Nang mahihimatay na at matutumba si Amanda ay agad na tumakbo ang isang guwardya at sinalo ang dalaga. "Ma'am, okay lang po ba kayo? Gumising po kayo?" tanong ng nag-aalalang gwardya. Binuhat ito ng gwardya at dadalhin sana sa isang facility. Nang biglang makita at napansin ni Andrew ang isang gwardya na maybuhat na dalaga, kung kaya tinungo n'ya agad 'to at sinabing, "Girl friend ko siya, I will take care of here," wika ng binata, binuhat nito ang dalaga at isinakay sa kanyang sasakyan. "Doc, ano pong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Jessica, habang nakatingin sa kaibigan. "Nahimatay siya muli, baka dahil sa stress, hindi maganda kapag laging naii-stress ang mga buntis kasi nakakaapekto rin ito sa kanyang sinapupunan at maaring humina ang kapit ng bata," wika ni Andrew na halata sa

