'Wala akong nagawa no'ng binuhat ako ni Richard na parang isang sakong bigas. Nilagyan din n'ya ng posas ang isang kamay ko. Na para bang wala akong kawala at masusundan nya ako, kahit saan ako pumunta. Kung kaya Kuno't noo ko ma lamang siyang tiningnan.
"Ano bang kailangan mo sa akin?"
Bakit kailangan mo pang lagyan ng posas ang mga kamay ko? Ano bang tingin mo sa akin? Kriminal ba ako?
Bakit kailangan mo pa itong gawin?
Richard, pwede ba. Itigil mo na ang kahibangan na ito at baba ako ng sasakayan. Byran, ihinto mo ang sasakyan at baba ako," utos nito sa kapatid ni Richard.
"No!" pagmamatigas na wika ni Richard habang naka kunot ang noo nito at nakatingin kay Amanda.
"Ano pabang gusto mo? Wala naman tayong dapat pang pag-usapan ah? At isa pa matagal na tayong tapos," sunod-sunod na tanong ni Amanda.
"No! Hindi pa tayo tapos at may dapat pa tayong pag-usapan. At ako ang mag sasabi kung kailan tayo matatapos," sagot ni Richard habang titig na titig sa mukha ni Amanda.
"Mag- uusap lang pala tayo! Bakit kailangan mo pa akong lagyan ng posas? Tanggalin mo ito?" utos pa ni Amanda.
"Hindi ayoko," pagmamatigas ni Richard.
"Bakit, hindi?" tanong ni Amanda.
"Dahil tatakasan mo na naman ako, mas magandang sigurado," saad ni Richard.
"Nababaliw ka na ba?" singhal ni Amanda sa binata at kita sa mukha nito na galit na siya.
"Oo nababaliw na ako. Dahil sa iyo! At mas lalong nababaliw na ako kakahanap sa 'yo!" sagot ni Richard na seryoso ang mukha.
Napatingin si Amansa sa mga mata ni Richard na parang nagtatanong. Dahil sa mga sinabi nito.
'Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko? Kung matutuwa ba ako? Dahil nakakaramdam ako na may puwang na rin ako sa puso nya. Ngunit, ka akibat no'n alam ko na isa lamang ako sa mga babaeng na ikama nya. Kung kaya nakaramdam ako ng kirot sa puso ko," saad ni Amanda sa kanyang isipan.
At itinatak nito sa kanyang isipan na 'wag umasa sa wala Amanda, dahil ikaw ang talo sa huli. Imbes na matuwa siya ay sinabihan na lamang n'ya sa kanyang isipan na Richard hindi ako laruan, na pag gusto mo ay kukunin mo na lamang ng basta-basta at l walang paalam."
"You can't blame me Amanda. Hindi ko ito gustong gawin sa iyo. But I have no choice. Everytime na nagkikita tayo at gusto kitang kausapin, palagi mo nalang akong iniiwasan at tinatakbuhan. Ngayon, hindi na ako papayag. And this time. Ako na ang masusunod!" matapanh na wika ni Richard sa dalaga.
Nasapo na lamang ni Amanda ng kanyang palad ang ulo nito. Dahil kung makikipag bangayan pa siya sa binata ay wala rin siyang magagawa.
At iniisip na lamang n'ya kung paano siya makakatakas mula kay Richard.
"Bryan, sa Tagaytay tayo," utos ni Richard sa kanyang nakababatang kapatid.
"What, Kuya? Ang layo no'n. Isa pa paano ang company?" tonong nito.
"Andyan ka naman 'diba? Remember, I trained you. Ilang araw lang akong mawawala sa company. Gusto ko lang maka-usap si Amanda ng masinsinan. At parusahan sa mga ginawa nya," saad ni Richard habang may malagkit na tingin kay Amanda.
Dahil sa mga pinagsasabi ni Richard ay nakaramdam ng kaba at hindi mapalagay ang dalaga.
'Ano bang nasa isip ng lalaki na ito?
Ano bang plano nya?" mga tanong ni Amanda sa kanyang isipan habang nakatingin sa mga nagkikislapang mata ni Richard.
"Take a rest, Amanda. Pag gising mo nasa Tagaytay na tayo," wika ni Richard na abo't tainga ang ngiti.
Dahil sa sinabi ni Richard ay isinandal na lamang ng dalaga ang kanyang ulo sa bintana ng kotse at dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mgamata, hindi na rin n'ya namamalayang nakatulog na pala 'to.
Nakita ni Richard si Amanda na nakapikit ang mga mata nito. Kung kaya tinitigan nitong mabuti ang napaka ganda mukha at dahan-dahan na isinandal ang ulo ng dalaga sa kanyang balikat at 'sinabi ko sa kanyang isipan na, "I miss you Amanda."
Inuubo-ubo kunwari naman si Bryan habang nakatingin sa salamin.
"Hey, tigilan mo nga 'yang pag-ubo-ubo mo. May gusto kabang sabihin?" tanong ni Richard.
"Wala naman kuya. Iba lang talaga ang tama mo kay Amanda. Imagine nakalimutan mo agad si Andrea. Saka paano ba yan? Nakita ko si Lucky Girl mo. Hindi ka manlang ba magpapasalamat sa akin? masyang wika ni Bryan.
"Bryan, baka nakakalimutan mo kung hindi ako dumating makakatakas na naman siya," saad mana ni Richard.
"Kuya, hindi ka manlang ba magsasabi ng thank you sa akin?" Ti-next kita kung saan ang location namin, kaya ako pa rin ang dahilan.
"Okay, thanks Bry. Masaya ka na?" tanong ni Richard.
"Hindi pa kuya, alam mo naman kung anong gusto ko diba?" sagot ng nakababatang kapatid nito.
"Okay sige, ibabalik ko na 'yung credit card mo," wika na lamang ni Richard.
"YES! Kuya, salamat 'yan talaga hinihintay ko," saad ni Bry na masayang-masayang.
"Sa susunod kasi wag kang pasaway. At tigil-tigilan mo na ang basta-bastang paghalik mo sa mga babae," payo ni Richard.
"Kuya, halik lang naman, wala naman akong ginagawa sa babae. Hindi naman sila nababawasan," sagot ni Bryan.
"Magbago ka na Bry, at kapag nakahanap ka ng katapat mo titiklop ka rin," wika ni Richard.
"Wee, hindi nga kuya?" Sino naman magiging katapat ko? Hinihintay ko nga eh, sana dumating na at excited na akong makilala siya," wika ni Bryan na hindi naniniwala.
"Kuya, ano nga palang plano mo kay Amanda?" tanong pa nito.
"Wala ka na do'n, Bryan," sagot ni Richard habang abot tainga ang ngiti nito.
Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nakarating na sila ng Tagaytay.
"Amanda, wake-up. Nandito na tayo,"
wika ni Richard na halos halikan si Amanda sa sobrang lapit ng mukha nito sa mukha ng dalaga.
Nagising si Amanda sa boses ni Richard at dahan-dahan nitong iminulat ang kanyang mga mata.
Halos lumuwa ang mga mata nito nang makita ang mukha ni Richard na halos halikan siya.
Kung kaya bigla itinulak ng dalaga ang binata at sa lakas ng pakakatulak niya ay napa-upo ang binata sa lapag ng sasakyan. Ang kaso naka posas pala sila sa isa't sa, dahil sa pagkakaupo ng binata sa lapag ay nahila ang dalaga papunta sa kandungan ni Richard kung kaya napadikit ang katawan ni Amanda sa katawan ng binata na halos magdikit ang mukha nila.
Muling nanlaki ang mga mata ni Amanda at hindi makagalaw ng hawakan ni Richard ang magkabilang pisngi niya ang gamit ang palad nito. Naramdaman nalang ng dalaga ang napakalambot na labi nito na nakadapo sa kanyang labi.
Nang biglang binuksan ni Bryan ang pintuan ng kotse.
"Sh*t, nakakahiya," wika ni Amanda sa kanyang isipan at bigla itong umupo sa upuan.
"Ano ba? I-private nyo naman 'yan, hindi ba kayo makapag hintay sa loob?" tanong ni Bryan ng may nakakalokong tawa.
"Kahit kailan talaga, Bro. Istorbo ka," wika ni Richard ng may matamis na ngiti.
"Let's go inside," saad ni Richard sa dalaga sabay lahad ni palad kay Amanda.
Winaksi ni Amanda ang palad ng binata na nasa kanyang harapan at sinabing, "Kaya kong maglakad mag-isa."
Napangiti naman si Bryan sa ginawa ng dalaga at sinabi sa isipang, "Mukhang mahihirapan si kuya nito.
Pagbaba nila ng sasakyan ay sumakay agad si Bryan at sinabing, "I have to go. May hahabulin pa ako. Enjoy, paghandaan mo ang parusa Amanda," makahulugang wika ni Bryan habang tumatawa ng nakakaloko.
"Ingat Bro," wika naman ni Richard at kinawayan nya ang papalayong sasakyan.
Kinakabahan naman na hindi mapakali si Amanda dahil sa sinabi ni Bryan.
'Ano bang ibig nyang sabihin?" tanong ni Amanda sa kanyang isipan na nag-aalala.