HABANG binabaybay namin ang daan patungon sa bahay ni manong driver ay palinga-linga ako sa labas ng bintana hanggang sa matanaw ko ang University na pinapasukan ko, mabuti na lamang at malapit ako sa University na pinapasukan ko atleast hindi na ako mahihirapan pa," wika ni Amanda sa kanyang isipan.
Hanggang sa pumasok ang sasakyan sa isang eskinita at lumiko ng bahagyan.
Huminto ang sasakyan at bumababa si manong driver, binuksan din nito ang pinto ng sasakyan at bumaba si Amanda.
Nabungaran nito ang isang apartment na up and down na may pinturang kulay dilaw.
"Mahal! Sino ba iyang kasama mo na napaka gandang dilag?" tanong ng matandang babae.
Na nasa hinuha ni Amanda ay nasa anim napung taong gulang pa lamang.
Nilapitan ni Amanda ang matandang babae at nagmano.
"Magandang gabi po," bati ni Amanada ng may ngiti sa labi.
"Abay, hija. Baka pag kaguluhan ka ng mga nangungupahan kong mga lalaki dito sa apartment. kapag nakita ka," wika ng matandang babae na may ngiti sa labi.
Napangiti si Amanda dahil sa sinabi ng matanda at sinabing.
"Hindi naman po siguro," sagot ni Amanda ng may ngiti sa labi.
"Ano nga palang pangalan mo, hija?" tanong ni manong driver.
"Ako ngapo pala si--, nag-isip muna si Amanda kung sasabihin ba nito ang totoong pangalan? Gayong alam niyang may pinagtataguan ito.
Kung kaya pinalitan na lamang nya ang kanyang pangalan.
"Tawagin nyo na lamang po akong Tisay. Yo'n po ang palayaw ko," wika ni Amanda ng pilit ang ngiti.
"Aba'y! bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo. Tisay," wika ng matandang babae napapangiti.
"Salamat po," wika na lamang ni Amanda.
"Mabuti pa, Tisay. Pumasok na tayo sa loob, gabi na. At ng makakain na rin tayo," wika ng manong diver.
"Ay salamat po, ang totoo nagugutom na po ako." wika ni Amanda.
Pagkapasok nila ng bahay ay tinulungan niya ang matandang babae sa kusina na maghanda ng pagkain.
Nang naka handa na ang lahat ay umupo na rin ito at sabay sabay na silang kumain.
Habang sila ay kumakain ay nag tanong si manong driver.
"Ikaw ba'y Tisay may jowa na?"
Biglang napatigil si Amanda ng pagsubo ng marinig ang sinabi ng matanda.
"Po?" wala po. Wala po akong kasintahan," pagtanggi wika ni Amanda ng may kirot sa puso at biglang na-alala si Richard.
"Hija, ano bang pinag-aaralan mo?" tanong ng matandang babae.
"Last semester nalang po matatapos napo ako sa kursong. Bachelor of Science in Business Administration and Accountancy po," sagot ni Amanda.
"Aba! mukhang makakatapos kana pala ng pag-aaral." wika ng matadang babae.
"Sana ngapo at ng makapag hanap narin po ako ng magandang trabaho at kung hindi naman po makapag abroad na rin po ako." saad ni Amanda.
"kapag nakatapos kana sa pag-aaral mo Tisay may kakilala kaming hiring sa ibang bansa sa Taiwan. Dati rin syang na ngu-ngupahan dito." wika ng matandang babae.
"Po?" Oo, Tisay. Factory worker. Atleast doon hindi ka kasambahay at madali ka lamang makaipon pera.
"Parang gusto ko po iyon ah!" wika ni Amanda ng may ngiti sa labi at na ii-excite habang napapaisip na makakatakas na talaga ako kay Richard.
Pagkatapos nilang kumain ay nag presinta si Amanda na maghugas ng plato, pagkatapos maghugas ng plato ay
Sinamahan ito matandang babae sa kanyang silid.
"Hija, pagpasinsyahan muna itong silid mo. huwag kang mag-alala dahil bukas na bukas rin ay ipapakita ko sayo iyong apartment doon sa likod." salaysay ng matandang babae.
"Salamat po ng marami," wika ni Amanda.
Kinabukasan ay maaga itong nagising at tinulungang mag-luto ng almusal ang matandang babae.
Nang matapos na silang mag-luto ay ipinakita nito ng matandang babae ang apartment na uupahan nito.
Nasilayan ni Amanda sa loob ang isang kwarto, isang banyo, maliit na kusina at masasabi niya na tama lamang ito para sa kanya.Isa pa hindi rin naman siya magtatagal dito dipende nalang kung makahanap agad ng magandang trabaho pagkatapos nitong mag-aral." wiika nito sa kanyang sarili.
Inilipat ni Amanda ang kanyang mga gamit sa uupahang apartment. Pagkatapos ay naligo ito agad dahil papasok pa ito.
Pagkatapos niyang maligo at nakabihis na ito ay dali-daling lumabas ng bahay. Sakto na paalis na si manong driver.
"Tisay, Sumabay kana sa akin at paalis na rin ako." wika ni manong.
"Po? huwag na po, kaya ko naman pong lakarin isa pa po malapit lang po," wika ni Amanda sa manong driver at nag lakad ng mabilis.
Nang makarating ako sa Unibersidad na pinapasukan ko ay nag-tataka ito at na-papaisip. Bakit, tila nag-kalat ang mga gwardya ngayon? Nakasuot ng black coat at may isa na naka pwesto sa labas ng gate, meron rin sa loob at nag mamasid, meron din sa second floor ng building at kung saan-saang parti ng unebersidad. wika ni Amanda sa kanyang isipan at nagpatuloy ito sa pag lalakad.
Hanggang sa nakita nya si Bryan Avelino.
"Si Brya ba iyon? baka naman namamalik mata lang ako." wika nito ng kanyang isip ng may pag-tataka sa kanyang mukha.
"Ano kayang ginagawa nya dito? tanong ni Amanda sa kanyang isip.
"Nako po! Hindi kaya hinahanap ako nito?" tanong ulit ni Amanda sa kanyang isipan.
Kung kaya nag-suot siya agad ng jacket na may hood at pasimple na naglakad patungo sa isang silid. Habang nakatingin ito kay Bryan na nakatalikod at may kausap sa cell phone.
"Yes kuya, andito ako sa isang Unibersidad," huwag kang mag-alala, hahanapin ko siya kahit saan siya
mag-punta susundan ko.
"Don't stress your self. Maaga kang tatanda niyan," wika ni Bryan habang tumatawa.
"Bakit ka tumatawa, Bryan? May nakakatawa ba?
"No, Kuya. Im just curious. Parang may dapat ba akong malaman about sa inyo ni Amanda?" sagot ni Byran.
"Pwedi ba, Bryan, Gawin mo ang trabaho mo. Binabayaran kita para gawin ang trabaho mo.
Malilintikan ka talaga sa akin kapag hindi mo nahanap si Amanda!" pagbabantang wika ni Richard sa kabilang linya ng may halong pabulyaw.
"Hey, kuya.Ginagawa ko ang pinag-uutos mo at hindi mo ako kailangang sigawan.
"Kasalanan ko ba? kung pinagtataguan ko ni Amanda Lopez. At isa pa, mahirap hanapin ang nagtatago.
"Bakit ba kasi tinataguan ka? Ng babae na iyon." tanong ni Bryan.
"Wag kanang mag-tanong! At gawin mo nalang ang trabaho mo! Pagkasabi ni Richard noon ay nawala na ito sa kabilang linya.
Huminga na lamang ng malalim si Bryan at nasabi sa sariling.
"Grabi! Tinamaan talaga si kuya. Pati ako na nanahimik nadadamay na.
"Teka lang, bakit ngaba nag-tatago si Amanda Lopez? Mag-tago kang mabuti Amanda at kapag nakita kita i-uuwi na kita ng bahay namin. At mag-handa ka. Dahil parurusahan ka ng matindi ng magaling kong kuya," wika ni Bryan sa kanyang isip. Habang napapa-ngiti.