Kinabukasan ay pinaayos na agad ni Bryan ang papeles sa hospital upang makalabas na ang kanyang Kuya. Naunang lumabas ng Hospital si Bryan at sumakay ng sasakyan habang nakasunod si Richard. Nang nakasakay na si Richard ay pinaandar na ni Bryan ang sasakyan. Pagdating nila ng bahay ay walang imik si Bryan. "Hey, can we talk?" tanong ni Richard. "Kung pag-uusapan lang natin si Amanda, huwag nalang kuya. kung ipapahanap mo pa rin siya sa 'kin. Im sorry, Kuya. Pero ayoko na. Ayokong nakikita kang nahihirapan dahil sa kanya. Sa taong wala namang kasiguraduhan. Habang ikaw nagpapakahirap na hanapin siya. Siya kaya? Iniisip ka ba niya? May pakialam ba siya sa 'yo? Kuya, sorry kung nasasabi ko 'to, pero kasi sobra na. Kung tutuusin wala ka namang pakialam sa kanya at wala kang pinanghahawakan

