Pagkatapos kumain ni Amanda at Andrew sa restaurant ay inalalayan ito ng binata sa paglabas at pinagbuksan ng pintuan ng kanyang sasakyan. Inihatid muna ng binata ang dalaga sa kanyang tinutuluyan. Nang makarating na ito ay pinagbuksan na naman ng binata ang pintuan ng sa sakyan para dalaga at hinawakan ang kamay nito. "Hindi mo naman kailangan pang gawin ito sa 'kin, kaya ko naman ang sarili ko," wika ng dalaga. "Amanda, masanay ka na dahil paulit-ulit kong gagawin sa 'yo. Lalo na ngayon ilang buwan nalang mahihirapan ka na sa paglalakad at lalaki na ang tiyan mo. Kaya dapat lagi akong nasa tabi mo para maalagaan kita," paalala ng binata ng may ngiti sa labi. Ngumiti lamang ang dalaga at sinabing, "Salamat, Andrew." "Hindi mo kailangang magpasalamat, dahil ginagawa ko ito dahil gust

