Nakalapag na ang eroplano at kasalukuyang naglalakad si Amanda sa Airport. Nakita niya ang isang babae na may-dalang karatula at mababasa ang, "Welcome to America, Amanda Lopez!" Tinignan ito ni Amanda ng may ngiti sa labi at excited na nilapitan. "Ikaw ba si Jessica?" tanong nito. "Oo, ako nga. Ikaw din ba si Amanda?" balik na tanong ng dalaga. "Oo, ako nga!" "Welcome to America!" masayang tugon ni jessica. Niyakap ito agad ni Amanda at sinasabing, "Maraming salamat." Mahinang usal nito ng may ngiti sa labi. "Walang anuman, ano ka ba? Naikwento na ni manang lahat sa 'kin. Mabuti nga may kakilala ako sa imbase at tinulungan tayo. Isa pa nandito ka for tourist visa lang, na tatagal ng anim na buwan hanggang isang taon. Huwag kang mag-alala at tutulungan kitang makahanap agad ng

