PAGKAALIS ni Bryan ay hindi mapakali si Amanda. Kiinakabahan ito lalo na at nakaposas ang kanyang kamay sa kamay ni Richard.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Richard sa dalaga.
Hindi rin makatingin ang dalaga sa mga mata ni Richard, dahil sa nararamdaman nitong kaba at takot.
Sa halip na sagutin nito ang tanong ni Richard ay nagtanong rin ito, "Ano ba ang gagawin natin dito?"
"Magpapalamig lang naman tayo rito. Bakit may gusto ka pa bang gawin?" balik na tanong ni Richard ng may nakakalokong ngiti ang ibinato niya sa dalaga.
Samot-saring kaba ang nararamdaman ni Amanda. Dagdagan ng ihip ng hangin na dumadampi sa kanyang balat kaya lalo itong nanginig sa lamig.
"Mabuti pa pumasok na tayo sa loob, mukhang nilalamig ka na," wika nito.
Sabay silang naglakad papasok sa isang bahay na may veranda. Agaw-pansin ang duyan na nasa labas, tila ba kaysarap tulugan ito.
Napa-wow ang dalaga nang marating nila ang mataas na parte ng bahay. Tanaw na tanaw nila ang bulkang Taal na hind kalayuan.
Pagkapasok nila sa loob ng bahay, nabungaran nila ang isang lamesa na sakto lamang ang laki, kusina na maliit at iisa ang kuwarto.
Napaisip tuloy bigla si Amanda. 'Nakapagtatakang iisa lang ang silid. Matutulog kaming dalawa sa iisang kama?" gulat na tanong nito sa kanyang isipan.
Maang na napailing na lamang siya. Puno nang katanungan ang kanyang isipan.
'Hindi ito maari. Ito ba ang sinasabing parusa ni Bryan? Diyos ko po! Tama na po ang minsan. Paano ko pa siya makakalimutan? Hindi maitatama ang mali ng isa pang pagkakamali," bulong nito sa kanyang sa kanyang isipan.
Napaatras siya ng bahagya. Pero dahil naka posas ang knayang kamay kay Richard, naramdaman naman ng binata ang kanyang pagkilos.
"Tatakasan mo na naman ba ako, Amanda?" kunot-noong tanong ni Richard. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ng dalaga.
"Sa tingin mo ba makakatakas pa ako?" taas kilay na tanong naman ng dalaga.
"Hindi! Sisiguraduhin kong hinding-hindi ka na makakatakas sa akin," paninigurong wika ni Richard na may halong pagbabanta.
"Anong bang plano mong gawin sa 'kin?" tanong muli nito sa binata.
Nakaramdam ng kaba si Amanda nang bigla siya nitong idinikit sa pintuan.
Pinag masdan ni Richard ang mukha ng dalaga at bigla nitong naisip ang scene sa pedestrian lane, 'Magmula nang makita kita kanina sa pedestrian lane, kakaiba na talaga ang nararamdaman ko. Magkahalong saya at pananabik. Nais ko siyang yakapin nang mahigpit at angkinin ang labi nito. Ngunit hindi ko magawa dahil nagpupumiglas siya. Nakikita ko na tatakas na naman siya muli. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na lagyan siya ng posas. Dahil, sisiguraduhin ko na hinding-hindi na siya makakatakas muli sa akin. Ito talaga ang parusang gusto kong gawin sa kanya. Kung kanina ay nagtitimpi pa ako, ngayon hindi na.
Sisiguraduhin kong wala ka nang kawala sa akin, Amanda," wika nito sa kanyang isipan.
Inilapit ni Richard kanyang mukha sa mukha ng dalaga.
Napansin naman agad ni Richard ang na bakas ang takot at pag-aalala sa hitsura nito.
Nakaramdam tuloy siya ng guilt sa sarili at napa-isip, 'Ano bang ginagawa mo Richard? Maghunos dili ka. Paano mo siya mapapa-ibig, kung sa puwersahan mo idadaan?" bulong ng aking konsensya.
Sa halip na sakupin nito nang halik ang labi ng dalaga ay kinuha na lamang nito ang susi sa kanyang bulsa at tinanggal ang pagkakaposas nilang dalawa sa isa't isa nakaramdam namang saya ang ang dalaga habang nakatitig lamang siya sa binata.
"Maligo ka na. May mga damit na pambabae diyan sa aparador. Bukas na lamang tayo mamimili ng ibang gamit mo. May tatawagan lamang ako. Magpapa-deliver na rin ako ng pagkain natin," saad ng binata sa dalaga.
Naglakad siya papuntang veranda, kasabay nang malalim na buntong hininga.
"Hay, ano bang ginagawa mo, Richard?" tanong nito sa kayang sarili.
Nang tinanggal ni Richard ang posas sa kanilang kamay ay agad na pumasok ko sa banyo Amanda. Napatanong ito sa kanyang isipan.
'Bakit nya kaya tinanggal ang posas sa kamay namin? Ibig sabihin kaya nito, pinapalaya na nya ako?" natutuwang tanong nito sa kanyang isipan.
"'Aba, masmadali na akong makakatakas nito.Kailangan kong makapag-isip agad kung paano ako makakatakas sa lugar na ito, kailangan kong maka-alis dito sa lalong madaling panahon. Kunting-push nalang makakapag tapos na ako ng pag-aaral," saad pa nito sa kanyang isipan.
Nasa veranda si Richard nang may nag-tao po sa gate. Ito na siguo ang order kong pag-kain. Dali-dali s'yang naglakad patungo sa gate.
"Sir, delivery po. Kayo po ba si Mr. Richard Avelino?" tanong ng delivery boy.
"Oo ako nga. Oh, ito ang bayad. Keep the changed," wika pa nito sa delivery boy
Kinuha n'ya agad ang pagkain at ini-lock ang gate.
Dumiretso rin agad sa loob ng bahay at inilapag ang pagkain sa lamesa. Naglakad aito patungo sa kwarto nila.
Pagkapasok ko ay saktong kalalabas lang si Amanda ng banyo.
Nakatapis ito ng puting tuwalya at basang-basa ang buhok nito na tumutulo pa,, kitang-kita rin n'ya ang makinis nitong balat.
'Kapag ganito ang nakikita ko hindi ko maiwasang mag-init. Baka hindi ako makapag pigil. Imbes na dina-daan ko sa santong dasalan, dahil nais ko na pa-ibigin siya. Baka mapunta kami sa santong paspasan. Ano ba Richard? Magtiis ka muna sa ngayon. Makukuha mo rin siya ng hindi dinaan sa marahas na paraan," bulong nito sa kanyang isip.
Kung kaya pinilig niya ang kanyang ulo. Sinabi ko na lamang nito na bilisan n'yang mag-bihis at kakain na sila.
Pagkasabi no'n ni Richard ay tumalikod na ito agad at isinirado ang pintuan.
"Hay, hinga ng malalim, Richard," buntong-hininga nito.
Pagkalabas ni Amanda ng pintuan ng banyo ay sakto s'ya namang pagpasok ni Richard ng kwarto. Kaya nag-tama ang kanilang mga mata nakaramdam ito ng hiya. Ibinaling nito ang tingin ko sa iba hanggang sa magsalita siya at sinabing, "Bilisan mo mag-bihis at kakain na tayo.
"Pagkasabi nya no'n ay lumabas na agad ito.
Nagmadali akong nagbihis dahil nagugutom na rin siya.
Pagkalabas niya ng kwarto ay nakita nito si Richard na nag-hahanda ng pagkain.
"Andyan ka na pala. Ma-upo ka na at kumain na tayo," wika nito ng may ngiti sa labi.
Umupo na lamang si Amanda sa upuan na nasa harap nito at kumuha siya ng pagkaini sabay, ngunit nahihiya itong sumubo ng pagkain. Siguro dahil kasabay n'yang kumainito. Kasi naman hindi siya sanay ng may kasabay kumain at isa pa, paano s'ya makakain ng maayos? Kung sa bawat pagsubo nito ng pagkain ay tinitignan s'ya ng binata na parang may dumi sa kanyang mukha.
'Makakain pa kaya ako? Kung ganito ang kaharap ko?" tanong nito sa kanyang isipan.