Habang sabay silang kumakain ay napapansin ni Amanda na titig na titig si Richard sa kanyang mukha, na para bang may dumi itong nakikita. Kung kaya sa bawat pagsubo ng pagkain, siya namang liit ng bunga-nga nito sa pagsubo. At lunok ng pakunti-kunti.
'Hindi talaga ako makakain nito ng maayos," saad ng dalaga sa kanyang isipan.
Tatayo na sana s'ya para kumuha na lamang ng tubig. Nang bigla magsalita si Richard at hinawakan ang kamay n'ya.
"Saan ka pupunta?" tanong ng binata habang hawak-hawak nito ang kamay ng dalaga.
"Kukuha ng tubig," sagot naman ni Amanda ng kinakabahan dahil sa pagkakahawak ng binata sa kanyang kamay.
"Nakaka-ilang subo ka palang. Iinum ka na agad ng tubig. Hindi mo pa nga naubos 'yang kakarampot mong kanin sa plato. Ano bang problema mo, Amanda? Hindi mo ba gusto ang ulam? May masakit ba sa 'yo? Mag-order ako ng ibang pagkain. Ano bang gusto mong kainin?" mga sunod-sunod na tanong ni Richard na nababakas sa mukha ang pag-aalala.
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Amanda at sinabi nito ang kanyang dahilan.
"Hindi ako makakain ng nakaharap ka," diretsahang sagot ng binibini.
"Sige, ako na ang kukuha ng tubig. Maupo ka at kumain ka ng maayos," wika ni Richard.
Agad na tumayo si Richard at siya mismo ang kumuha ng tubig sa ref.
Pagbalik ni Richard ay may dala na itong tubig. Inilapag nya ito sa lamesa umupo at tinalikuran si Amanda habang kumain ang dalaga.
Nagtakang napatingin si Amanda sa binata at nagtanong ito.
"Ano bang ginagawa mo r'yan? Bakit ka nakatalikod?" tanong ng dalaga.
"Diba sinabi mo hindi ka makakain kapag nakaharap ako. Kaya ito tatalikod na lang ako. Sige na, kumain ka ng marami at mukhang nangangayat ka," sagot ni Richard na may kakaibang ngiti at tingin sa dalaga.
Dahil sa mga kakaibang tingin ni Richard ay inilipat agad ni Amanda ang kanyang tingin sa iba. Pakiramdam n'ya ay may kakaibang ibig sabihin ang mga mata nito sa kanya.
'Parang gusto yata akong lamunin nito ng buhay," kinakabahang wika ni Amanda sa kanyang isipan.
Sinabi ko na lamang nito na, "Tumalikod ka na, para makakain na ako ng maayos."
Pagkatapos nilang kumain ay agad na dumiretso sa veranda si Amanda at nagpahangin.
"Kinakabahan ako na hindi mapalagay, iniisip ko rin kung ano bang dapat kung sabihin at gawin? Para maka-alis na ako rito. Hindi ako pweding magtagal dito," wika nito.
"Hay," bugtong-hininga pa ni Amanda habang nina nam-nam ang sariwang hangin at nakatanaw sa malayo.
Habanag ang binata naman ay katatapos lamang maligo at nagbihis na agad ito. Nilibot n'ya ang kanyang mata sa kabuuan ng silid at napansin nito na wala si Amanda. Kung kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na kinuha agad ang posas at inilagay sa kanyang bulsa.
"Hindi kaya tumakas na naman siya?" mahina nitong usal sa kanyang sarili.
Kumaripas siya agad ng takbo at lumabas ng silid, napahinto ito ng takbo ng matanaw n'ya ang dalaga sa veranda. Nakahinga siay ng maluwag nang makita n'ya ito.
'Tila ba kay lalim ng kanyang iniisip at kay sarap talagang titigan ng kanyang mukha," saad nito sa kanyang isipan habang tinatanaw n'ya ito.
Bumalik siya sa loob at kinuha n'ya ang kanyang coat. Nilapitan n'ya ito at mula sa likod ng dalaga ay dahan-dahan n'yang inilagay ang coat sa likod ni Amanda at nagsalita siya.
"Ang lalim yata ng iniisip mo, may problema kaba?" tanong pa nito.
Nagulat si Amanda ng may biglang itong naramdaman na dumikit na bagay mula sa kanyang likod at nang tingnan niya kung ano iyon at sino ay nilagyan pala siya ni Richard ng coat.
Nakaramdam tuloy ng kakaiba at bilis ng pagtibok ng puso ang dalaga.
"Ang lalim yata ng iniisip mo, may problema ka ba?" muling tanong ng binata.
"Richard, gusto ko ng umuwi sa inuupahan kong bahay, nag-aaral ako, kaunting push nalang makakatapos na ako ng pag-aaral.Kaya sana naman pakawalan mo na ako,"
pagsusumamo ng dalaga.
"Amanda, hindi pa pwede. Iang araw lang naman ang hinihingi ko sa 'yo para lang makasama ka at makapag-usap tayo ng maayos," saad naman ng binata.
"Richard, nakikiusap ako i-uwi mo na ako," pakiusap muli ni Amanda.
"Amanda, wala akong gagawing masama sa 'yo?" Natatakot ka ba sa akin?" tanong ni Richard.
"Hindi ako natatakot sa 'yo?" sagot naman ni Amanda.
"Gano'n naman pala, bakit lagi mo na lang akong tinatakbuhan at tinatakasan?" tanong ni Richard.
Sa halip na sagutin ang tanong ng binata. Sinabi ko na lamang n'ya na, "Wala ka na do'n."
"Ayaw mo ngang sabihin. Then sige magmatigasan tayo. Magtatagal tayo rito at sisiguraduhin ko na makukuha ko kung ano man ang gusto ko!" madiin na wika ni Richard.
Pagkasabi ni Richard no'n ay kinuha muli nito ang posas sa kanyang bulsa at pinosasan muli ang isang kamay ni Amanda at ang kanyang isang kamay.
"Pinipilit mo talagang gawin ko ito. Pinipilit kong mag-timpi dahil gusto kong daanin lahat sa maayos na paraan, ngunit sadya yatang hindi madadala ng maayos na usapan. I own you, Amanda. Akin kalang. Minsan kanang naging akin! At magiging akin ka muli!" madiin muli na wika ni Richard at kita sa mukha nito na nagdidilim na.
Pagkasabi ni Richard no'n ay siniil nya ng halik sa labi si Amanda. Para bang sabik na sabik ito. Pilit naman na hindi ibinuka ang labi ng dalaga at nakikipag matigasan ito sa binata.
Nang bigla hawakan ni Richard ang magkabilang pisngi ni Amanda gamit ang mga palad nito.
Buong lakas namang itinulak ng dalaga ang ang binata at sinabing, "Ano ba, Richard? Hindi mo ako pag-aari, bitiwan mo 'ko!" galit na wika ng dalaga at nagpumiglas ito.
"No, Amanda! Akin kalang!" pagmamatigas na wika ni Richard at siniil muli nito ang labi ng dalaga.
Sa pangalawang pagdapo ng kanyang labi sa labi ni Amanda ay masmarahas na ito at kinagat din nito ng bahagyan ang ibabang labi ni Amanda.
Hindi na mapigilan ni Richard ang kanyang emosyon na nararamdaman. Lalo na 't naiinis sa dalaga, dahil nais na naman siya nitong takasan at hindi nito masabi sa kanya ang dahilan, kung bakit lagi siya nitong tinatakasan at pilit na iniiwasan.
'Kung nagtitimpi ako kanina. Ngayon hindi na at ayoko sanang gawin ito. Ngunit ito nalang ang nakikita kong paraan upang maging akin siya muli," saad nito sa kanyang isipan.
Dahi sa Inis na nararamdanman ni Richard sa dalaga ay nagpatalo ito sa kanyang emosyon at pangungulila. Kinagat nito ang ibabang bahagi ng labi ni Amanda. Kaya napaawang ang labi ng dalaga. Doon ay marahas na ipinasok nito ang kanyang dila sa bunga-nga ng dalaga. Hinawakan rin niya ng maagi ang magkabilang palad nito ang ulo ni Amanda.
Magkahalong kaba at hindi maintindihan ang nararamdaman ng dalaga. Bukod sa kay bilis ng t***k ng puso nito. Hindi na rin n'ya alam ang dapat nitong gawin lalo na at napakahigpit ng pagkakahawak nito sa kanyang ulo. Kinagat pa nito ang labi niya, kung kaya napa-awang ang labi niya, nalalasahan niya ang dugo at ang matamis-tamis na laway ng binata na para bang may asukal. Wala siyang ginawa kundi ang pumikit habang hinahalikan siya nito.
Nang bigla n'yang na-alala na pag may nangyari na naman sa kanila ay mas lalong hindi na niya ito matatakasan pa at makakalimutan.
Tumulo ang luha n'ya ng hindi namamalayan, sa tuwing naiisip nito na gagamitin lang siya kapag pagkailangan at itatapon na parang basahan pagkatapos makuha ang gusto nito sa kanya.
Pilit na naman n'yang itinulak sa pangalawang pagkakataon at ang binata at sinabing, "Tama na please," pagmama-kaawa nito sa binata habang lumuluha.