Pagkapasok ni Amanda ng boarding house ay agad itong isinarado at ini-lock ang pintuan dahil samo't saring kaba ang nararamdaman niya.
''Ano pa bang kailangan sa akin ni Richard? Gayong ibinigay ko naman ang gusto niya kapalit ng dalawang milyong halaga. Ang nakakapagtaka. Paano niya nalaman itong address ng bahay ko? Eh' wala namang nakakaalam kung saan ako nakatira," sunod-sunod niyang naitanong sa kanyang isipan.
Naglakad ito sa kusina upang kumuha ng maiinum na tubig, saka napabuntong hininga pagkatapos.
"Hayst! ano pa bang kailangan sa akin ni Richard? Hindi kaya nais nyang bawiin ang dalawang milyong piso? O baka may maitim siyang balak sa akin? Ano ba itong mga iniisip ko? Nasisiraan na yata ako ng bait,'' nahintakutan niyang sabi at kinakausap ang sarili.
''ano nalang kaya, kung mag impake na ako ngayon? Dapat makatakas na ako sa kanya...pero, saan naman ako pupunta? Isa pa isang semester nalang makakapagtapos na ako ng pag-aaral, ngunit paano kung matagpuan niya ako?" naiiyak niyang patuloy. Iniisip mabuti kung ano bang dapat niyang gawin?
SAMANTALANG si Richard ay katatapos lamang mag shower at kalalabas ng banyo ng may biglang kumatok sa pintuan ng kanyang silid. Si Bryan ito na nakangiti aso siyang tinignan.
"Guess what, Kuya?'' nakangising anito.
"What?" kunot-noong tanong niya.
"Well,'' pambibiting sabi ni Bryan. Naupo ito sa sofa at dumekwatro. ''I already found her," nakangising dugtong nito at muling nagpatuloy.
''nakita ko na ang babaeng gusto mong makita. Napakaganda pala niya, matangkad, makinis, matangos ang ilong, at ang mukha niya na hindi mo pagsasawaang titigan," wikang patuloy niya na may halong pangaasar.
Nagtagis ang pangang hinakbangan ni Richard ang kapatid at galit itong tinitigan. "Pinagnanasaan mo ba si Amanda?" galit ang boses niyang kompronta.
Ngunit, tumawa si Bryan at naiiling sa kanyang inasta.
"Kuya, ano kaba? Relax kalang.... Kapatid mo ako at hindi ko ugali ang mangagaw ng kay Juan," tawang sagot nito.
Sumimangot ang mukhang inilayo ni Richard ang kanyang sarili sa kapatid at tinalikuran ito.
"I know, pero alam ko na chickboy ka Bryan," makahulugang sagot niya.
Humagalpak ng tawa si Byran sa kanyang sinabi.
"Kuya, sinasabi ko lamang ang mga nakikita ng mga mata ko at base sa reaction ni Amanda kanina ng binanggit ko ang pangalan mo. Parang sinisilihan ang pwet nya na hindi mapakali at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Parang ang weird nya...'' nakangiting pambibitin nito.
"Nakakapag taka lang talaga? Bakit ganyan ang reaction niyong dalawa? Dont tell me bro? May nanyari na sa inyong dalawa, tama ba ako?" sunod-sunod nitong tanong na ikina-iwas niya.
Hindi siya makatingin ng deretso sa mukha ni Bryan dahil sa mga sinabi nito.
"Wala kana doon bro. Ang importante gawin mo ang pinag-uutos ko," wika na lamang ni Richard.
"What should i do? Kung ayaw nya. Pakiramdam ko parang may kinatatakutan at umiiwas yata," wika ni Bryan.
"Give me the address at ako mismo ang pupunta sa kanya," diretsahang sagot agad ni Richard.
"Ewan ko na lamang kung hindi ko pa siya mapapapayag," wika ulit ni Richard ng seryoso ang mukha.
"Hey bro. Are you inlove?" Seryosong tanong ni Bryan.
"I dont know bro, pero gusto ko siyang makausap at mas makilala pa," sagot naman ni Richard.
"Well good luck. Sana makuha mong gusto mo," saad ni Bryan.
Pagkatapos sabihin ni Bryan yo'n ay lumabas na ito ng pinto.
Walang sinayang na sandali si Richard at nagmadali itong nagbihis at lumabas ng bahay.
At dali daling sumakay ng sasakyan at pinaharurot.
Habang binabaybay nya ang daan ay napapa isip siya, ano ngaba ang sasabihin ko sa kanya? Paano ko ba siya mapapapayag? Paano pag sabihin nyang ayaw nya? At paano pag nagkita kami ay hindi ko mapigilang angkinin siya muli?" sunod-sunod na mga tanong ni Richard na naguguluha.
"Anu bang nanyayare sa 'kin? Parang may kakaiba. Magmula ng may nanyari sa amin," wika ulit ni Richard habang nag mamaneho.
"I think kailangan ko ng mag impake.
Mahirap na baka maabutan ako ni Richard dito, isa pa ba ka mamaya pag mag kita kami hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Mabuti ng umiwas at pigilan ang nararamdaman, kaysa naman masaktan ako sa dulo at umasa sa wala. Ako lang rin naman ang talo sa huli," wika ni Amanda sa kanyang isipan habang inaayos ang mga damit.
Inilagay sa malita ang lahat ng damit nya. Nagmamadaling naglakad at lumabas bahay.
"Bahala na kung saan ako mapadpad. Importante makalayo ako at makaalis dito," wika ni Amanda sa kanyang isipan at saktong may taxi na huminto sa kanyang harapan.
Agad siyang sumakay dito at pina buhat sa driver ang malita nyang dala. Nang nailagay na sa loob ng sasakyan ang malita at nakasakay narin ang driver sa loob ay nag drive na ito papalayo ng bahay ni Amanda. palinga linga si Amanda sa labas ng sasakyan pati sa likuran. At ng nakalayo na sila ay saka lamang naka hinga ng maluwag si Amanda.
Sana hindi na muna tayo magkita pa Richard. Masaya ako na nakilala kita, at tatanawin kong utang na loob ang
ibigay mo sa akin na dalawang milyong piso. Wagkang mag-alala kapag nakatapos na akong mag-aral. Babayaran ko rin ito at ibabalik ng buo. Sana pag nagkita tayo makilala mo parin ako. At hindi na akong takot na harapin ka, isang semester nalang tapos na ako sa aking pag-aaral at makakapag abroad na ako. pinapangako ko na magbabagong buhay na rin ako," wika ni Amanda sa kanyang isipan.
"Ma'am, saan po tayo pupunta?" tanong ng driver.
"Manong may alam po ba kayong mauupahang bahay? Kahit yo'ng maliit na space lang po." tanong din Amanda.
Kung pwedi po, malapit po sana sa Unibersidad ng Pilipinas, doon po kasi ako nag-aaral at isang semester nalang po matatapos na ako," sunod na wika ni Amanda.
"Aba, Ma'am. Malapit lang po ang bahay namin doon." wika ng driver.
"Talaga po?" Hindi makapaniwalang wika ni Amanda na may ngito sa labi.
"Oo, ang totoo pauwi na ako ngayon." sagot naman ni manong driver.
"Mabuti pa sa bahay ka nalang namin tumuloy sa ngayon. Kasi madilim na at mahirap ng mag isa sa daan lalo ka na at babae ka," wika ng driver ng may pag-alala kay Amanda.
"Sige po." sagot agad ni Amanda.
Samantalang pagkarating ni Richard sa ibinigay na address ni Bryan ay halong kaba at excitement ang nararamdam nya.
Dahil makikita na nito ulit, ang mukha na hindi n'ya pagsasawaang titigan at kaba dahil no'ng huli usap at kita nila ay sinabihan siya nito ng hindi maganda at hindi nya matanggap na salita at wala manlang siyang binitiwang salita kundi ang ikuyom ang kanyang kamao.
Dahil hindi rin niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin sa kay Amanda? Gayong alam niya na may nagawa siyang kasalanan dito," wika nito sa kanyang isipan.
Nag- tao po muna siya sa labas ng bahay, ngunit walang tao na sumasagot. ngunit nakabukas ang ilaw.
Pumasok si Richard sa loob ng bahay, pagkapasok nito ay may nakita siyang kapirasong papel na may kalakip na halaga. Binasa agad iyon ni Richard.
At ang naka saad sa sulat ay.
Ito na po ang bayad ko po ng tatlong buwan ngunit ginawa ko na pong limang buwan. Dahil may natanggap po akong malaking halaga, maraming salamat po sa pagpapatira sa akin. Kahit hindi nyo po ako kilala. Huwag nyo na po akong subukan pang hanapin. Nasa maayos po akong kalagayan, maraming salamat po sa lahat.
"Love , Amanda."
Naikuyom ko nanaman ni Richard ang kanyang kamao sa pangalawang pag kakataon.
Huminga ito ng malalamin at sinabi sa kanyang sarili. Kahit na anong pilit mong tago Amanda, mahahanap at mahahanap pa rin kita. Kapag natagpuan na kita wala ka nang kawala," wika nito sa kanyang isipan.