HABANG nakatingin sina Amanda at Andrew sa bagong silang na sanggol ay napaluha ang dalaga. 'Diyos ko, sign na ba 'to? Para huwag akong magpakasal kay Andrew. Paano ba kita makakalimutan Richard? Kung sa tuwing titingnan ko 'tong anak natin ikaw ang nakikita ko," saad ni Amanda sa kanyang isipan. "Amanda, ililipat ka na ng ibang silid para makapag pahinga ka na. Ibigay mo na muna ang bata sa nurse. Huwag kang mag-alala dahil isusunod rin namin ang bata sa 'yong silid," wika ni Dra. Tolentino. Ibinigay naman ni Amanda ang sanggol sa isang nurse at inilipat na rin ng silid si Amanda upang makapag pahinga na 'to. Nakasunod lamang si Andrew. "Are you okay? May masakit ba sa 'yo? nag-aalalang tanong ng binata. "Andrew, naguguluhan kasi ako, kailangan ko ba talagang magpakasal sa 'yo? Pwede

