Kabanata Ika-sampo

1274 Words
Pasimple tinitingnan ni Richard ang dalaga habang natutulog 'to na nakatalikod sa kanya. Dahan-dahan din nyang tinatanggal ang unan sa pagitan nilang dalawa. Nang bigla gumalaw ang dalaga at humarap ito sa kanya. Kaagad n'yang ipinikit ang kanyang mga mata at nagtulog-tulugan. Mayamaya pa ay idinilat ni Richard ang kanyang mga mata ng dahan-dahan. Napangiti 'to nang makita n'ya ang napakagandang mukha ng dalaga na hinding-hindi nya pagsasawaang titigan, tulog na tulog ito. Kaya inilagay binuhat nya ang ulo ng dalaga sa kanyang braso ng dahan-dahan. 'Amanda, gusto kong sabihin na kahit na minsan mula nang may mangyari sa atin sa hotel hindi ka na nawala sa isipan ko, hindi ko alam kung bakit at kung ginayuma mo ba ako? Pero isa lang ang masasabi ko nais ko na makilala ka pa at mapalapit sa 'yo sana lang hayaan mo akong mapalapit sa 'yo, dahil hindi ko kakayanin kapag nawala ka pa sa akin muli," wi ng binata sa kanyang isipan. Dahan-dahan din nya itong dinampian ng halik sa noo. Nang biglang gumalaw ang kamay ng daalag at ipinatong ito sa dibdib. Bigla tuloy nag-init na hindi maintindihan ang nararamdan ng binata, nais sana nya itong halikan sa labi. Ngunit pilit niyang pinipigilan ang sarili. Dahil baka makagawa siya ng pagkakamali at baka lalong matakot at takasan siya muli ng dalaga. Kung kaya imbes na halikan niya ito ay tinanggal na lamang niya ang kamay ng dalaga na naka patong sa kanyang dibdib. Tinanggal din niya ng dahan-dahan ang ulo nito na nasa kanyang braso. At bumangon upang magtungo na lamang sa veranda. "Hay," malalim na buntong hininga ng binata. "Ano bang gagawin ko? Kung nangako ako na hindi ko na siya hahalikan muli, hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang pigilan ang damdamin ko? Mabuti pa hindi na muna ako matutulog na katabi siya. Tatlong araw lang naman kaming magkasam, kaya ko naman siguro at kakayanin. Hanggang sa mapapayag ko siyang magtrabaho sa company namin," wika ni Richard at umupo ito muli sa duyan. Doo na rin siya nahiga. Hindi naglaon ay nakatulog na rin ito ng hindi namamalayan. Kinabukasana ay nagising si Amanda na may pagtataka sa mukha, minulat nya ang kanyang mga mata at nasabing, "Asan si Richard?" Bumangon agad ito sa pagkakahiga at nagtungo sa banyo, paglabas nya ay nagtungo ito sa veranda. At pinuntahan ang duyan, hind nga ito nagkamali, doon ay nakita niya si Richard na mahimbing na natutulog. Nahagip ng dalaga ng mga mata ang gate. 'Ano kaya kung tumakas na ako ngayon? Pagkakataon ko nang tumakas habang tulog na tulog siya. Pero nakapag-usap na kami kagabi na hindi nya ako lalagyan ng posas basta hindi ako tatakas," saad ni Amanda ng may pagdadalawang isip. Imbes na tumakas ay dumiretso ito sa kusina upang magluto ng almusal. Nagluto siya scrambled egg pritong hotdog, ham at kanin. Habang siya ay nagluluto. Gulat na napasigaw ito nang makarinig ng boses. Nagising si Richard sa sinag ng araw na nakatama sa kanyang mukha. Bumangon ito agad at hinanap ang dalaga. Tutungo na sana ito ng silid nila nang marinig nyang may kumakaluskos sa kusina at nang tinungo niya ay nakita niya si Amanda. Kaya naginhawaan ang kanyang kalooban. "Good morning," wika ni Richard ng may ngiti sa labi. "Ay kabayo!" Gulat na wika ni Amanda nang marinig ang tinig. "Masyado ka namang magugulatin," wika pa ng binata. "Ah, hindi naman. Sinilip kasi kita kanina ang himbing ng tulog mo sa duyan. Tapos bigla kang narito. Gising ka.na pala? Bakit ka lumipat ng higaan kagabi?" tanong ng dalaga. "Hindi kasi ako makatulog ng may katabi," pagsisinungaling sagot ni Richard na nakatingin sa mga mata ni Amanda. Hindi naman makatingin si Amanda sa mga mata ng binata. Kaya inilipat nito ang tingin sa iba. "Am.. mabuti pa siguro maghanda na ako ng pagkain ng makakain ka na," pag-iiba na lamang ng usapan ni Amanda. Kumuha ito ng isang plato at inilapag sa lamesa, tinulungan naman siya ni Richard kinuha rin nito ang ulam at kanin inilapag din n'ya sa lamesa. Nakita ni Richard na nagmamadaling pumasok si Amanda sa silid kung kaya nagmadali itong naglakad upang sundan ang dalaga, nang makalapit na siya kay Amanda ay agad niyang hinawakan ito sa braso at tinanong. "Hey, saan ka pupunta? Hindi ba't kakain na tayo?" tanong ulit ni Richard habang hawak ang braso ng dalaga. Tiningnan ni Amanda ng kunot-noo si Richard at tiningnan din ang kanyang braso na hinawakan nito. "Im sorry," wika ni Richard at tinanggal ang pagkakahawak nito sa braso ni Amanda. "Mauna kanang kumain, hindi ba't alam mo naman na hindi ako makakain na nakaharap ka," malumanay na wika ni Amanda. "Mauna ka na kayang kumain, hindi pa naman ako gutom," saad naman ni Richard. "Hindi na mauna ka na, maliligo muna ako mamaya na lang ako kakain pagkatapos," pagmamatigas na saad ni Amanda. Kunot-noong tiningnan ni Richard si Amanda at sinabing, "Kakain ka ba? O kakainin ko iyang kimchi mo?" pagbabantang tanong ni Richard. Dahil sa sinabi ni Richard ay nagtungo agad si Amanda sa hapag kainan. 'Mahirap na, baka tutuhanin ni Richard ang sinabi nya. Baka lalong hindi ako makawala sa kanya, kailangan ko munang kunin ang loob nya para makatakas ako ng hindi nya namamalayan," wika ni Amanda sa kanyang isipan habang sumusubo ng pagkain. Pasimple namang pinagmamasdan ni Richard ang dalaag habang kumakain. "Kinailangan ko pang sabihing kakainin ko 'yang kimchi niya, bago kumain. Maghintay ka Amanda at darating tayo doon. Kapag nakain ko iyang kimchi mo sisiguraduhin kong hindi ka na makakawala pa sa akin," saad naman ni Richard sa kanyang isipan. Pagkatapos kumain ni Amanda ay nilapag na nito ang plato sa lababo at mabilis na nagtungo sa silid. Sumunod namang kumain si Richard sa hapag kainan, makalipas ang halos biente minutos at tapos na rin ito. pagkatapos nitong kumain ay lumabas si Amanda ng silid at sinabing, "Ako na ang magliligpit ng pinagkainan natin," wi nito at iniayos ang hapagkainan. "Amanda, maypupuntahan tayo ngayon pagkatapos mo diyan maligo ka na agad," saad ni Richard. "Saan tayo pupunta?" maang na tanong ni Amanda. "Basta, malalaman mo rin," sagot ng binata at pumasok ito sa silid nila. Pagkatapos maghugas ng plato ni Amanda. Naglakad na rin ito sa patungo sa kanilang silid. Pagkabukas nya ng pinto ay nabungaran nya si Richard na nakatapis ng puting tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan. Kitang-kita nya ang napakalapad nitong dibdib na mabalahibo at may kasama pang six pack abs. Napapalunok siya at halos lumuwa ang kanyang mga mata pababa, hindi rin siya makaalis sa kanyang kinatatayuan ng makita ang katawan ni binata. 'OH MY GOD," wika ni Amanda sa kanyang isipan habang napapalunok at pinagmamasdan ang katawan ng binata. "Ano'ng tinitingin-tingin mo d'yan? Hindi ka na maka-alis sa kinatatayuan mo? Pwede mo akong tikman ulit. Sabihin mo lang at madali akong kausap," saad ng binata na may pang-aakit na boses at mga matang nagnining-ning. Namutla ang mukha ni Amanda dahil sa sinabi ni Richard. Tumalikod ito agad at sinabing, "Maliligo na ako," at dali-daling naglakad patungo sa banyo. Ini-lock rin nito agad ang pintuan ng banyo. Doon ay huminga sialya ng malalim habang nakatingin sa salamin. "Ano ka ba, Amanda? Mag-hunos dili ka nga. Hanggang tingin kalang. Kung ayaw mo ng maulit muli 'yon. Huwag kanang umasa pa dahil masasaktan ka lang," wika ni Amanda sa kanyang isipan ng may kirot sa kalooban. Napailing na lamang siya nang biglang kumatok si Richard. "Amanda, open the door?" utos ni Richard habang kumakatok. "Diyos ko! Bakit kaya? Ano'ng kailangan niya sa 'kin?" kinakabahang tanong ni Amanda sa sarili. At nagdadalawang isip ito kung bubuksan ba ang pintuan o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD