa nya," wika nito. May kislap ang mga mata nito sa kabila ng mga ngiti sa labi. She painted a smile despite of the high emotions running on her system. Habang papalapit ng papalit ang distansya nya sa lalaking pakakasalan ay lalong lumalakas ang t***k ng puso nya. Tama ba ang gagawin nya?
Sa kanyang mapupungay na mata ay kita nya sa malayo ang isang lalaking makisig ang tindig, nakatalikod ito ng bahagya kaya hindi nya maaninag ang mukha.
"Anak, hindi ka magsisisi sa desisyon mong pakasalan si David. David is a good person and I believe he is a family oriented man. Hindi ka nya pababayaan," patuloy na wika nito habang naglalakad sila palapit sa kanyang groom. Parang hinahalukay ang kanyang sikmura sa subrang kaba at may lumilipad na paroparo sa kanyang tiyan.
"Dad, do you think handa na ako? Para akong hihimatayin sa kaba dad," bulong nya. Ngumiti lang ang ama at pinisil ng bahagya ang kanyang kanang kamay.
"Of course you can Alexis, you can do this. Huwag mo akong bibiguin anak," masuyo nitong wika. Wala naman na syang choice. Kailangan nyang tatagan ang loob. Wala ng atrasan kumbaga.
Habang papalapit sya ng papalapit ay mas nababanaag nya ang kagwapuhan nito at ganoon na lang ang doblemg kabang nararamdaman nya ng makita ang kabuaan ng mukha nito.
'Oh my god! Holy s**t! What a demi god good looking man!' hindi nya naiwasang sambit sa isip sa subrang kagwapuhan ng taong kanyang pakakasalan. Kulang ang salitang makalaglag panty dahil talagang mapupunit ang panty nya sa taglay na kagwapuhan at lakas ng appeal ng lalaking nasa harapan na nya. Para naman itong nakakita ng multo nang mabistahan sya. Napansin nyang napanganga ito at namutla. Natanong tuloy nya sa sarili na baka hindi ito nagagandahan at natakot sa kanya. Inilahad na ng ama ang kanyang kamay para tanggapin nito pero hindi ito agad nakakilos. Saka pa lamang nito tinanggap ang kamay nya nang magsalita ang kanyang ama at kunin ang atensyon nito.
Kinuha nya ang kamay ng dalaga at bahagyang pinisil na nagdulot ng bolta- boltaheng kuryente sa sistema ni Alexis. Napaigtad sya kaya naman napatitig ang mukha nito sa kanya. Napako ang tinginan nila sa isa't isa.
"Ehem, mamaya na kayo magtitigan kapag tapos na ang seremonya," agaw pansin ng pare sa kanilang malagkit na titigan. Napatawa tuloy ang mga tao sa paligid dahil sa sinabi ng pare.
Bigla nyang binawi ang titig at nagfocus sa harap ng pare na nagkakasal sa kanila. Ang kaninang subrang kaba nya ay lalo atang dumoble ngayon lalo na nang hawakan nito ang kamay nya at bahagyang pinisil. Pati ang kanyang hiyas ay kumikibot dahil sa subrang atraksiyon na nararamdaman nya sa mapapangasawa.