CHAPTER 05

4479 Words
|KELLY| Ramdam kong nakatingin siya s'kin. " kinagagalak kong makilala ang isang binibining tulad mo na mahilig magbasa ng libro ni binibining mia" nalaki ang mga mata ko at napatingin sa kaniya. Hindi na mabura pa ang ngiti sa labi ko. " idol mo rin ba siya?" tumango ito. " ayiee!.." gusto ko ng magtatalon sa tuwa dahil nakilala ko ang isang tulad niya pero napagisip kong hindi pala ganoon dapat ang pagasta ng isang binibini. Tumikhim ako at umayos ng tayo. Inayos ko rin ang suot kong skirt at isinang-tabi ang kagalakan na nararamdaman ko. Nagbigay galang ako sa kaniya at yumuko habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa palda saka siya mahinhin na tiningnan. "kinagagalak din kitang makilala ginoo." mahinhin na sambit ko at pakiramdam ko ay isa nga talaga kong binibini sa sinaunang panahon. Pakiramdam ko ay napunta kami sa panahong iyon at nag iba ang kasuotan. parehas na lamang kaming natawa sa aming mga pinaggagawa. Hindi ko alam pero sa puntong iyon. Napakagaan ng pakiramdam ko sa kaniya. Nakakaramdam man ako ng pagkailang ngunit hindi ko maipaliwag ang saya na nararamdaman ko. NASA FAREWELL GARDEN na ako ngayon. Walang humpay sa pagngiti ang labi ko habang wala namang sawa ang mga mata ko sa nakikita nito. Unang bungad pa lamang sakin ang kulay berdeng mga halaman na may mga korte, kahit saan ako tumingin. Ang halaman na iyon ang nakikita ko. Iba't-ibang hayop ang nakakorte sa mga halamang ito. May elepante, jiraff at iba pang hayop na nasa zoo ay nakaukit dito habang nakapalibot sa mga ito ang iba't-ibang uri ng mga maliit na bulaklak. Sa kabilang side naman nito, makikita ang mga nagtumpukang mga lavader. Hindi ko maiwaglit ang saya ko ng makita ko ang halamang iyon. mabilis agad akong nagtatakbo patungo doon ng agad itong matanaw ng paningin ko. May tatlong puno doon ang siyang nagsisilbing lilim ng halaman. Ang dalawa ay nasa gilid at ang isa, nasa gitna. Wala na talagang paglagyan ang saya nararamdaman ko ngayon, maslalo pang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa napakabangong halimuyak ng mga lavader na ito. Matapos kung magliwaliw sa parteng iyon ay nagtungo naman ako sa parte kung saan may maliit na fountain. Maliit lamang ito at medyo may kalumaan na ngunit makikita pa rin ang kagandahan nito. Kulay berde ang tubig. pinalilibutan ito ng mga puno na hindi nagkakabunga at idagdag pa ang dalawang klase ng halaman na tumataas ng kasing taas ng fountain na nakita ko kanina sa bungad ng XU. Pinalilibutan naman ito ng iilang mga maliit na bulaklak na kulay dilaw. Mukhang hindi ko na pinagsisisihan na makapasok sa paaralang ito dahil sulit naman sa ganda ng mga nakikita ko. Sa hindi kalayuan, nahagip ng mata ko ang isang rebulto ng lalaki. Medyo pamilyar ang hubog ng katawan nito. Nakaupo ito sa isang bench na gawa sa bakal. Maganda ang pagkakadesenyo ng upuang iyon. Nakapuwesto ito sa isang kakaibang puno. Malaki ito at malago ang dahon, batid ko ngang matanda na ang punong iyon dahil sa makapal na ang katawan nito at hitik na hitik na rin ang mga sanga. Hindi ko alam pero sa sandaling iyon. Panandaliang umihip ang isang malakas na hangin dahilan ng pagsayaw ng mga halaman at punong nakapaligid sakin. Ang paglaglag ng mga tuyong dahon mula sa punong iyon at ang paggalaw ng malabot na buhok ng lalaking nakaupo sa bench na iyon. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo sa lugar na iyon. Natauhan na lamang ako ng maalala kong namamasyal nga pala ako at hindi natutulala lamang. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko at magpapatuloy na sa paglalakad ng marinig ko ang tinig nito. Naghihiming siya, Tila mububuo siya ng isang magandang tunog gamit ang himing na iyon. Naistatwa ako sa kinatatayuan ko ng mga oras na iyon. Gusto ko ng umalis pero dahil sa paghiming niyang iyon, nahinto ang mga paa ko. Natulala ako sa hindi ko malamang dahilan ng magsimula na siyang kumanta. Palseto lamang gamit nito ngunit damang-dama niya ang kaniyang pagkanta. Sa hindi ko malamang dahilan, bigla na lamang bumigat ang puso ko dahil sa kantang k inakanta niya. Tila tinutusok nito ang puso ko at hindi ko rin mabatid kung bakit ganoon na lamang ang ipekto sakin ng kanta niyang iyon. Sa pagkakataong iyon, hindi ko na malayan na gumagalaw na ang mga paa ko papalapit sa rebulto ng taong iyon. Napahinto lang ako ng makaapak ako ng tuyong dahon dahilan upang makalikha ako ng ingay. Huminto ito sa kaniyang pagkanta at napalingon sakin. sa pagkakataong iyon, Napaltan ng kaba ang kaninang kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko. Sa tagpo ring iyon, gusto ko nang tumakbo at magpalamon sa lupa. Nakakunot ang noo niya ng tingnan niya ako at mababakas din sa mukha nito ang pagkabigla ng makita ako. " ikaw?" bakas sa mukha niya ang katanungang iyon. Tumayo siya sa kinauupuan niya at humarap sakin. Gusto ko ng umatras at lumayo sa lugar na iyon pero hindi ko mabatid kung bakit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanatili lamang ang mga mata kung nakatingin sa kaniya habang balot na balot naman sa takot kalooban ko. Ito na ba ang katapusan ko? Pakiramdam ko sa mga oras na iyon, kinaharap ko ang demoniyong kinakatakutan ng lahat. Nakakatakot ang mukha niya. Balot na balot ng kadiliman ang buo niyang katawan. Napakatangkad niya at ang tindig nito ay talagang malakas ang dating Ngunit tatayuan ka naman ng balahibo dahil sa matinding takot. Maslalo pang tumindi ang kaba sa dibdib ko ng magsimula na siyang maglakad. Hindi nito inaalis ang paningin sa 'akin. Ang tingin niyang may panunuri. Nakapamulsa ito habang dahan-dahang humahakbang papalapit sakin. bakit ganun? Bakit hindi koman lang maigalaw ang mga paa ko? Ano bang nangyayari sakin? Bakit ba kailangan kong matakot sa taong ito? Tao lang din naman siya ahh, pero bakit ganoon na lamang katindi ang takot kong ito?. " kelly, rigth?" paninigurong tanong niya. Kahit ang dila ko ay tila umurong. Ano bang meron sa kaniya na kahit ang isang tulad kong babaeng walang inuurungan ay nagawa niyang takutin ng ganito. " Sino ka ba talaga?." muling tanong niya ng huminto ito sa tapat ko. Isang dipa na lamang ang layo namin sa isa't-isa. Bagama't kinakabahan, sinikap ko pa rin itong itinago. Hindi ko pinahahalata sa binatang ito, ang matinding takot na ibinibigay niya sa 'akin ngayon. Muli niyang tiningnan ang kabuoan ko. Hindi rin nito pinalagpas ang kabuoan ng 'aking mukha. " isa ka bang ispiya?." Kumunot ang noo ko. " ispiya?." " bakit ikaw? ano bang meron sayo?." sunod-sunod na tanong niya na maslalong ipinagtaka ng mukha ko. Napakaseryoso ng mukha niya na animo'y walang mababakas na kahit na anong biro sa kaniyang mukha at ganoon din sa tono ng kaniyang pananalita. " Ano bang kinalaman mo sa lahat ng ito? Sino ka ba talaga?." muli na naman niyang tanong. " h-hindi ko alam kung anong mga pinagsasabi mo." Sinikap kung maging maayos ang pananalita ko upang hindi niya mahalata ang takot na bumabalot sakin ngayon. Muli na naman siyang humakbang papalapit s'kin. Sa tagpong iyon, doon na ako nagkaroon ng lakas upang maigalaw ko ang mga paa ko. Balak ko sanang umatras upang hindi magdikit ang katawan namin sa isa't-isa, Dahil isang hakbang na lamang niya ay malapit na itong magdikit at ganoon din ang mga mukha namin. Ngunit nagkamali naman ako ng apak kaya't nawalan ako ng balanse, bukod doon Masyado ng nangangatal ang mga tuhod ko kaya't wala na itong lakas upang ihakbang ko palayo sa kaniya. Tila bumagal ang buong pangyayari sa tagpong iyon. Dahan-dahan niya akong hinawakan sa bewang upang sambutin ako sa 'aking pagkakatumba. Hinatak niya ang katawan ko papalapit sa kaniya dahilan ng pagdidikit namin. Ramdam ko mainit niyang katawan sa katawan ko. Halos wala namang kurap ang mga mata kong nakatingin sa kaniya dahil sa pangyayaring iyon, bukod doon napakalapit na rin ng mukha niya sakin na halos maamoy at maramdaman ko na ang mainit na paghinga niya. Seryoso pa rin ang mukha nito habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko rin mawari ang mga tingin niyang iyon. Kasabay noon, ang biglaang pagihim ng malakas na hangin dahilan upang matangay nito ang mga tuyong dahon na nasa lupa. Napakasikip, tila tumakbo ako ng nakapalayo dahil sa paghahabol ko ng aking paghinga habang nakatingin sa mga mata niya. " kung ganoon...anong ginagawa mo dito sa farewell garden ?at bakit nakatayo ka dito at pinapanonood ako... hindi ba't pagiispiya ang ginagawa mo?" wala itong kahit na anong imosyon sa mukha ng sabihin niya ang lahat ng katanungang iyon. Doon naman ako na tauhan, ilang beses na napakurap ang mga mata. Tila ibinabalik pa ang sarili sa katinuan hanggang sa doon na ako nagkaroon ng pagkakataon para kumawala sa bisig niya. Nang makawala ako at makalayo sa kaniya ay doon na ako nagkaroon ng pagkakataon para pakalmahin ang sarili. Sinikap kong pakalmahin ang sarili at ibalik ang ulirat ko. Nababalot man ng kaba at takot ang dibdib ko sa tagpong iyon, lakas loob ko pa rin siyang tiningnan ng masama." Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong kinalaman sa mga sinasabi mo at higit sa lahat hindi ako ispiya." sunod sunod na paliwanag ko. Nakakunot pa ang noo ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon. Wala pa ring ipinagbago ang imosyon ng mukha niya. Nakatitig lang ito sakin the whole time habang nagsasalita ako. Hindi pa rin maalis sa mga mata niya ang panunuri. Wala naman tigil sa pagpapaliwanag ang bibig ko. " Hindi ba pwedeng napadpad lang ako Dito habang namamasyal at naglilibot at hindi ko sinasadiyang Marinig 'yang pagmumuni mo." iritang saad ko. " Hindi ko kailangan ng paliwanag mo, ang kailangan ko sagot sa mga katanungan ko. " maslalong kumunot ang noo ko. " a-ano?." sa pagkakataon na iyon, maslalo ko siyang hindi maintindihan. Inis akong natawa at hindi siya makapaniwalang tiningnan. Humalukipkip ako. " kung ganoon anong gusto mong sabihin ko? E' hindi ko naman alam kung ano 'yang mga pinagsasabi mo." mataray na wika ko. Nagpapasalamat ako dahil bumalik na muli ang dating ako. Kanina lamang kasi ay parang lumipad ang sarili ko sa kung saan kaya't hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang katindi ang takot ko ng makita ko ang mga tingin niyang iyon. Para bang...Nakakulong ako sa isang madilim na hawla at hindi ko alam kung papaano makabalik. " hindi ba isa ka sa mga kasamahan noong lalaking sumira ng libro ko?." Mapakla akong ngumiti Bago muling nagsalita. " Hindi ko alam kung saang mundo kayo ng galing at dito ko pa talaga kayo nakilala. Naiinis ako dahil sa dinami-dami ng tao dito sa XU, kayo pa ang unang nakasalamuha ko sa unang Pagpasok ko sa paaralan na ito. "Wala ng mapaglagyan ang inis ko habang inaalala ang nangyari kanina sa kaawa-awa kong libro kanina. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa lalaking iyon sa oras na muli kaming magtagpo. " alam mo maganda naman sana 'tong paaralan niyo at aaminin kong manghang-mangha ako sa ganda at laki nito, kaso bigla akong nagsisi na dito ako ipinasok ng tita ko. Kung....." natigilan ako. Tila nanigas ang buo kung katawan ng maramdam ko ang isang bagay na mabilis na lumipad patungo sa direksyon ko. Napakabilis ng pangyayari. Ramdam na ramdam ko ang pagdaplis ng bagay na iyon sa pisnge ko. Isang marahan na hangin ang tila dumaan sa pagitan naming dalawa kasabay ng pagbalot ng katahimkan sa paligid. Walang kurap ang mga mata kung nakatingin sa kawalan, hindi makapaniwala sa pangyayari. Litong-lito at balisa. Ramdam na ramdam ko na rin ang pangangatal ng buo kung katawan. Iniisip kung papaano niya ginawa ang bagay na iyon ng hindi man lamang gumagalaw sa kinatatayuan niya. Iposible....Imposibleng siya ang may kagagawan noon. Hindi ko siya nakitang kumilos, kahit ang kamay niya ay hindi ko nakitang gumalaw o umalis sa kinalalagyan nito. Nakatayo pa rin siya sa harap ko habang nakasuksuk ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon at walang imosyon pa rin itong nakatingin sakin. Maslalo akong natigilan ng marinig ko ang tunog ng tuyong dahon na nadurog nang muli na naman itong humakbang papalapit sakin. Sa pagkakataon na iyon, nais ko mang umalis sa kinatatayuan ko at lumayo na sa lugar na iyon, hindi ko magawa. Hindi na kaya pang humakbang ng mga paa ko. Pakiramdam ko ay bibigay na ang mga ito sa oras na ihakbang ko pa sila. Hindi rin mapigil pa ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba. " your'e kelly cyton, rigth?.." unang tanong niya habang ito ay naglalakad papalapit sakin. umarko ang labi nito. Hindi inaalis ang paningin sakin. Umangat ng bahagya ang paningin ko ng makalapit na siya ng tuluyan. Napakalapit na naman niya, Inaagaw na naman niya ang hangin na dapat ay sakin lamang...hindi na naman ako makahinga ng ayos. Hindi na naman normal ang pagkabog ng dibdib ko. " alam mo bang ayoko sa mga taong mapagpanggap at sinungaling?, Mabilis ko silang binubura sa mundong ito. " tiningnan ko siya ng masama. " pinag...." Naputol na naman ang nais kong sabihin sa kaniya ng maslalo pa nitong ilapit ang kaniyang mukha sakin dahilan ng paglaki lalo ng mga mata ko dahil sa pagkabigla." i'm not threatening you. Pinapaalam ko lang kung sino ang harap mo ngayon." Bagama't kinakabahan ay sinikap ko pa rin na labanan ang matatalim niyang mga tingin. Sinikap na patatagin ang loob. " hindi ko na kailangan pang kilalanin ang tulad mo at hindi ako interesado. " banat ko. " magaling, Tama ang disisyon mo. Sikapin mong huwag hayaang magtagpo ang landas natin at malaman kung sino at ano ang pagkatao meron ako dahil lahat ng taong nakakapasok at nakakaalam kung sino ako...." Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok ng ilapit niya ang kaniyang bibig sa tenga ko. " nabubura sa mundong 'to...". TULIRO ang utak ko habang naglalakad, tulala sa kawalan. Hindi alintana ang daang tinatahak. Matapos ang sagutan naming dalawa ng lalaking iyon sa farewell garden. Iniwan niya ako na punong-puno ng katanungan. Hanggang ngayon pabalik-balik sa isipan ko ang pangyayari kanina, ang pangyayari kung papaano ako nagasgasan sa pisnge ng wala man lang ginagawa ang lalaking iyon. Kahit pagkilos ay hindi ko nakita. Sigurado akong nakatayo lang siya sa harap ko, malayo sakin habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Ang daming bagay na pumapasok sa isip ko habang inaalala ang pangyayaring iyon. May kalahati sa isipan ko na may kinalaman ang lalaking iyon sa nangyari, may parte naman ng isip ko na baka hindi lang kami ang tao doon. Pusibleng may iba pang tao na naandito at isa sa aming dalawa ng lalaking nakasagutan ko ang puntirya niya. Ang hirap kasing paniwalaan na ang lalaking iyon ang gagawa noon dahil hindi ko naman ito nakitang gumalaw o kumilosman lang. Pero may isa pang bagay na gumugulo sakin, Kung tama nga ang kutob ko, sino naman ang taong iyon at sino samin ang talagang puntirya niya?. Bukod dun, bakit walaman lang reaksyon ang lalaking nakasagutan ko? Bakit hindiman lang siya nagtaka sa naging reaksiyon ko? Saka ang pinagtataka ko pa, bakit hindi niya rin naramdaman ang bagay na iyon? Kahit na wala akong nakita at naging mabilisman sakin ang pangyayaring iyon. Alam kong sa direksyon niya nagmula ang bagay na iyon, kaya't sigurado akong mararamdaman niya rin sakaling dumaan iyon sa gilid niya. Sa nakikita ko kasi Wala man lang siyang reaksyon kanina. "sh*t." Napahinto ako sa paglalakad at bahagyang napaatras ng mapabangga ako sa kung saan. Hinawakan ko ang noo ko nang maramdaman ko ang pakirot nito. Napaangat ng bahagya ang gilid ng labi ko ng maslalo pa itong humapdi ng mapadait na ang kamay ko dito kaya't mabilis ko rin itong inalis. Panigurado akong namumula na ito dahil sa lakas ng pagkakaumpog ko sa bagay na iyon at mukhang magkakapasa pa ako sa noo pagnagkataon. Inis kong binalingan ng tingin ang pangahas na bumangga sakin. " hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?." iritang tanong ko sa kaniya. Isang rebulto ng lalaki ang nakabangga ko. Medyo matangkad ito sakin at may kalakihan ang katawan, singkit ang mga mata at hugis puso ang kaniyang mukha. Ayokong sabihing gwapo siya dahil wala sa istura para sakin ang salitang 'gwapo'. Tinaasan niya ako ng kilay. Nakasuksong ang isang kamay nito sa kaniyang bulsa habang inis na inis itong nakatingin sakin. Mukhang hindi niya rin nagustohan ang nangyari. " at ako pa talaga ang hindi tumitingin sa dinaraan ko, hah." hindi makapaniwalang tanong nito, bakas sa tono ang pagkairita. Doon ko lang din napansin na may mga kasama pa siyang lalaki. Tatlo sila, Nakatingin ang mga ito sakin habang nakangisi. " ikaw kaya itong parang tangang nakalutang sa ere at malalim ang iniisip." dugtong niya pa. inis akong natawa. "alam mo na palang lutang 'yong tao ba't di ka umilag?." malamyang sagot ko. Pait siyang natawa sa naging sagot, tila na asar sa mga sinabi ko. " sino ka ba, hah? Ikaw na nga itong may kasalanan, ikaw pa itong hindi marunong manghingi ng sorry." nanlalaki na ang mga mata nito habang sinasabi iyon sakin. Halatang napupuno na. Umarko ang labi ko. " sorry kung ganun. Kawawa ka naman, baka hindi ka makatulog kapag hindi ko pa ibinigay sayo ang salitang iyon." sarkastik na banat ko at inirapan ko muna ito bago siya tinalikuran. " sandali." hahakbang palang sana ako para umalis ng hawakan niya ang braso ko upang pigilan ako, ngunit dahil sa pagkabigla ay mabilis kong naiangat ang isa kung paa at tumama iyon sa maselang bahagi ng lalaki. Namilip ito sa sakin at wala sa oras akong nabitawan. Nabigla rin ako sa ginawa ko. Ako kasi iyong tipo ng tao na kapag nagulat ay kusa na lamang lumilipad ang kamay at paa ko. Nasasaktan ko ng hindi sinasadiya ang mga taong nanggugulat sakin. Bumakas din sa mukha ng mga kasamahan niya ang pagkabigla dahil sa ginawa ko. Halos mapaluhod na siya sa sakit na ibinigay ko sa kaniya. Nakayuko na ito habang hawak ang maselang parte sa katawan niya. Halos lahat na rin ata ng mura na narinig ko ay binanggit niya habang umiiyak sa sakit. "so.." hihingi sana ako ng paumanhin at magpapaliwanag ngunit natigilan ako ng umangat ang tingin nito sakin. May pagbabanta at galit sa mga mata niya. " ikaw!." mariin na sigaw niya, Matapos niyang sabihin iyon ay nakita ko na lang ang sarili ko na tumatakbo, palayo sa lugar na iyon. "t'ng'na habulim niyo!". "huwag niyong hayaan na makatakas!" rinig kong utos niya sa kaniyang mga kasamahan. Halata sa tono ang galit. Nang subukan ko silang tingnan ay nakita kung hinahabol na ako ng mga kasamahan niya. Hindi ko alam kung saan na ako dinala ng mga paa ko. Puro gusali ang nadadaanan ko, Makipot ang daan at wala rin akong nakakasalubong. Nito ko lamang napagtanto na kanina pa pala ako naliligaw habang lutang ang isipan. Masyadong malalim ang iniisip ko kaya't hindi ko na nalamayan ang lugar na napuntahan ko. napahinto ako sa dalawang daan, ang isa ay mukhang patungo sa masukal na daan dahil medyo madilim ito at wala ng mga gusaling madadaan habang ang isa naman ay hindi ko sigurado kung saan papunta. Napasulay ako sa maiksi at malambot kung buhok habang nakatuon naman ang isa kung kamay sa bewa dahil sa pagkataranta. Hindi ko alam kung saan dito ang tamang daan. Wala na akong oras para mamili kung saan ako dadaan. Napalingon ako sa direksyon ng pinanggalingan ko ng marinig ko ang mga yapak na paparating. Nakita kong malapit na sila. apat na silang tumatakbo ngayon, kasama ng mga ito ang lalaking nasipa ko sa maselang bahagi. Wala na akong pagpipilian. Doon na ako dumaan sa lugar na hindi ko alam kung ano ang dulo. Takbo lang ako ng takbo habang naririnig ko ang pagsigaw nila at ang pagtawag sakin. Jeez, ano bang nangyayari at napakamalas ko ngayong araw? ( Ĭ ^ Ĭ ) . Hindi rin nagtagal paunti-unti ay may nakakasalubong na akong mga studiyante. tama ang daang pinili ko, pero hindi pa rin ako Dapat makampante dahil may humahabol pa rin sakin. Hindi nila ako tinatantanan. Habang tumatagal na tumatakbo ako ay padami naman ng padami ang studiyanteng nakakasalubong ko. Ang ilan ay nababangga ko na. Hindi rin nagtagal ay nagiging pamilyar na sakin ang daang tinatahak ko. " t'ng'na! Hoy! Huminto ka!" Sigaw ng isa. " bwisit! Babae ba yan?. Ang bilis tumakbo." Nakita kong malayo na sila sakin at ang dalawa ay sandaling napahinto dahil sa pagod, Nakayuko na ang mga ito. Nakatuon ang dalawang kamay sa tuhod habang hinahabol ang hininga. Napangiti ako pero agad ding nawala dahil mukhang hindi ako titigilan noong lalaking nasipa ko ang maselang bahagi. Pagodman ang mga kasamahan niya ay patuloy pa rin ako nitong hinahabol. Mukhang hindi niya ako tatantanan hangga't hindi ito nakakaganti sakin. " huwag kang magpapahuli saking h'yop ka! Hinding-hindi kita mapapatawad sa oras na mabaog akong t'ng'na mo ka!." banta niya, sahalip na matakot ay nilingon ko pa ito at dinilaan upang maslalo itong maasar. Umawang ang labi nito, bakas sa mukha ang panggigigil. Halatang kating-kati akong magantihan. Maslalo pang dumami ang taong nakakasalubong namin kaya't nahihirapan siyang makalapit sakin, panandalian ding bumagal ang paghahabulan namin dahil sa mga studiyanteng humaharang sa daan. Pumasok ako sa isang gusali, medyo may kalakihan ito ngunit hindi ko alam kung anong meron sa loob nito. Sa unang palapag ay may ilan akong nakitang pintuan. may maliit, malaki at may katamtaman ang laki. Gusto koman alamin kung ano ang bawat nasa loob ng silid na iyon ay masminabuti kong tumungo na muna sa hagdanan. Hindi pa rin ako tinatantanan ng humahabol sakin. Hanggang sa hagdanan ay hinahabol pa rin ako nito. Ang paghahahabulan ay nakarating patungo sa ikaapat na palapag. Nakaramdam na rin ako ng pagod nang mga oras na iyon. Mabagal na rin ang pagtakbo ko at ganoon din siya. Habol hininga akong napahinto at napahawak sa pader ng marating namin ang hallway ng 4th floor. Napahawak pa ako sa dibdib ko habang pilit na hinahabol ang paghinga. Sa tansiya ko ay limang pulgada pa ang layo sa 'akin ng lalaking humahabol sakin. Nagpatuloy ang paghahabulan namin hanggang sa nakarating kami sa dulo ng hallway na iyon. May palikong basilyo dito ngunit sa dulo noon ay wala ng daan pa balabas. lumingon ako sa likod ko at nakita ko siyang malayo pa, lumiko na ako sa palikong basilyo. Sinikap na may mahahanap akong mapagtataguan. Sinubukan kong isa-isahing buksan ang mga pintuan ng silid doon hanggang sa may isang pinto ang hindi ko inaasang mabubuksan. Hindi na ako ng dalawang isip na buksan iyon ngunit iyon rin pala ang makakapagpahamak sakin. Pagkasara na pagkasara ko ng pintuan at pagkaharap na pagkaharap ko ay doon ako natigilan. Lumaglag ang panga ko sa pagkabigla at natulala ng mapagtanto ko na washroom pala ng mga lalaki ang silid na napasukan ko. Punong-puno ng mga lalaki ang loob nito. Walang pangitaas na damit na tanging tuwalya lamang ang nagsisilbing takip sa kalahati ng kanilang katawan kaya't kitang-kita ang malulusog at magandang pandesal ng mga ito. Natigilan din ang mga ito ng mapansin ako. Naabutan ko silang may ilan na nasa labas na ng cubicle at nagpupunas na ng tuwalya sa ulo, may nakaupo sa iilang mahabang upuan na nasa bandang sulok, meron namang nasa may locker at kumukuha ng damit, habang ang iba naman ay Kalalabas ng Cubicle. Bakas sa mga mukha nito ang pagkabigla dahil sa hindi inaasahang bisitang darating. Maslalo pang nanlaki ang mga mata ko ng may isang pamilyar na rebulto ng lalaki ang lumabas sa pinakadulong cubicle. Pasipol-sipol ito habang nagsasalita. " t'ng'na, minsan kasi maging lalaki rin kayo. Ang bubulok niyo kasi..." siya iyong kanina ko pa naririnig na nagsasalita sa loob ng cubicle. siya na lang iyong nagsasalita dahil lahat ng kasamahan niya dito ay natahimik na habang nakatulala sakin dahil sa presensiya ko. Natigilan naman siya at napakunot ang noo ng makita niyang tahimik na ang mga kasamahan niya. Hindi pa rin ako nito napapansin. Busy rin kasi ito sa pagpupunas ng buhok niyang basang basa pa, natigil lamang ito ng mapansin niyang wala ng umiimik o tumutugon man lang sa mga sinasabi niya. Isa- isa niyang tiningnan at tinanong ang mga kasamahan niya. " anong nangyari sa inyo? Ba't ang tahimik niyo? Saan ba kayo tumitingin?...." natigilan siya ng sundan niya ng tingin ang tinitingnan ng mga ito..doon lamang siya nabigla at natigilan. Unti-unti ring naglaho ang ngiti sa labi niya. " f*ck." wala sa sariling saad niya kasabay noon ay bigla na lang dumilim ang paligid. May kung sino ang nagtaklob ng mukha ko upang matigil na ang mata ko sa pagtanaw sa magandang tanawin. Pakiramdam ko nga ay pulang-pula na ang mukha ko dahil sa kahihiyang nangyaring iyon. Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko at iniharap ako sa kaniya. Kahit na hindi ko kita ang taong iyon ay ramdam ko ang prisensiya niya. Tumayo ito sa likod ko at hawak-hawak nito ang balikat kong iginaya ako palabas ng silid na iyon. Kahit na hindi ko kilala ang taong iyon ay hinayaan ko lamang na dalhin ako nito sa kung saan. Hindi pa rin kasi tumatakbo sa isip ko ang nangyari. Ilang sandali pa ay huminto rin kami sa paglalakad, muling hinarap sa kaniya. Ilang beses akong napakurap ng tanggalin na niya ang nakatakip sa 'akin. Nakita ko ang rebulto ng isang tao. Nalabo pa ito sa paningin ko ngunit sa kinalaunan ay doon ko lang siya nakilala. " i-ikaw?." iyon agad ang lumabas sa bibig ko. Nakatayo ito sa harap ko habang nakaarko sa pagngisi ang labi niya. Nakalagay ang isang kamay sa bulsa, bakas sa kaniyang mga mata ang pagkamangha na hindi ko maipaliwanag. Umiling-iling pa ito na para bang hindi siya makapaniwala sa ginawa kong iyon. Hindi rin naman nagtagal iyon dahil agad din iyong nawala at napaltan ng pagkunot ng noo habang ito ay nakatitig s'kin. Hindi ko mawari ang paraan ng pagtingin niya sakin. Bahagya pang tumagilid ang ulo nito na para bang sinusuri niya ang bawat sulok ng mukha ko. Agad akong napaiwas. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa nangyari. Gusto kong ibuka ang bibig ko, ngunit walang makuhang dahilan ang utak ko. Ilang beses pa akong napalunok dahil pakiramdam ko. Hinuhusgahan na ako ng lalaking ito sa kaniyang isipan. Sa paraan pa lang kasi ng tingin niya alam kong kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya. "a-hh. Hehehe..." iyan lamang ang tanging lumalabas sa bibig ko habang panay ang pagtingin ko sa paligid. Nagiisip kung papaano makakatakas sa kahihiyang ito. Hindi ko alam kung ano bang meron ngayon at sunod-sunod ang kamalasang dumadating sakin ngayon. Dapat talaga hindi na ako pumasok ngayon e'. Bahagya akong napakagat sa ibabang labi ko. Pumikit at pinipilit na pakalmahin ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD