Umiwas ng tingin si Amanda at dumistansya ng bahagya sa kausap nitong binata. Tiningnan na lamang ni Andrew si Amanda ng may ngiti sa labi. Maglalakad na sana ito papalayo nang tawagin siya ni Ma'am Letty. "Doc, Andrew," wika nito. Agad namang lumapit ang binata sa kinaroroonan ng Ginang. "Kayo po pala, Ma'am Letty. Kumusta na po kayo?" tanong ng binata. "Mabuti naman Doc," sagot ni Ma'am Letty. "May bago po pala kayo sa information desk? Hindi manlang ako na inform, ngayon ko lamang po siya nakita," saad ng binata na may ngiti sa labi habang nakatingin kay Amanda habang at may kausap sa phone. "Sir, baka naman po matunaw si Amanda n'yan, type nyo po ba sir? Dalaga po 'yan walang boy friend, pwede ko po kayong ireto." Makahulugang wika ni Ma'am Letty. "Talaga po? Wala po siyang bo

