Pagkapasok ni Amanda sa kanyang silid ay agad itong nagtungo sa loob ng CR. upang magtago. Nang bigla siyang makita at lapitan ng isang guro.
"Miss Lopez, why are you here?" This is not your room. Go back to your room," utos nito sa dalaga.
"Im sorry, Ma'am, lalabas na po," sagot naman ni Amanda at lumabas na agad ito ng silid.
Paglabas n'ya ng silid ay isinuot nito muli ang kanyang hood at jacket. Palinga-linga rin itongtumitingin sa paligid.
'Dead, ano bang ginagawa ko? Para akong kawatan dito na nagtatago, wala naman ako kasalanan. Ngunit kailangan ko itong gawin para hindi na umasa sa wala at masaktan sa huli," wika ni Amanda sa kanyang isipan.
Naglakad ito ng mabilisan lamang na halos patakbong ang lakad nito. At dumiretso s'ya sa kanyang classroom. Nang makarating siya ay pinatitinginan ito ng kanyang mga classmate hanggang sa may nakapansin sa kanyang kamag-aral.
"Amanda, ano 'yang itsura mo? Humahangos ka na pinagpapawisan. Tapos naka-jacket ka pa at nakasuot ng hood sa ulo mo.
"Ano'ng meron? May pinagatataguan ka ba? Ang init kaya," mga sunod-sunod na tanong ng classmate ni Amanda sa kanya.
"Ahm, wala trip ko lamang magsuot ng jacket," sagot na lamang ni Amanda.
"Lakas ng trip mo ah?" wika ng classmate ni Amanda habang tumatawa ng nakakaloko.
Bigla itong napaisip. 'Paano nalang pala. Kung pasukin lahat ni Bryan ang mga classroom?
'Patay, saan ako magtatago? Ano ba ito? pati pag-aaral ko naaapektuhan na. Ano kayang dapat kung umuwi na pala ako at bumalik ng bahay. Hindi rin ako mapapalagay rito. Lalo na't alam ko na anytime papasok si Bryan dito sa class room. Makauwi na nga lang," wika nito sa kanyang isipan at dinampot n'ya muli ang kanyang bag sa upuan at muling nilagay sa kanyang balikat.
Nang biglang magsalita ang ang guro.
"Amanda, saan ka na naman ba pupunta? Hindi ba't kakapasok mo lamang ng silid?" tanong nito sa kanya.
"Ma'am, pasinsya na po may emergency po kasi, kailangan ko na pong umalis. Huwag po kayong mag-alala, Ma'am. Papasok po ako bukas. Emergency lang po kasi ito.
Hindi na inantay ni Amanda ang sasabihin ng guro at agad na itong tumakbo palabas ng class room at nagsuot muli ng hood.
Binilang nito ang mga gwardiya na nakasuot ng black coat at kasama na roon si Bryan at lima silang lahat, may kanya-kanyang puwesto sila at inililibot ang tingin sa kung saan-saan.
Nakita n'ya si Bryan na may kina-kausap na studyante.
Kung kaya pasimple itong dahan-dahang naglakad sa likod ng binata at hindi nagpahalata.
Nakalabas si Amanda ng gate nang unibersidad at medyo nakaka-layo na siya nang biglang may tumawag sa kanya.
"Miss! Miss!" sigaw ng lalaki na nasa kanyang likuran.
Hindi siya lumingon bagkus ay binilas pa nya lalong naglakad at tumakbo ito ng matulin.
'Diyos ko, Malapit na ako sa bahay. Kailangan ko pang bilisan," wika niya sa kanyang isipan habang humahangos.
"Amanda, bakit ka tumatakbo?" humahangos na wika ni manong ng may pagtataka sa mukha.
"Manong, kayo po pala. Paki-usap po, kapag may nagtanong po sa inyo na naka black coat ang suot at marami po sila na hinahanap ako, basta babae po ang hinahanap pakisabi po wala kayong nakita," paki-usap ni Amanda kay Manong
"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ni manong.
"Please po, Manong. Pagmamakaawa ni Amanda na bakas sa mukha ang pag-aalala.
"Sige, hija," wika na lamang ni Manong.
Kung kaya naginhawan si Amanda sa sinabi ni manong na pumasok na agad ito sa loob ng bahay nila.
Mayamaya ay may nakita si manong mga lalaki naka-block coat ang suot at nilapitan siya.
"Manong, may nakita po ba kayong Babae? Amanda po ang pangalan nya," tanong ni Byran habang humahangos ito.
"Babae? Amanda ang pangalan?" pagkukunwaring maang na sagot ni manong.
"Opo, mahaba ang buhok matangos ang ilong maganda ang hubog ng katawan, matangkad, maputi, maganda, at studyante po siya," paglalarawan ni Bryan.
"Pasinsya na, Sir, wala po akong napansin," pagsisinungaling ni manong at pumasok na ito sa loob ng bahay nila.
Nang biglang tumunog ang cellphone ni Bryan. Kung kaya sinagot nya ito kaagad.
"Hello, Kuya," bungad na wika ni Bryan.
"Did you see him?" tanong agad ni Richard sa kabilang linya.
"Yes, kuya, kaso lang nawala siya na parang bula.
"What?" Ano'ng nawala na parang bula? Bryan, talasan mong mabuti ang mga mata nyo nadyan lang yan.
Kung kinakailangang isa-isahin ang mga bahay dyan gawin nyo!" utos ni Richard ng pabulyaw sa kabilang linya.
"Huwag kayong uuwi ng hindi nyo kasama si Amanda!" galit na wika ni Richard.
"Yes, kuya," wika na lamang ni Bryan habang nakasimangot. At pinatayan ng cellphone ang kausap.
"Bwisit! Mukhang dito pa yata ako matutulog sa lansangan ngayon.
Asaan ka ba kasing Amanda Lopez ka?
Pati ako napapahamak dahil sa 'yo," inis pa na wika nito sa kanyang isipan.
SAMANTALANG pinuntahan ni manong driver at manang si Amanda kanyang apartment at kina-usap ito.
"Tisay, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Manong sa dalaga.
"Opo, pasok po kayo," sagot naman ni Amanda.
"Hija, hindi naman sa nakikialam kami. Ngunit nagtataka lamang kami, at nag-aalala sa 'yo. Sino ba ang mga lalaki na 'yon? Tisay nga ba ang panagalan mo?" seryosong tanong ni Manong kay Amanda habang nakatingin sa maga mata nito.
"Patawad po, manang, manong. Kung nagsinungaling po ako. Amanda Lopez po ang tunay kung pangalan," pagsasabi ng totoo ng dalaga at nahihiya ito. Hindi rin ito makatingin sa mga mata ng matanda.
"Sino ang mga lalaki na iyon, hija? Ano ang kailangan nila sa iyo?" mga sunod-sunod na tanong ni manong at may pag-aalala sa tinig nito.
Napaiyak si Amanda habang sinasabi ang katutuhanan.
"Manong, Manang, wag nyo po sana akong husgahan," wika ni Amanda na lumuluha ang mga mata.
"Si Bryan po ang naka-usap nyo. Kapatid po ni Richard Avelino. Si Richard Avelino siya po ang nagpapahanap sa akin. At may-nanyari po sa amin sa hotel," pikit matang sambit ni Amanda, habang tumutulo ang luha nito.
"Hija, 'wag kanang umiyak at 'wag kang mag-alala dahil hindk ka namin huhugashan, wika ni manang.
"Bakit ka nila hinahanap?" maang na tanong ni manong.
"Ang totoo nagkita na po kami ni Richard before. At sinabi ko po na wala naman na kaming dapat pang pag-usapan pa at kalimutan nalang kung ano man namagitan sa amin," paliwanag ni Amanda.
"Kung gano'n, hija. Ano pabang kailangan nya sa 'yo?" tanong ni manang.
"Hindi ko po alam, hindi po kaya, dahil sa malaking halaga na binigay n'ya sa akin. Kapalit po ni puri ko," sagot ni Amanda.
"Hija, mabuti pa harapin mo sila at lalo na si Richard upang malaman mo ang kasagutan diyan sa mga tanong mo," payo ng matangdang babae.
"Ngunit ayoko na pong makita siya bagkus nais ko na lamang na kalimutan ang lahat. Ayoko ko pong umasa sa wala at masaktan po ako sa huli, tama na po ang minsang pagkakamali," wika naman ni Amanda na may kirot sa puso.
"Hija," wika ng matandang babae at nilapitan nito ang dalaga at hinagkan. Habang hinahaplos ang likod ni Amanda.
'Tama lang na sa una palang patayin ko na puso ko at 'wag ng umasa pa, kaysa naman sa dulo ako ang talo," wika ni Amanda sa kanyang isipan habang tumatangis.