PROLOGUE
" If others don't like it,
Then let them be.
Happiness is a choice.
Life isn't about pleasing everyday"
________
" arayyyyyyyy!!!!" daing ko ng may kung anong kumurot sa bandang paa ko. Wala ako sa oras na napabangon at nakapikit pa akong tumingin sa paligid. Kainis! inaantok pa talaga ako. Nang wala akong makita ay muli akong bumalik sa pagkakahiga ko.
" aba't! Hoy!!!!" muli na naman akong napabangon at dumaing ng sakit ng may kung anong matigas na bagay ang siyang tumama sa ulo ko. " ano ba?! ---" inis na wika ko pero natigilan ako at nanlaki ang mga mata ng bumungad sa gilid ng kama ko si tita. Nakatuon ang isang kamay nito sa gilid ng bewang niya habang ang isa naman niyang kamay ay may hawak na sandok at pinagpapalo sakin na siya ko namang inilagan.
" wahhh! Tita tama na po! gising na po "
" bwisit kang bata ka! Kanina pa kita ginising!tulog mantika ka talaga! Tanghali na! Hindi ka na nahiya sa nagpascholar sayo!" talak niya. Halos maiyak naman ako sa sakit ng pagpalo niya ng sandok na 'yon. " ahh! Tama na po! Gising na nga po e" mangiyak-ngiyak na saad niya.
" ano? May balak ka pa bang pumaso, hah?" sa pagkakataon na iyon ay tinigilan na niya akong paluin ng sandok na hawak niya. Walang tigil naman ang kamay ko sa paghimas ng mga natamo kong palo sa kaniya. Napanguso na lang ako at napayuko. " Oo na nga po. Papasok na ako" kainis! Inaantok pa talaga ako(=.= ) . Bahagya akong humikab dala ng antok. Madaling araw na kasi ako natulog dahil sa mahabang paguusap namin ni fritzie.
Fritzie sandoval, ang kababatang itinuring ko ng kapatid ko. Magkaklase kami since elementary. Ngayon lang kami maghihiwalay ng school dahil bagong transfer ako sa isang sikat at pinapangarap ng lahat na Paaralan. XEN UNVERSITY ang. ‘ngalan ng paaralan na iyon. pinaningkitan ako ng mata ni tita at dinuro pa nito ang hawak niyang sandok sa harap ko. akala ko nga ay ipapalo niya naman ito sakin kaya't agad na angrespond ang katawan ko upang umilag doon.
" naku! siguraduhin mo lang na bata ka! Pagbaba ko dito at hindi ka pa nakakaligo at nakakapag ayos. Humanda ka talaga sakin!" pagbabanta niya at nagmamadali na itong lumabas ng kwarto ko dahil nangangamoy na ang niluluto nito.
" kainis ka talaga kelly! Nasunog pa ang niluluto ko ng dahil sayo!!" pagbibintang niya. Napabusangot na lang ako. Ako pa talaga=_= ako ba nagluluto?. Napabuntong hininga na lang ako at nagkakamot ng ulong bumaba ng kama. Niligpit ko na muna ang hinigaan ko bago nagtungo sa baniyo. Ang kaninang putak ng putak na babae, she is zyril cyton. Ang maganda pero masungit kong tita.
Siya na ang taong kumupkop sa 'akin matapos akong makomatos sampung taon na ang nakakalipas. Tatlong buwan akong nakoma at paggising ko. Boom!. Wala na akong maalala, halos lahat ng ala-ala ng mga magulang ko'y nawala na parang bula kasabay ng kanilang pagpanaw dahil sa aksidenteng 'yun 10 years ago.
Gusto koman makaalala at pilit kong inaalala ang lahat ng nakaraan ko ay hindi ko kaya. Sabi kasi sa 'akin ng doctor masyadong nadamage ang utak ko dahil sa aksidenteng 'yun at isang milagro daw' ang nangyari sa pagkabuhay ko. 50% daw kasi na mabuhay ako at 100% na pwede na akong bawian ng buhay noong mga panahong 'yun. Noong una hindi ko matanggap ang lahat. Ang sakit para sa 'akin namawalan ng alaala, 'yun na lang kasi ang kaisa-isang pwedeng maiwan sa 'akin ng mga magulang ko pero nawala pa, kahit ang mga mukha nila hindi koman lang maalala.
Matapos kung maligo ay isinuot ko na ang unform ng XU na bagong paaralan na papasukan ko. Masasabi kung cute ang uniform nila pero di' pa rin ako comfortable dahil masyadong maiksi ang palda nila. Hanggang ibabaw ng tuhod kasi ang iksi nito at ang blouse? pinaibabawan naman ng long sleeve checurd na kulay asul din. Ganoon din ang necktia. Maganda siya pero hindi ko siya gusto(=.= ) . Sandali kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Masasabi kong bumagay naman sakin ang uniform nila, nagmukha akong koreana pero hindi pa rin ako comfortable.
Tamad kong inayos ang maiksing buhok ko. Sandali ko lamang itong sinuklayan at naglagay na rin ako ng kaunting liptint dahil medyo nanunuyo na ang labi ko. i'm a scholar student in that school. Ayokomang pumasok sa paaralan na ito dahil maayos naman ang pamumuhay ko sa paaralan ko before, wala na akong nagawa dahil di' na sapat ang pera namin sa tuition ko sa dati kong pinapasukan.... Hindi ko rin alam kung saan nakahagilap si tita ng magpapascholar sakin pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit papaano ay may tumulong samin para magpatuloy ako sa pagaaral ko.
Balak ko na sanang huminto sa pagaaral dahil hindi na talaga namin kaya,,kaya't gusto kong magpasalamat sa taong iyon.
NALAGLAG ang panga ko ng bumungad sa harap ko ang napakalaking gate at ang dalawang malalapad na pader na pumapagitna dito. " woah!" arko ng bibig ko dahil sa pagkamangha. Kasabay noon ay ang marahan na hangin na siyang dumaan dahilan ng paglipad ng mga tuyong dahon sa ere'. Napakaganda at nakakasilaw sa mata ang gate na ito, lalo na't nasisikatan ito ng araw. Hindi ko alam kung tama ba ako ng hinala na gawa ito sa purong ginto dahil kulay pa lamang nito ay nakakasilaw na. Buti na lamang at walang nagtatangkang magnakaw nito. Kasi kung magnanakaw ako? Naku!bukas wala na silang gate(^^).
" XEN UNIVERSITY" basa ko sa itaas ng malaking gate na iyon. Maganda rin ang pagkakahabi ng pangalan na iyon sa itaas ng gate at mukhang gawa naman iyon sa silver. Mukhang sulit naman pala ang pagpasok ko sa paaralan na ito. labas pa lamang nalaglag na agad ang panga ko, paano pa kaya kung pumasok na ako sa loob. Sa computer ko lang kasi ito nakita nang magresearch kami ni fritzie tungkol dito.
" ay!! Kalabaw!" malakas na sigaw ko at napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat ng makarinig ako ng busina ng sasakyan sa likoran ko. Mabilis akong humarap dito at agad na gumilid ng makita ko ang nakasilip na driver sa bintana ng van na iyon. " ano ka ba? Magpapakamatay ka ba?" inis na sita nito sakin. Hindi ko iyon pinansin. sa halip ay nakatulala lamang ako sa maganda at mukhang mamahalin na van na sinasakyan nito, puting-puti ang kulay nito na halos makita ko na ang repleksyon ko rito. Maslalo naman akong namangha ng magsimula na itong umandar at magbukas ang gate na kanina'y hinahangaan ko lamang din.
Napapikit pa ako ng bahagya ng kuminang dahil sa sikat ng araw ang van na iyon. " ano kayang pakiramdam ng nakasakay sa sasakyan na yan?" tanong ko sa 'aking sarili ng hindi inaalis ang paningin ko rito, hanggang sa makapasok na ito sa loob ay nanatiling nakasunod ang paningin ko rito. Sa huli ay natawa na lamang ako sa naisip ko. Paano nga ba naman ako makakasakay sa van na 'yan? Taxi pa lamang ay hindi na kaya ng sikmura ko, iyan pa kayang mamahalin na 'yan?( •᷄ - •᷅ ) tss, paniguradong madudumihan lamang ang van na mabibili ko kung sakali.
" iha? Studiyante ka ba sa paaralan na ito?"
" ayy! palaka!"
" ano? Ako palaka?"
Halos mapatalon na ako sa gulat ng bigla na lamang sumulpot sa harap ko si manong gard. May hawak pa itong baston. Napailing ako at inayos ang sarili. " hindi po, nagulat lang po" pagtatama ko sa sinabi niya. " at opo. Studiyante rin po ako rito" nakangiting pagkokompirma ko at itinuro ko pa ang nakatatak sa dulo ng nectia ko, ang simbulo ng XU. Sandali naman niya iyong tiningnan. Hindi ba obvious sa suot ko?(=.= ).
Tiningnan din nito ako mula ulo hanggang pa dahilan para makaramdam ako ng pagkailang. Napatingin din ako sa sarili ko upang tingnan kung may mali ba sa suot ko at nakakailang ko siyang tiningnan. " a-ahh...bakit po? May problema po ba?" takang tanong ko. Umiling naman ito agad. " ahh, wala naman. kung ganoon, ano pang ginagawa mo riyan? ba't hindi ka pa pumapasok sa loob? " balik na tanong nito.
sa puntong iyon, ako naman ngayon ang sumuri sa kaniya. pinaningkitan ko siya ng mata at iniskan ang bawat ditalye ng kaniyang katawan. Medyo chabby ito at medyo hapit sa kaniya ang kaniyang uniform pang guwardiya. May taling ito sa may bandang labi at parang sundalo naman ang gubit ng kniyang buhok, bilugin ang mukha nito at singkit ang mata mata. Medyo malaki ang butas ng ilong at medyo lumilitaw na ang rincle nito sa mukha.
Sa tingin ko ay nasa edad 40 na ito dahil medyo may puti na rin ang buhok nito. Tulad ko ay napatingin din siya sa kaniyang sarili. " b-bakit? May problema ba?" hindi ko alam pero bigla akong natawa sa ginagawa namin. Nagmumukha na kasi kaming tanga. Nakangiti akong umiling sa tanong niya at hinawakan ang balikat nito. Sandali kong pinagpagan ang balikat niya na may kaunting gabok saka siya tiningnan sa mga mata habang nakaikom ang bibig.
" nice to meet you lolo....pagbutihin niyo pa po ang inyong trabaho." proud na saad ko dito at tinapik ko muna ang balikat niya, bago ito nilagpasan. Bahagya kong nakagat ang ibabang labi ko sa pagpipigil ng tawa ng makita ko ang reaksyon niya. Clueless.
bakas din sa mukha nito ang pagkalito sa sinabi ko. Mukhang magiging magkasundo kami ni lolo, wala pa akong guwardiya na hindi nakakasundo. Sa dati ko kasing pinapasukan. Kilalang-kilala ako ng mga guwardiya.
Halos hindi na mapirme ang mga mata ko sa pagtanaw ng mga gusaling nadadaanan ko. Masdumoble pa pala ang ganda ng loob ng XU. Pagpasok pa lamang rito ay agad ng bubungad sayo ang iilang magagandang halamang nakatanim sa gilid ng daraanan mo at sa dulo nito ay madadaanan mo na ang mga malalaking gusali, marami din pasikot-sikot rito na panigurado akong maaari kong ikaligaw. Napahinto ako sa paglalakad ko ng sumalubong sakin sa gitna ng XU ang napakalaking Fountain na purong gawa sa ginto.
Halos masilaw ako sa ganda nito lalo na't natatamaan ito ng sikat ng araw. Hindi ko rin maiwasang mamangha sa pagkinang ng tubig na rumaraga sa itaas nito dahil tulad ng ginto ay kumikinang din ito kapag nasisikatan ng araw. Sa palibot naman ng fountain ay makikita ang apat na rebultong lion, chita, tiger, at leopard. Gawa naman ito sa silver at gawa naman sa daimond ang mga mata nito. Habang nawiwindang ang mga mata kung pinagmamasdan ang mga rebultong iyon ay nahagip naman ng mata ko ang bawat nakaukit sa ibaba ng mga rebultong iyon.
"Leonardo montefalco"
"lester villarubia"
"Justin fadrigon"
" Jack clymer"
Iyan ang mga nakaukit sa bawat rebulto at sa ibaba ng mga pangalan na iyon ay may nakalagay na date na mukhang araw kung kailan sila pinanganak at namatay, maliban lamang doon sa jack clymer na nasa pinakahuli. Nakaukit lamang dito kung ano ang pusisyon niya sa paaralan na ito at mukhang siya ang dean at namamahala rito. Hindi ko alam pero sa isang pangalan lamang natigil ang mga mata ko.
" Leonardo montifalco" muling bigkas ko sa unang pangalan na nakita ko, Bakit parang napakapamilyar sakin ng pangalan na ito? Pakiramdam ko ay parang narinig ko na ito before. Hindi ko rin maintindihan kung bakit bigla na lamang nanikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay may pumipiga nito, Napakabigat. halos nahihirapan na rin akong huminga. Nakita ko na lamang din ang sarili ko na nakahawak na sa 'aking puso. Anong nangyayari? Bakit parang napakalaking bagay para sakin ang pangalan na iyon?.
Nabalik lamang ako sa 'aking ulirat ng marinig ko ang bulungan ng paligid. Doon ko lamang napansin na kanina pa pala ako pinagmamasdan ng mga studiyanteng naandito. Lahat sila grabe kung makatingin, animo'y para akong may kung anong sakit. Sa tingin pa lamang nila ay halatang hindi na talaga ko welcome sa paaralan na ito. Inayos ko na lamang ang sarili ko at sandali pa munang pinagmasdan ang pangalan na iyon bago muling maglakad.
nagpatuloy na lang muli ako sa ginagawa ko at hindi na lamang pinansin ang mga ito. Napangiti naman ako sa kagalakan ng makarating ako sa isang napakalawak na kapatagan, kulay berde ito at napapalibutan ng mga puno at makikita rin sa paligid ang mga bench na gawa sa antik na kahoy. Mukhang ito na field na sinasabi nila. Medyo maraming tao ang namamalagi dito at masasabi kong napakapayapa rin ng lugar na ito. Ang sarap lang tumakbo at magpatambling-tabling dito. Sobrang lawak kasi na halos libong tao ay maaaring magkasya rito. oky na sana ang pagpapantasya at pagkahanga ko sa lugar na ito ngunit agad ding nawala ang ngiti sa labi ko ng may mahagip ang mata ko.
dalawang taong nakaupo sa isang bench, hindi kalayuan sakin na nagsasalo sa kanilang pagmamahalan. Hindi na sila nahiya, di' ba sila awear na paaralan ito at hindi hotel?. Gusto ko na tuloy bawiin ang sinasabi kong kapayapaan. Hindi na siya ganun ngayon. Nangangasim ang mukha kong nagpatuloy sa paglalakad, palayo sa mga taong iyon pero hindi paman ako nakakalayo ay may isang napakalaking pader akong nabangga na halos ikaalog na ng ulo ko.
Muntikan pa akong tumalsik, mabuti na lamang ay agad akong nahawakan ng nilalang na iyon. Ramdam ko ang paghawak nito sa braso at bewang ko dahilan upang magdikit ang aming mainit na katawan. Nalasap ko rin ang napakabangong pabango nito, inperness! Nakakaadik yong amoy(^^) Hindi ko alam pero sa amoy pa lamang na iyon ay tila bumagal ang pagkilos ng paligid, gayon din ang mundo naming dalawa. Dahan-dahan akong tumingala at sandaling natigilan na may panghihinayang ng makitang nakamask lamang ang istrangherong nakabangga ko.
Nakaitim itong mask, ngunit ganun pa man. Hindi ko pa rin mapigilang matulala sa napakaganda niyang mga mata na nangungusap. Singkit ito na may pagkapungay. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nakatitig sa isa't-isa. Napukaw lamang iyon ng may marinig kaming sigiwan na tila papalapit samin.
"wahhhh! Jarred! "
" jarred may love!"
"mahal ko!!!"
Sabay kaming napalingon sa kaliwa namin at halos malaglag ang pangako ng makita ko ang mga kababaihan na tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin. Kitang-kita ko ang pagusok ng daang dinadaanan nila dahil sa dami ng mga ito at sa bilis ng kanilang pagtakbo na halos naguunahan pa.
" d*mn it!" napalingon ako sa taong nakabangga ko na ganoon pa rin ang puwesto namin. Nagulat naman ako ng hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako patakbo palayo sa mga iyon. Sa puntong iyon, hindi ko rin alam kung bakit hinahayaan ko lamang sa lalaking ito na halilahin ako. dapat sa mga puntong ito ay nagpupumiglas na ako at tinatanong siya kung bakit dinamay niya ako sa pagtakas sa mga fans niya.
Hindi rin naman kasi ako awear na may artista rin pala sa paaralan na ito. Dinaig niya pa ang mga artista. Ang dapat dito ay binibigyan ng taga bantay. Pati ako dinadamay e(=.= ) . Sa punto ring iyon, tila bumagal ang paggalaw ng lahat. Ang pagtakbo ng mga babaeng humahabol samin at ganoon din kami. Nakatitig lang ako sa kamay naming magkahawak.
Pakiramdam ko tuloy nasa isang drama kami at hinahabol kami ng mga kalaban. Huminto kami sa isang building na may iskinita. Doon niya ako dinala. masyadong makipot ang iskinitang ito. Isinandal niya ako sa pader at siya naman ay tumayo sa harap ko. Itinuon niya ang dalawa niyang kamay sa pader na pinagsasandalan ko.
Hindi na ako makahinga ng ayos. Masyado siyang malapit sakin. Masikip ang iskinitang pinagtataguan namin kaya't napakalapit ng mukha nito sakin. Rinig na rinig ko rin ang mabigat na paghinga niya. Sandali niya akong tinitigan saka niya itinapat ang daliri niya sa tapat ng kaniyang mask. Sinyales iyon na huwag akong maingay, Kusa namang tumango ang ulo ko.
Mahigpit ko lamang na hawak ang mga kamay ko habang ito ay nakapatong sa dibdib ko. Sandali siyang sumulip sa labas ng iskinitang pinagtataguan namin. Hindi ko naman maalis ang tingin ko sa kaniya. Ang hugis pa lamang ng
Panga nito ay masasabi kong perpekto na, kaya't panigurado akong gwapo ang lalaking ito. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong alisin ang mask niya. Nacucurious kasi ako kung ano ang itsura niya.
Nakita ko na lamang ang sarili ko na unti -unti ng inilalapit ang kamay ko sa mask na suot niya. Natigilan lamang ako at mabilis na inilayo ang kamay ko ng muli siyang tumingin sakin.
Nang mawala ang mga babaeng humahabol samin ay agad na siyang umalis sa harapan ko at lumabas sa iskinita at ganoon din ako. Balak na sana nitong umalis ng pigilan ko siya. " sandali" laking pasalamat ko naman at huminto siya, at nilingon ako. Isang katanungan ang nakita ko sa mga mata niya. Nginitian ko naman ito ng may hiya kasabay ng pagkamot ko sa aking ulo.
" a-ahh. Ano kasi.. Bago lang ako dito. Kung pwede lang naman po. Alam niyo po ba kung saan dito 'yong deans office? Mukha kasing naligaw na ako dahil sa----"
hindi na ako nito pinatapos sa pagsasalita at agad na niya akong hinilang muli sa kung saan. Huminto kami sa isang malaking building. " a-ahh. Anong--" nakatingala ako sa gusaling iyon habang nagsasalita, ngunit agad akong napalingon sa kaniya ng magsalita ito. " akyatin mo lang ang building na 'yan. Nasa 15 floor ang office ni mr. Clymer. " gusto ko pa sanang magsalita upang magpasalamat sa kaniya kaso bigla na lang itong tumalikod at umalis.
Grabe! hindi naman siya nagmamadali noh?.
Kanina pa ako tinatayuan ng ugat sa paa sa tagal ko nang nakatayo dito sa tapat ng pintuan ng office ni mr. Clymer. Hindi ko kasi alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan. Doon kasi sa mga una kung nakahalubilong dean, napakaterror. Ang sungit at maatitude, sana itong makakausap ko ay isang anghel at hindi mukhang hulk na umuusok ang ilong....pinakalma ko na muna ang sarili ko, ilang beses akong humingi ng malalim bago kinatok ng tatlong beses ang pinto. " come in" tugon na nasa loob at pinihit ko na ang doornap ng pintuan.
Natulala naman ako at hindi nakaimik ng bumungad sakin ang isang mukhang anghel na nilalang na nakaupo sa office desk. nakatuon ang atensyon nito sa kaniyang loptap. Seryoso at nakakunot ang noo. Napukaw lamang ito ng mapansin ang pagsilip ko sa loob ng office niya. Isang ngiti ang ibinigay niya sakin na ikinalaglag naman ng puso ko. Char. Ba't ganun? Ba't parang ang bata pa ng dean dito? Mukhang may duminig sa kahilingan ko na sana isang anghel ang bumungad sakin.
Masasabi kong napakagwapo niya, makisig ang katawan nito. Malapad ang balikat, maliit ang ulo ngunit bumagay naman ito sa kaniyang pangangatawan. Manipis ang labi nito at maliit ang ngipin. Matapos ang ang ilong at mapupungay ang mga mata. he' s so perfect. Tumayo ito. " ikaw pala miss cyton. Have a seat" may paggalang na wika niya at itinuro pa nito ang upuan na nasa tabi ng office desk niya. nakangiti naman akong tumango at nagtungo doon.
" your scholar rigth?" may kinuha ito sa ilalim ng desk niya na folder. Binuklat niya iyon at tiningnan. " opo. gusto ko lang po malaman kung saan ang section at room ko. Masyado po kasing malaki ang school na ito. Haha. Naligaw pa nga po ako papunta dito e. Buti na lang may nag guide sakin" mahabang paliwanag ko. " guide?" may pagtatakang tanong niya at sandali muna ako nito sinulyapan. Tumango ako. " opo.." sagot ko naman. " who?" koryosidad na tanong niya. Muli siyang binalik ang atensyon niya sa tinitingnan.
" Hindi ko po kasi namukhaan sir, nakamask po kasi siya. pero narinig ko po doon sa mga humahabol sa kaniya is Ja..." pilit ko pang iniisip kung ano nga bang name ang sinisigaw ng mahaharot na mga babaeng yon. " jarred?" siya na ang nagtuloy na dapat ay ako ang magsasabi.
Ilang beses akong tumango ng may pagkukumpirma na iyon nga ang lalaking iyon. napangiti ito at isinara na ang folder na iyon na mukhang document ko, saka ako nito tiningnan. " i see. He is our SSG president in this school" natigilan ako. grabe! Seryoso ba siya? Naencounter ko agad ang SSG ng paaralan na ito? Bigla tuloy nagsink in sa isip ko ang pangyayari kanina. Kung papaano naglapit ang aming mga katawan. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa kahihiyang iyon. Sana di' na kami magkita pa.
Pero ang pinagtataka ko lang, SSG pala siya dito pero bakit hinahayaan niya lang na habulin siya ng mga babaeng ‘yon?.
" i'm glad at nagkita na kayong dalawa ms. cyton." nakangiting pagbati nito at sumandal siya sa kaniyang upuan. Isang tipid na ngiti na may pagkailang naman ang ibinigay ko sa kaniya. " seryoso po kayo? SSG siya?" pagsisiguro ko. Baka kasi na bingi lang ako.
natawa naman ito. Infairness, masayahin ang dean niyo( •᷄ - •᷅ ). " hehehe.." pagtawa ko naman. " do you think i'm joking around?" banat naman nito na ikinatigil ko. Tumango-tango na lang ako. " Oo nga po, sabi ko nga di' kayo nagbibiro." hindi pa rin nawawala ang ngiti niya. Hindi ko rin masabi kung bakit naiilang ako sa mga tingin niya sakin.
siguro, masyado kasi siyang gwapo. Nakakakapos ng hininga. Kailangan ko ng fresh air at hindi fresh face. Hindi ko rin alam kung ilang segundo siyang nakatitig sakin bago niya binasag ang nakakailang nakatahimikan na iyon. " so.. Kelly cyton, i really expecting na pupunta ka rito. Medyo nagkaroon lang kami ng kaunting problema sa mga schedules so, itong section na ilalagay sayo ay pansamantala pa lamang. Aayosin pa lang namin lahat dahil marami ding mga bagong student na kasabayan mo. " paliwanag niya. tango lamang ako ng tango habang sinasabi niya ang mga iyon.
may ibinigay siya saking pangalan ng section na may kasamang kulay. Sinabi niyang sa bawat seksyon daw ay may kaniya-kaniyang kulay at may meaning daw iyon. Gusto ko sanang malaman kung ani iyon kaso di ' na niya sinabi. Sabay kaming tumayo at nagkamayan upang magpaalam sa isa't-isa.
" thank you po" wika ko, Hindi ko pa rin maiwasang mailang at makatingin ng diretso sa kaniya. Kanina ko pa kasi napapansin ang diretso niyang pagtitig sa mga mata ko habang nagsasalita siya. Ang weird niyang tumingin, nakakailang na para bang kilalang-kilala na niya ako. " you really look like her" wala sa sariling saad niya na agad kong pinagtaka. " p-po?" takang tanong ko ng hindi pa nito binibitawan ang kamay ko.
"a-ahh... Nothing, don't mind me..." Agad na nitong binitawan ang kamay ko. " anyway...nice to meet you miss cyton. Ako nga pala si jack clymer. They call me sir. Or mybe you can call me mr. jack. " pagpapakilala niya sa kaniyang sarili.
Tumango na lamang ako bilang pagtugon sa sinabi niya. Matapos noon ay umalis na rin ako, agad sa office niya. Hindi talaga kasi ako comfortable sa mga titig niya sakin. Hindi naman sa sinasabi kong manyakis siya. Hindi lang talaga ako comfortable sa kaniya, para kasing may kakaiba e'. Hindi ko lang maipaliwanag. Pero infairness ang lampot ng kamay niya. Kasing lambot ng ulap(^^). Sorry, lumalandi na naman si self.
Kumunot ang noo ko ng makasalabung ko dito sa may faculty ang mga studiyanteng nagkakagulo at nagkukumpulan. Anong meron? Nandiyan na naman ba si ssg/ mr. mask boy?.
" wahhhh! I love you reiko!"
"daniel!!! Mahal pa rin kita!!"
" Please! Mahal ko kayo!"
Grabe! Ang ingay! halos lahat ng boses nila naghalo na sa pandinig ko. Ang sakit nila sa ears. Wala na rin naman akong choice kung hindi dumaan doon dahil ito lamang ang way ng pupuntahan ko. Nakipagsiksikan ako sa kanila. Nakipagtulakan hanggang sa makalabas akong muli sa mga ito. May tumulak sakin dahilan ng muntikan kong pagsalampak sa lupa, mabuti na lamang at may sumambot sakin. Napasubsub pa ako sa malaking dibdib nito dahilan upang maamoy ko ang napakabango nitong pabango.
Hindi ko alam pero tila biglang tumahimik ang paligid. Napalitan ng bulungan ang kaninang tilian ng mga studiyante.
" woah.."
" ayos lang ba siya?"
Dahan-dahan akong tumingala upang tingnan ang taong na bangga ko at halos maistatwa ako sa kinauupuan ko ng isang muling anghel ang namataan ko. Blanko ang mukha nitong nakatingin sakin, mapungay ang mga mata nito. Maliit ang hugis ng mukha. Bagsak ang buhok dahilan upang tumama ang hibla nito sa kaniyang makapal na kilay. maliit ang labi nito na medyo makapal ang ibaba. Ilang ulit akong napakurap ng mata habang nakatulala ako dito.
Anong meron sa paaralan na ito? Bakit puro anghel ang namamataan ko? Pakiramdam ko tuloy kinukuha na ako(=.= ) . Natauhan lamang ako sa pagtitig sa kaniya ng itulak niya ako palayo. Malakas ang pakakatulak nito sakin kaya't muntikan na rin akong mawalan ng balanse, buti na lamang at may sumabot pang isa sa 'akin. " ohh.. Bro, ingat naman" nasa likod ko ito, nakahawak sa magkabilang braso ko upang alalayan ako.
Matangkad din ang isang ito, maliit din ang mukha. Bilugin ang mga mata at hugis puso ang kaniyang labi. Bagsak din ang buhok nito na nakahati sa gilid, at may hikaw ang kaliwang tenga niya. " oky ka lang ba miss?" tanong nito ng balingan na niya ako ng tingin. Hindi ako sumagot, agad akong tumayo sa pagkakasandal ko sa kaniya at lumayo dito ng bahagya.
" hi.. Are you a new kid?" may is pang sumulpot sa harap ko, Matangkad din ito at malapad ang dibdib. Medyo may kahabaan ang buhok nito na bagsak din. Medyo malaki ang mukha at pangahin. Matangos ang ilong, medyo mapungay ang mga mata, hugis puso rin ang labi nito na medyo makapal.
Ano na bang nagyayari? saang Lugar ba ako na punta? Bakit parang mali ata itong napasukan ko. Inilibot ko ng tingin ang mga mata ko. Lahat ng mga studiyanteng nakapalibot samin ay natahimik, ngunit na ngunguna ang kanilang bulungan habang nakatingin sakin ng may panghuhugas. Habang ang apat na lalaki naman ito ay nakapalibot na sakin. Hindi ko rin inaasahan ang isa pang lalaki na parang pamilyar sakin. Nakatayo ito sa tabi noong lalaking nakabangga ko.
Nakatingin ito sakin ng walang imosyon. Singkit na may pagkapungay ang mga mata nito, manipis ang labi at maliit din ang hugis ng kaniyang mukha.
Sa puntong iyon. Tila bumilis ang pagikot ng mundo, tumahimik ang paligid kasabay ng paghangin ng marahan dahilan ng pagsayaw ng hibla ng aming mga buhok.
Saksi ang mapayabang ulap sa kalangitan kung paano nagtagpo ang aming mga landas...