Kabanat Ika-Lima

1174 Words
Pagkatapos makapag-usap nila Richard at Bryan sa cellphone ay kina-usap ni Bryan ang mga kasama nitong alipores at sinabi n'yang, "Hindi tayo mkaka-uwi! Hanggang hindi natin nakikita si Amanda Lopez. Kung kina-kailangan na isa-isahin ang lahat ng bahay na narito, ay gagawin natin. Hahatiin natn sa dalawang pangkat ang grupo natin doon kayo sa kanan at dito kami sa kaliwa. Inuulit ko.Hindi tayo makakauwi, kung hindi natin kasama si Amanda Lopez. Kaya kailangan nyong talasang mabuti ang mga mata nyo," wika ni Bryan ng pabulyaw. "Yes, Boss!" sagot ng mga alipores ni Bryan. At nagsikilos na ang mga ito. "Bwisit!' Ayokong makatulog dito sa lansangan," naiinis pa na wika ni Bryan. 'Dito ko nakita na tumatakbo si Amanda kanina. Hindi kaya isa sa mga bahay na ito siya nakatira? Ano panga bang ginagawa ko? Dapat bago mag-dilim mahanap ko na si Amanda, dahil kung hindi. Malalagot na naman ako sa kuya ko," saad ni Bryan sa kanyang isipan. Inumpisan na nga ni Bryan ang paghahanap mula sa pinaka unang bahay. At nagtanong. Sa isa sa mga bahay. Maynakita siyang babae na may edad na, kung kaya nilapitan nya ito at tinanong. "Magandang umaga po. Magtatanong lang po, may bagong lipat po ba dito na babae? Amanda Lopez, po ang pangalang nya. Matangka, mahaba ang buhok, matangos ang ilong, at sexy po," tanong nito. "Wala, hijo. Bagong lipat lang rin ako dito," sagot ng may edad na babae. "Ay gano'n po ba? Sige po salamat po," wika naman ni Bryan at naglakad na ito palayo. Pangalawanng bahay. "Tok! Tok! Katok ni Bryan sa pintuan. "Ano po iyon?" tanong naman ng isang babae na nasa hinuha n'ya ay kasing edad ni Amanda. "Magtatanong lang po sana may bagong lipat po ba dito na babae? Amanda Lopez po ang pangalan nya. Baka naman may napansin ka?" tanong muli ng binata. "Ay wala po," sagot nito at sinarado agad ang pintuan. "Hay, grabi naman. Sinaraduhan ako agad ng pinto. Mukha ba akong masamang tao?" naiiniis na taonong ni Bryan sa kanyang isipan at naglakad na ito papalayo sa bahay. Pangatlong bahay. Up and Down at kulay puti ang pintura. "Sana naman may makuha na akong impormasyon dito," wika ni Bryan. "Tao po?" wika ni Bryan. "Mukha yatang walang tao dito ah?" Naglakad si Bryan sa harap ng bahay at nag sisigaw ng, Tao po! Tao po! May tao po ba? Nagising ang dalaga sa ingay ng nagtatao po sa labas. "Hay, ano ba? Ang ingay naman Oh?" Bwisit! Storbo naman itong lalaki na ito," naiinis na saad ni Mia. Bumangon siya sa pagkakahiga sa kama at kumuha ng isang basong tubig. "Bwisit kang lalaki ka ha?Nambubulabog ka. Ewan ko na lang kung mag-ngangawa ka pa. Pagkatapos kong ibuhos sa iyo itong tubig," wika ni Mia sa kanyang sarili. Naglakad ito patungo sa terrace at walang ano-anong binuhos nito ang tubig na nasa baso ko at sakto na ang lalaki ay nasa tapat niya at nasa ibaba kaya nabasa ang parteng balikat nito. "Sayang, hindi pa sa ulo natapunan," naiinis na wika ni Mia. Kitang-kita nito ang mukha ng lalaki na madilim at kunot ang noo. Habang naka tingin sa kanyan mula sa ibaba. "Hoy! Lalaki! Napaka ingay mo! Hindi mo ba alam, na may natutulog dito? Nag-nga-ngawa kadyan?" wika ni Mia na kuno't ang noo. "Ikaw na babae. Nanadya ka ba?" bulyaw ni Bryan sa babae. Paakyat na sana ito ng hagdan papuntang taas upang makita ng babaeng ang hinahanap nito. Nang biglang may lumapit sa kanyang isa sa mga alipores nito at sinabing, "Boss, may nakuha po akong impormasyon na maybagong lipat daw po na babae doon sa bahay na kulay dilaw ang pintura," wika ng alipores nito. "Pasalamat kang babae ka! At may dapat akong i-prioritize, dahil kung wala. Makakatikim ka talaga sa akin ng halik," bantang wika ni Bryan. "Tsee!" wika lamang ng dalaga at Dali-daling naglakad si Bryan patungo sa sinabing bahay. "Hay, sa wakas makaka-uwi na rin ako. Ayokong matulog dito sa lansangan," wika ni Bryan na parang nabunutan ng tinik at may ngiti sa labi. "Amanda, andyan na si Bryan. Harapin mo na lamang," wika ni manong. "Ayoko ko po, Manong," wika ni Amanda at tumakbo ito palabas ng bahay. "Amanda!" sigaw naman ni Manang. Ngunit tuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad. Na parang walang naririnig. Tumatakbo ito papalayo sa bahay na inuupahan n'ya. Ang nasa-isip na lamang ay ayaw niyang maabutan ni Bryan. At kailangan rin niunag makalayo agad. Nakakalayo na sana siya nang bigla n'yang narinig ang kanyang pangalan. "Amanda! Saan ka pupunta? May balak kapang tumakas ah?" wika ni Bryan ng pasigaw at dali-dali itong tumakabo ng matuli patungo kay Amanda. Nanlaki ang mga mata ng dalaga ng makita si Bryan na papalapit sa kanya. Kung kaya kahit alam n'ya na masasagasaan siya, kapag tumawid ito ay tumuloy pa rin ang dalaga. At ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata. "Bahala na," mahinang usal pa ng dalaga at naglakad ito sa pedestrian lane. Sport's car na kulay red, ang makakasagasa kay Amanda nang bigla itong huminto sa mismong harapan nya. Kunting-kunti nalang ay masasagsaan na ito. "Amanda!" malakas na wika ni manong at manang ng pasigaw. Habang si Bryan ay nagmamadaling tumakbo at hihilain sana si Amanda. Huminto si Amanda sa kanyang kinatatayuan at hinintay na masagasaan siya, ngunit puro busina ng sasakyan ang naririnig nito. Minulat niay ang kanyang mga mata ng dahan-dahan. Nang-tignan niya ang sasakyan sa kanyang harapan ay kunting-kunti nalang at masasagasaan na siya. Sa di-inaasahang pangyayari ay hindi siya nasagasaan. Kung kaya nakahinga ito ng maluwag. Hindi ko alam ni Amanda ang kanyang mararamdaman nang biglang may bumaba mula sa sasakyan na nasa kanyang harapan. Isang lalake na naka black coat at naka black pants, habang naka-suot ito ng shade's sa matan Nanlaki ang mga mata ni Amanda na hindi maka-alis sa kina-tatayuan niya. Nang bigla tinanggal ng lalaki ang suot nitong shade's sa kanyang mga mata. "Did you miss me, Amanda?" tanong pa ng lalaking papalapit sa kanya na abot tainga ang ngiti. "Ri-Richard?" nauutal na wika ni Amanda na may pagtataka sa mukha, habang kinakabahan na hindi alam ang gagawin. "Hay! Akala ko, mamatay na ako. Sakto ang dating mo kuya," wika ni Bryan ng hihiningal at nakahinga ng maluwag. "Sakay," utos ni Richard kay Amanda at pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. "Hindi, Ayoko! At lalong hindi ako sasakay dyan," pagmamatigas na wika ni Amanda. "Ayaw mo talagang sumakay ah?" wika ni Richard at binuhat nito si Amanda na parang isang sakong bigas. "Ibaba mo ako! Sabi ng ibaba mo ako eh! pagpupumiglas ni Amanda na nagsisigaw at pinag-papapalo ang likod ni Richard. "Hindi! madiin na wika ni Richard at ipinasok ang dalaga sa loob ng sasakyan. "Bryan! Drive the the car. And I keep my eyes on her," wika nito at kumuha ng posas at pinosasan ang kamay nya na isa at ang isa naman ay sa kamay ni Amanda. Habang tamatawa ng nakakaloko. 'Ano'ng gagawin ko?" tanong ni Amanda sa kanyang isip at nakakunot ang noo na nakatingin kay Richard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD