MAKALIPAS ang ilang oras na biyahe ay nakarating na nga sila Amanda sa kanilang pupuntahan. Pagbaba nila ay napaawang ang labi ni Amanda at nasabi nitong, "Wow! Ang taas," usal ni Amanda na napamangha sa nakikita habang nakatanaw sa napakataas na building. "First time mong makita ng gusali?" tanong ni Jessica. "Hindi naman, nakakakita rin ako ng gusali sa Manila. Kaso ito sobrang taas hindi ko mabilang kung ilang floor? Ilang floor kaya ito? Gaano kaya karami ang nakatira dyan sa loob?" tanong muli ni Amanda. "Halika at pumasok na tayo sa looob ng malaman natin," sagot ni Jessica. Pumasok na sa loob ang dalawang dalaga. Nagtungo sila sa front desk. "Aba! Ang swerte nga naman natin at si kabayan mapagtatanungan natin. Kabayan," wika ni Jessica. "Oy! Kabayan, kayo pala. Anong maipagl

