Kabanata Ika-siyam

1061 Words
Bigla itinulak ni Amanda ang binata. Kung kaya napatingin ng kunot ang noo at may pagtataka sa mukha si Richard. Hindi rin nito alam kung ano ba ang kanyang mararamdaman nang makita nitong umiiyak si Amanda at sinasabi pa nitong, "Tama na please," pagma-makaawa ng dalaga. Nakaramdam ng guilt ang binata dahil alam niya na mali ang ginawa nitong dinaan sa santong paspasan. Nais pa sana niyang halikan muli ito, ngunit mas namutawi ang konsensya niya at nasabi sa kanyang sarili na mali ang ginawa nito. Wala siyang nagawa kundi ang yakapin ang dalaaga habang hinaplos-haplos niya ang likod ng dalaga at sinabi rin niya na, "I'm sorry, Amanda. Im sorry hindi ko na u-ulitin pa. Pag-aalo niya sa sa dalaga habang humihingi ng kapatawad. Dahil sa ginawa ni Richard sa dalaga ay tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ni Amanda ng hindi ko namamalayan. 'Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko? Naghahalong kaba, takot, at kirot sa puso. Kaba, kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko? Takot, kasi baka may mangyari na naman sa aming dalawa. Kirot sa puso dahil alam ko na hindi niya ako matatanggap lalo na kapag nalaman niya na nagtatrabaho ito sa bar. Sino ba naman ako? Para totohanin niya ngayong alam ko na masasaktan lang ako at sa dulo ako pa rin ang masasaktan. Hindi ko rin alam kung maniniwala ba ako sa kanya? Mapagkakatiwalaan ko ba siya?" mga tanong ni Amanda sa kanyang isipan. Nang biglang magsalita si Richard at sinabing, "Mabuti pa pumasok na tayo sa loob, upang makapag pahinga ka na at isa pa malamig na dito sa labas." Sabay na naglakad si Amanda at Richard patungo sa kanilang silid dahan-dahang inalalayan at pinaupo ni Richard sa kama si Amanda. "Mabuti pa matulog ka na rito sa kama," wika ni Richard. Nagtakang napalingon si Amanda kay Richard dahil sa sinabi nito. "Saan ka matutulog?" tanong na lamang Amanda. "Doon nalang ako matutulog sa duyan, huwag kang mag-alala magmula sa araw na ito hindi na kita hahalikan," saad ng binata. Pagkasabi ni Richard noon ay kinuha na muli nito ang susi sa kanyang bulsa, sinusian at tinanggal ang pagkakaposas nilang dalawa. sinabi rin ni Richard na, "Basta 'wag mo lamang akong tatakasan. Dahil pag tinakasan mo muli ako, mangyayari ang hindi dapata mangyari," banta pa na wika ni Richard. Naglakad na ito palabas ng silid at dumiretso sa labas sumampa at nahiga sa duyan ng may ngiti sa labi habang nakatanaw sa mga bituin. Mayamaya pa ay humiga na sa kama si Amanda at hindi nito namamalayang nakatulog na pala siya. Makalipas ang ilang oras ay nagising si Amanda dahil sa lamig ng pahanon. "Wow ang lamig," usal nya ng mahina habang kinukumutan ng makapal na kumot ang katawan. "Ano'ng oras na nga ba?" tanong pa nito sa kanyang sarili. Bumangon ito at naglakad siya, kinuha ang cellphone sa kanyang bag para tignan kung anong oras na. "Alas doses palang. Grabi ang tagal ng oras uwing-uwi na ako," wika nya. Babalik na sana siya sa higaan nang biglang pumasok sa isip nya si Richard. "Teka lang sobrang lamig, si Richard kaya?" nag-aalalanag wika nito. Nagmadali siyang naglakad patungo sa labas dahil nag-alala ito para kay Richard. Dahan-dahan nyang nilapitan si Richard at tinitingan ang napakagwapo nitong mukha. 'Ang gwapo mo talaga, masasabi ko na kahit sinong babae magkaka-gusto sa 'yo. Lalo na ako, kung alam mo lang Richard gusto kita. Ay hindi mahal na nga yata kita eh, mula nang may nangyari sa atin hindi ka na nawala sa isip ko, sa 'yo ko lamang ibinigay ang sarili ko kahit na alam kong masasaktan lang ako. Alam ko na hindi mo ako magugustuhan lalo na pagnalaman mo ang uri ng trabahong meron ako at hindi kita masisisi. Dahil isa lamang akong babae na nagtratrabaho sa bar," saad nya sa kanyang isipan habang pinag-mamasdan ang mukha nito at napaka lapit niya sa mukhan ni Richard nang biglang nahagip ng kanyang mga mata ang labi nito kung kaya napapalunok siya ng bahagya. Nagulat ito nang biglang dumilat ang mata ni Richard. Tiningnan siya nito ng abot tainga ang ngiti. Nanlaki ang mga mata ni Amanda at umayos siya sa pagkakatay, inilipat rin niya agad ang tingin sa iba. "Sorry, nagising yata kita," wika ni Amanda. "Anong ginagawa mo rito sa labas?" Pagkukunwaring tanong ni Richard. "A-ah, nagising kasi ako sa lamig ng panahon ang lamig kasi," sagot ni Amanda habang hinahaplos ang braso nya. "Naisip lang kitang silipin dito baka kasi nilalamig ka at hindi ka makatulog ng maayos. Baka gusto mong pumasok sa loob? Kahit share nalang tayo sa kama," wika pa ni Amanda na halata sa mukha ang pag-alala at kinakabahan. "Ang totoo hindi ako makatulog ng maayos dito, pero dahil diyan sa sinabi mo. Pakiramdam ko makakatulog na ako ng mahimbing. Gusto mo ba ng kape? Titimplahan kita, masarap akong magtipla ng kape baka pag-matikman mo makalimutan mo ang pangalan ang mo," pag-mamayabang na wika ni Richard na abot tainga ang ngiti. Imbes na sagutin ang tanong ni Richard ay sinabi na lamang nya na, "Mauna na ako sa loob kasi aayusin ko pa yung higaan." Paalam ni Amanda at naglakad ito ng matulin papasok ng silid. Kinikilig naman si Richard at nagkaroon ng pag-asa dahil sa kanyang narinig mula kay Amanda. Pakiramdan nya ay may puwang siya sa puso ng dalaga. "Parang makaka score yata ako ngayon ah," wika ni Richard sa kanyang sarili, habang tumatawa-tawa ng nakakaloko at naglakad na ito. Pagkapasok ni Richard sa silid ay nagtaka at napa kunot ang noo niya, dahil sa mga nakita nyang mga una na parang linya sa gitna ng kama. "Ano 'yan?" maang na tanong ni Richard. "Hindi mo ba nakikita? Unan," sagot ni Amanda ng may pagtataray. "Amanda, bakit kailangan mo pang lagyan ng unan? Hindi ba't may nanyari naman na sa atin?" pagrereklamong tanong ni Richard. "Oo nga. Kaya nga nilagyan ko diba? Para makaiwas," sgot agad ni Amanda. "Nangako naman na ako sa 'yo diba? Na hindi na kita hahalikan pa," wika muki ni Richard. "Masmaganda ng safe, baka mamaya may mangyari na naman sa atin. Mahirap na," wika na lamang ni Amanda at tumalikod na ito habang nakahiga. 'Pasasaan pa at makakain ulit 'yang kimchi mo," wika ni Richard sa kanyang isipan habang tinitingnan ang likod ni Amanda na nakahiga at nakatalikod sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD