" I never lie because i don't fear anyone. You only lie when your a fraid." - jhon gotti
|❆NARRATOR❆|
" babe..." may lambing na sambit ni reiko habang ito ay nakatayo sa gitna ng sala na pinalilibutan ng dalawang mahabang sofa at dalawa pang maiksing upuan na gawa sa kutson.
Kasalukuyang namamahinga ang apat na magkaibigan sa isang kakaibang silid. Isang silid na tanging silang apat lamang ang maaaring makapasok dito. Ang silid na ito ay tila maihahalintulad lamang sa rest house. May sala, kusina at sa itaas nito ay may maliit na library kung saan doon lagi namamalagi si jarred.
Si Jarred van delson ay isa sa pinakatahimik sa kanilang apat. Wala itong ginagawa kung hindi ang magbasa lamang ng mga libro. Hilig na niya ito simula ng mabasa niya ang isang nobela na nagpaantig sa kaniyang puso. Hinding-hindi niya makakalimutan ang kwentong iyon at hanggang ngayon, sariwa pa rin sa kaniyang puso't isipan ang kwentong iyon. 13 taong gulang lamang siya ng mabasa niya ang kwentong iyon at simula noon ay nakahiligan na niyang magbasa ng mga nobela.
Lalong lalo na kung ang mga kwento ay nagtatapos sa nakakalungkot na pangyayari. Hindi niya alam kung bakit mas-gusto niya ang malungkot na katapusan ng kwento kesa sa masayang katapusan. Tila parang mastumatatak kasi ito sa kaniyang puso't isip na kahit lumipasman ang mga taon ay magiging sariwa pa rin ito sa tuwing aalalahanin niya ang mga pangyayari sa kwentong kaniyang binasa.
Silent person/tahimik na tao. Ang bansag sa kaniya ng mga studiyante sa Xen University. Hindi pa kasi nila ito naririnig na umimik sa ibang tao. Tanging mga kaibigan lamang ang kinauusap nito at kung magsalita pa ito ay nakapatipid na para bang ayaw niyang magsayang ng kahit na gatitingna laway sa kaniyang bibig.
Subalit kahit ganoon ang pakikitungo ni jarred sa lahat ay maasahan naman ito sa kanilang trabaho bilang isang gangster. Doon lamang nagiging mahaba ang talumpati at pagsasalita ng taong ito at bukod doon, may kabuluhan lagi ang mga salitang binibitawan niya.
Kasalukuyang nakaupo sa maikling upuan na gawa sa kutson ang binatang ito habang nakadikwatro ang paa at mataimtim na nagbabasa ng librong kasalukuyang hawak niya. Sa oras na may hawak na itong libro ay aasahan mong wala na itong pakealam sa paligid niya. Kahit magingay kaman sa tabi niya ay wala itong ibang gagawin kung hindi ang magbasa, kaya't minsan ay makikita mo itong nakasuot ng headset upang hindi ito maistorbo sa kaniyang pagbabasa.
Ang kanina namang nagsalita at nakatayo sa gitna ng sala ay nagngangalang Reiko Kyve Wheeler. Siya ang isa sa pinakapilyong binata sa kanilang magkakaibigan. Hilig nitong maggala at gumimik. halos lahat na nga ata ng bar dito sa pinas ay napuntahan na niya. Ang tawag sa kaniya ng mga kaibigan niya ay party boy habang ang bansag naman sa kaniya ng karamihan ay womanizer. Bukod sa mahilig ito sa pagpunta ng mga bar ay hilig din nitong mandagit ng mga babae.
Hindi matatapos ang gabi ng wala siyang nagagalaw na babae sa isang araw at Mukhang halos lahat din ng babae sa loob ng bar na pinupuntahan niya ay nagalaw na nito. Ngunit, sakabila ng kapilyuhan ng binatang ito ay maasahan mo naman siya sa lahat ng bagay lalo na't sa kanilang mga mission. Pagdating dito ay makikita mo na ang pagiging seryoso niya na animo'y hindi ito ang reiko na pilyo at mahilig sa mga babae.
" babe!" nagniningning naman ang mga matang saad ni daniel na kasalukuyan ding nakatayo sa Gitna ng sala na katapat ni reiko. Magkahawak kamay ang dalawa na animo'y parang magkasintahan na ngayon lamang nagkita. Nakangiti ang mga ito na para bang sabik na sabik sa isa't-isa.
Si Daniel Van Delson ay pinsan ni jarred. Kung tahimik at mabait na tao si jarred. Kabaliktaran naman ang kay daniel. Siya ang numero unong napakapilyo sa kanilang magkakaibigan. Siya ang pasimuno ng lahat. Palangiti at puro kalokohan lagi ang iniisip. Mahilig din itong maggala at gumimik kung kaya't masnagiging magkasundo silang dalawa ni reiko kumpara sa dalawa nilang kaibigan na tahimik at laging seryoso sa lahat ng bagay.
Kung si reiko ay tinatawak ng karamihan na womanizer. Boyfriend naman ng bayan ang tawag ng karamihan kay daniel. Halos lahat na kasi ata ng babae dito sa mundo ay naging girlfriend na niya at nakarelasyon na nito. Mapaibang bansaman o sa bawat sulok ng mundo ay may nagiging jowa ang binatilyong ito. Hilig niya rin kasing magtravel sa iba't- ibang bansa kaya't saanman siya manpunta ay asahan mo ng may nagiging jowa ito.
" i miss you babe.." muling sambit ni reiko na may lambing.
" i miss you more.."
Maslalo silang naglapit sa isa't- isa na animo'y malapit ng mahalikan ang mga ito. " ikaw lang talaga ang kaisa-isa kung iniibig at ikaw pa lang----" natigil ang pagsasalita ni reiko ng itakap ni daniel ang kanilang hintuturo sa labi nito. " shhhh! " pagpapatahimik niya sa kanilang kaibigan at bahagya pa itong nakapikit na animo'y para silang nasa loob ng pinikula at silang dalawa ang main characters.
Muling iminulat ni daniel ang kanilang mga mata at tiningnan si reiko ng diretso. " itigil mo na iyan babe. alam kong nirerespeto mo ako ngunit nais kong makamit ang iyong matamis na halik. Pakiusap, pagbigyan mo na ako" may pagsusumamong sambit niya. bahagya silang nagkatitigan sa isa't-isa na para bang nasa isa silang drama na magkakatitigan muna ang dalawang karakter sa kwento at matapos iyon ay unti-unting maglalapit ang kanilang mga mata na ngayo'y ginagawa na nila.
Samantala, Hindi na naman mataim pa ng isa pa nilang kaibigan na nakaupo rin sa isang mahabang sofa na katapat lamang ni jarred ang pinaggagawa ng dalawang binatilyong ito. Napakasama na ng tingin ng binatang ito sa kanilang dalawa na para bang gusto na niya itong sipain palabas ng kanilang hide out. Ngunit iniisip niya lamang na kaibigan niya ito kaya't hindi niya iyon magawa.
Jihoon Clark Klein Clymer ang ngalan ng binatang ito. Kakaiba siya sa kanilang apat. Hindi ito pala imik, mabilis uminit ang ulo, minsan kalmado at laging seryoso ang mukha na para bang pasan-pasan niya ang problema ng buong mundo. Hindi rin ito mahilig makipag halubilo sa ibang tao. Tanging mga kaibigan niya lamang ang lagi niyang nakakasama.
Hindi rin siya mabilis magtiwa sa kahit na sino at marami din itong sikretong itinatago na tanging siya lamang ang dapat na nakakaalam. May matinding demoniyong nakakubli sa likod ng napakagwapo at mala-anghel nitong mukha. ――― sabi nga ng iba, huwag kang maniwala sa nakikita lamang ng iyong mga mata dahil ito ang pwedeng makapagpahamak sa iyo.
" f*ck! Pwede ba tumigil na kayo sa katangahan niyo!" iritang sambit nito sa dalawa niyang kaibigan na malapit ng magdikit ang mga labi. nahinto naman ang dalawa sa kanilang ginagawa at kagat labi ang mga itong nagpigil ng pagtawa. Hindi talaga maiiwasan sa dalawang ito ang maging pilyo lalong-lalo na kapag pinagsama ang kanilang mga ugali. Lahat ng bagay ay napagkakasunduan nila. Lalo na kapag tungkol na ito sa mga babae. tawang- tawa ang dalawang nagakbayan sa isa't- isa saka hinarap ang kanilang kaibigang nagalboruto na sa inis.
Samantala ay wala naman pakealam ang isa pa nilang kaibigan na busy pa rin sa pagbabasa ng librong bago pa lamang niyang nababasa. Ang librong binabasa niya ngayon ay tungkol sa action and romance. Ipinadala pa ito sa kaniya ng kaniyang ina galing sa ibang bansa at nitong isang araw niya lamang ito na tanggap.
" ayos ba 'yong akting namin? Pwede na ba kaming maging artista?" pilyong sambit ni reiko sa kanilang kaibigan na halos mag ivolve na bilang isang hulk. Natatawa pang nagkatinginan ang dalawa at nagapir sa isa't- isa. Isang blankong mukha lamang ang ipinukol sa kanila ni jihoon na animo'y gusto na niyang tunawin sa tingin ang dalawang ito upang matigil lamang sa kahibangan nila.
" titigil kayo? O makakatikim kayo s'kin?" may pagbabantang sambit nito sa kaniyang mga kaibigan. Hindi naman natinag ang dalawa dahil sanay na ang mga ito sa ugali ng kanilang kaibigan na parang pinaglihi sa sama ng loob.
Tinawanan lamang nila ito. " ito naman hindi mabiro." natatawang lumapit ang dalawa kay jihoon at naupo ang mga ito sa kaniyang tabi. Sa kaliwang tabi naupo si daniel habang sa kanang tabi naman naupo si reiko. Aakbayan pa sana ng dalawa ang kanilang kaibigan upang humupa na ang init ng ulo nito pero hindi na nila iyon nagawa pa dahil pakiramdam nila ay tingin pa lamang ng kanilang kaibigan parang pinapatay na sila nito.
Sumandal na lamang ang mga ito sa sandalan at patawa-tawang tumingin sa kesame. Ginawa pang unan ni daniel ang dalawa niyang braso upang masmaging komportable ang pagkakahiga nito sa sandalan ng sofa.
" bakit ba ang init-init ng ulo mo?" ganoon na lamang din ang ginawa ni jihoon. Kanina pa niya gustong mamahinga at makatulog pero hindi niya magawa dahil sa dalawang ito. " Oo nga! Di'ba dapat relax tayo ngayon kasi pahinga natin?" pagsang ayon naman ni daniel sa naging bigkas ng matalik niyang kaibigan na si reiko. Tig-isang masamang tingin ang ibinigay niya sa dalawa bago muli nitong ibaling ang tingin sa malayo.
" sa tingin niyo ba makakapagrelax ako sa katangahang ginagawa niyo?" malamig na wika nito. Akma na sana niyang ipipikit ang kaniyang mga mata at magsasalita pa sana si daniel upang umapila sa sinabi ni jihoon ng marinig nila ang pagbukas ng pintuan ng Hide Out.
Sabay-sabay silang napalingon doon. Isang binatilyong studiyante rin ng XU ang pumasok sa loob ng Hide out. Nangangatal ang tuhod at mga kamay nito dahil sa takot. Batid niya kasing hindi siya maaaring pumasok sa loob ng silid na ito ngunit kailangan niyang sabihin ang nais iparating ng dean sa apat na magkakaibigan kaya't lakas loob niya na lamang ginawa ang pagpasok sa loob ng kuta ng mga d*moniyo.
Naningkit naman ang mga mata ni jihoon at pinagmasdan ang binatang kakapasok lamang. Hindi pa tumitingin sa kanila ang binatang ito dahil dahan-dahan pa niyang isinasara ang pinto. Napangiti naman sila daniel at reiko dahil hindi nila inaasahan ang pagpasok ng isang bisita sa kanilang silid. Habang si jarred naman ay sandali lamang na pinagmasdan ang binata na nakaharap na sa kanila habang ito ay nakayuko at muli nang binalingan ng binata ang librong binabasa niya.
Wala talagang kainte-interest si jarred sa mga bagay-bagay. "hey! What supp?" pagbati ni reiko. " ganda ng porma natin ahh" may pang iinsulto namang bati ni daniel habang tinitingnan niya ito mula ulo hanggang paa.
Nakacomplete unform naman ito, ngunit hindi ito bumagay sa kaniyang pangangatawan dahil sa kaniyang kapayatan at idagdag pa ang makapal niyang glasses na lagi niyang sinusuot. Nakahati sa gitna ang buhok niya at malaki rin ang ngipin nito sa gitna na may braces Kaya't hindi maiiwasan sa binatang ito ang tampulan ng panunukso pero kahit na ganoon. Matalino naman ito sa klase at mayaman. May malaking ambag din ang kaniyang pamilya sa XU kaya't medyo malapit din siya sa dean.
" what do you want?" walang imosyon na tanong ni jihoon habang ito ay diretsong nakatingin sa binata na halos matunaw na sa takot. Kahit na hindi makita ng binata ang apat na magkakaibigan ay ramdam niya pa rin ang nakakatakot at nakakakilabot na tingin ni jihoon dito.
Natawa naman ng bahagya si reiko. Umusog ito ng kaunti sa nakakatakot niyang kaibigan upang makabulong dito ng maayos. " tol! Tinatakot mo naman masyado iyong bata. Baka himatayin 'yan sa nervious. tayo pa ang mayari sa ama mo" bulong nito habang nagpipigil ng tawa. Natigil lamang siya sa kaniyang pagtayo at muli ng dumistansiya sa kaniyang kaibigan ng samaan siya nito ng tingin.
Isang pilit na ngiti ang ibinigay ni reiko dito saka siya tumikhim at umayos ng upo dahil baka siya pa ang paginitan ng kaniyang kaibigan sa halip na iyong binata ang pagbuntunan nito ng init ng ulo. Palihim namang natawa si daniel at humalakhak ito ng walang boses upang asarin lalo si reiko. Pinandilatan naman siya nito ng mata na para bang binabalaan niya ito. Ngunit, napahinto rin si daniel sa pangaasar niya sa kaniyang kaibigan at mabilis na naging seryoso ang mukha nito ng balingan din siya ng tingin ni jihoon.
Agad siyang tumingin sa binatang nasa tapat ng pintuan at bahagya rin itong tumikhim. Umakto itong seryoso upang hindi rin siya balingan ng init ng ulo ng kanilang kaibigan na nag eevolve bilang si hulk. " O-Oo nga! Ano bang kailangan mo? Hindi ba't alam mo ang pinakapatakaran namin sa paaralang ito?" seryosong sambit niya. Natatawa namang umiiling si reiko dahil sa kalokohan ng kaibigan niya na kagayang- kagaya rin naman niya.
Samantala, hindi na naman alam ng binata kung ano ba ang dapat niyang sabihin at ikilos sa apat na demoniyong kaharap niya. Pawis na pawis na ang mga kamay nito at nanlalamig na rin ang talampan niya. Hindi na rin nagpapaawat ang mga pawis niyang kanina pa tumatagaktak sa kaniyang mukha dahil sa nerbiyos.
Bumangon na si jihoon sa kaniyang pagkakasandal sa sofa. Itinuon nito ang dalawa niyang siko sa kaniyang hita at mataimtim pa rin niyang pinagmasdan ang binata na ngayo'y putlang-putla na dahil sa takot. Hindi baiwasang mapangisi ni jihoon dahil sa inaasta ng binata at bukod doon hindi pa nito magawang umimik at sagutin ang naging tanong ni jihoon kanina.
" uulitin ko muli ang tanong ko. Anong sadiya mo dito? " maslalong lumamig ang tinig ni jihoon ng muli niya itong tanungin na nagpadagdag sa kaba ng binata. " sumagot ka" pahabol pa nito ngunit mababakas sa pangalawang salitang binitawan niya ang pagiging mahinahon pero hindi pa rin iyon sapat para hindi mangamba at matakot ang binatang nasa tapat pa rin ngayon ng pintuan at hindi nakakibo pa.
Wala na naman magawa pa ang binatilyong ito kung hindi palakasin ang kaniyang loob. Mariin niyang inikom ang kaniyang kamao upang magipon ng lakas sa kaniyang kalooban. Matapos ang ilang sandali. Balak muling magsalita ni jihoon ngunit hindi na iyon hinayaan pa ng binata dahil sa oras na muli itong magsalita ay paniguradong mayayari na siya ng demoniyong kaharap niya.
"n-nais po kayong makausap ng i-inyong ama....M-m-mr. Clymer. " halos hindi na magawa pang ituwid ng binata ang kaniyang pananalita sa takot. Pakiramdam niya'y naligo na ito dahil sa dami ng pawis na lumabas sa kaniyang katawan. Bumakas naman sa dalawang katabi ni jihoon ang pagtataka at nagkatinginan pa ang dalawang pilyo sa isa't- isa. Nang parehas nilang hindi makuha ang sagot sa kanilang katanungan ay sabay na nagkibit-balikat ang dalawa saka ibinaling ang tingin sa kanilang kaibigan na kasalukuyan na ngayong nakatingin ng sa kalawan.
Hindi batid ng dalawang kaibigan kung saan ba ito nakatingin. Kung sa binata o sa kawalan at tila malalim ang iniisip. Hindi naman maiwasang mainis ni jihoon dahil alam niyang panibagong misyon na naman ang ipapagawa sa kanila ng kaniyang ama. Kakatapos pa lamang ng misyon nila kahapon at may panibago na naman silang gagawin.
Balak na sanang magsalita ni reiko upang paalisin ang binata upang hindi pagbalingan ito ng kanilang kaibigan na mukhang mageevolve na bilang si hulk. Paniguradong hindi makakalabas ng buhay ang matalinong binatilyong ito kung hindi pa siya aalis. Ngunit, nagtaka ang dalawang pilyong binata ng tumayo si jihoon ng hindi nito inaalis ang paningin sa binata. Sinubukan namang sumilip ng binatilyo sa apat na magkakaibigan ngunit mukhang iyon ang lubos niyang pinagsisihan.
Maslalo lamang siyang nabalot ng takot ng makita niya kung gaano makatingin sa kaniya si jihoon. maslalo lamang natuod ang kaniyang katawan sa kanatatayuan niya at lubos niyang pinagsisihan na tumingin pa siya sa mga demoniyong ito.
Nakapikit namang inilagay ni jihoon ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kaniyang pang ibabang uniporme at muling sumilay sa binatang malapit ng mawalan ng malay dahil sa takot. Isang nakakakilabot na ngisi ang sumilay sa labi ni jihoon ng makita niya kung gaano kalakas ang epekto ng dating niya sa binata, ngunit sa kabilang banda ay nainis ito dahil ayaw niya sa lahat ay iyong kinakatakutan niya ng wala naman siyang ginagawa.
Naglakad ito papalapit sa binata na ipinagtaka naman ng dalawa niyang kaibigan. Hindi naman nahinto sa pagbabasa si jarred. Tila wala itong pakealam sa paligid niya. Maslalo namang nangatal ang tuhod ng binata ng makita niya ang pares ng sapatos na huminto sa kaniyang harap. Tila naging balisa siya at hindi na niya alam ang gagawin. Sunod-sunod ang pagpatak ng kaniyang pawis sa dulo ng hibla ng kaniyang buhok. Wala na rin tigil ang pagkabog ng kaniyang dibdib na para bang lalabas na ito anomang oras.
Sandali naman siyang pinagmasdan ni jihoon. Sinuri niya ito mula ulo hanggang paa bago muling tumigil ang paningin nito sa ulo ng binatang kasalukuyan pa ring nakayuko.
" tss.." natigilan ang binata ng marinig niya iyon mula sa demonyong kaharap niya. May kung ano siyang naramdaman na hindi niya maipaliwanag na maslalong nagpanindig ng kaniyang balahibo. Humakbang naman ng dalawa si jihoon papalapit sa binata at tumayo siya sa gilid nito.
Maslalo pang nanlamig ang buong katawan ng binata dahil hindi niya inaasahan ang pagpatong ng kamay ni jihoon sa kanang balikat niya. Inilapit ni jihoon ang kaniyang bibig sa tenga ng binata saka ito nakakakilabot na bumulong.
" sa susunod ayos-ayosin mo ang pananalita mo. Kilala mo ako." malamig at may pagbabantang wika nito at matapos iyon ay iniwan ni jihoon ang binata na tulala. Nagkatinginan naman ang dalawang bilyong magkaibigan at muling sinundan ng tingin sa huling pagkakataon si jihoon na papalabas na ng pintuan.
Napailing na lamang ang dalawa dahil sa ginawa na namang pananakot ng kanilang kaibigan sa isang studiyanteng nais lamang magpahayag ng minsahe. Tumayo na si reiko at nakapamulsa ang isang kamay na lumapit sa binata na ngayo'y hindi alintana ang kaniyang pagluha. Tulala pa rin itong nakatingin sa saheg kung saan nakapwesto kanina ang kapares na sapatos ni jihoon.
Alam kasi nila kung paano magbigay ng takot ang kanilang kaibigan. Talagang hindi makakatulog ang tao ito at panghabang buhay silang uusigin ng takot na iyon hanggang sa mawala sa katinuan ang mga ito.
Tumayo rin si reiko sa gilid ng binata at tinapik ang balikat nito. " huwag mo ng intindihin ang isang iyon. Magpakatatag ka na lamang" wika nito at tulad ni jihoon ay naglakad na rin siya palabas ng silid. Ganoon na rin ang ginawa ni daniel. Tinapik niya lamang ang balikat nito at may panghihinayang na umiling saka lubas ng silid.
Silang dalawa na lamang ni jarred ang naiwan sa silid na iyon. Hndi pa rin magawang maigalaw ng binata ang kaniyang katawan habang paulit-ulit sa isipan nito ang nakakakilabot na boses ng demoniyong iyon. Pakiramdam niya ay hindi na ito papatulugin pa ng kaniyang takot.
Umalingaw-ngaw ang pagsara ni jarred sa librong binabasa niya. Napakatihimik kasi ng paligid kaya't ganoon na lamang kalakas ang paglikha ng ingay ng librong hawak niya. Ibinaba na niya ang librong iyon sa mini table at inalis niya na rin ang glasses na lagi niyang suot sa tuwing magbabasa ito. Maginoo na rin siyang tumayo at tahimik na naglakad papalapit sa kinaroroonan ng binata.
Sandaling tumigil sa gilid ng binata si jarred at pinagmasdan muna ito na para bang sinusuri niya ang binata, matapos iyon ay nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad at paglabas ng silid.
Si JACK CLYMER ang dean ng Xen Unversity. Siya rin ang may hawak ng paaralang ito at nagpapatakbo ng libo-libong negosyo dito sa pilipinas. Napakabait at maginoong tao si mr. Jack. Pantay-pantay ang trato niya sa lahat ng taong kasosyo niya sa mga negosyo. Sinisiguro niyang wala siyang ibang taong matatapakan kaya't maraming taong umaanib sa kaniya at dahil doon ay maslalo niyang napalago ang mga negosyong naiwan sa kaniya ng kaniyang kaibigan.
Hawak niya ang lahat. Mapanegosyoman sa labas ng bansa at sa loob ng pinas ay siya ang humahawak, ngunit kahit na kailan ay hindi niya ito inangkin. Isa lamang siyang pansamantalang taga-hawak ng lahat upang mapanatiling maayos at mapalawak ng husto ang kayaman ng pamilya montefalco.
Matapos ang mapait na trahedyang nangyari sa pamilya ni leonardo montefalco ay ipinangako ni jack sa kaniyang kaibigan na hinding-hindi niya pababayaan ang pinaghirapan ng kanilang pamilya sa matagal na panahon. Ipinangako niya rin dito na mananatiling ligtas ang kaisa-isang anak ni leonardo na matagal nilang itinago.
Ito rin ang dahilan kung bakit bumuo si jack ng isang grupo. Grupo upang hanapin ang nawawalang anak ni leonardo at protektahan ito sa mga taong kasalukuyan na ring naghahanap dito.
Lingid kasi sa kaalam ng lahat. Si leonardo montefalco ang hari ng mga sindekato. Siya ang namumuno sa lahat. Kahit ang dating ama ni leonardo ay naging pinuno rin ng sindekato na siyang minana niya. Kilala ito sa labas at loob ng pinas. Maraming pinanghahawakan at koneksyon . kaya't maraming taong takot sa kaniya, ngunit matapos na malaman ng lahat ang pagkamatay nito. Muling nabuhayan ang mga nakabangga at naging kalaban nito sa loob ng sindikato.
Ito rin ang dahilan kung bakit maspinili ni jack na itago ang anak ni leonardo na nakaligtas sa trahedyang iyon upang ilayo sa mundo ng sindikato. Bukod doon, marami na ring nagtatakang kunin ang posisyong ni leonardo na kasalukuyan pa ring walang nakaluklok.
Isa rin ito sa pinanghahawakan ngayon ni jack. Nais niyang maloklok doon ang anak ni leonardo dahil iyon lamang ang kaisa-isa nitong anak. Ngunit nasa bata pa rin ang disisyon kung tatanggapin niya ito. Nagiingat si jack sa pagkuha kung sino ang papalit sa puwesto ni leonardo dahil kung basta-basta lamang siyang kukuha ng taong pupuwesto dito ay maaaring maapektohan ang lahat lalong lalo na ang pangalan ng kaibigan niya.
Naisip na rin ni jack na baka hindi pumayag ang bata sakaling ipaalam niya din ang katotohanan kaya't iyon ang isang malaking problema na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya masulosyonan.
" wahhhhh! Jarred! Isang salita mo lang sapat na upang maging maligaya ako!"
" daniel! Isa mo na ako sa mga girl freind mo! Masmagaling ako sa kanilang magmahal"
" wahhhh! Ang gwapo mo talaga reiko! Gaano ka kaya kagaling sa kama?"
Walang humpay ang sigawan ng mga kababaihan sa magkabilang gilid ng hallway. Parang prinsepe kung ituring ng lahat ang apat na lalaking ito na kasalukuyang taas noo at makisig na naglalakad sa hallway palabas ng building na kinaroroonan nila ngayon. Nasa ikatlong palapag pa lamang sila ay halos kababaihan na ang sumalubong sa kanila sa daan.
Hindi naman talaga maipagkakailang napakagwapo at nakapaperpekto ng kanilang itsura at pangangatawan. Matatawag nga talaga silang anghel ngunit mala-demoniyo maman ang kanilang ugali.
Walang awat sa pagkindat si daniel sa mga babaeng tumatawag sa kaniyang pangalan na halos kaihimatay naman ng mga ito. Makisig at malaki ang pangangatawan ng binatang ito. Singkit ang mga mata na halos hindi makita kapag ito ay Tumatawa o ngumingitiman lang. Napaganda rin ng kaniyang pagngiti na isa sa nakakaatract sa kaniya. Matangos ang ilong at medyo makapal ang labi na may kaliitan.
Parang gatas ang kulay ng balat nito at dinaig pa ang kutis ng mga kababaihan. Malambot at bagsak ang buhok niya. idagdag pa ang highligth na kulay nito. Nakabrush-up ang ilang hibla ng kaniyang buhok na nakapagpadagdag ng kaniyang karisma sa mga babae. Hilig niya ring mag suot ng makikinang na earing sa tenga dahilan upang maslalo siyang magmukhang badboy sa paningin ng lahat. Kulang na nga lamang ay maglagay ito ng tatoo sa kaniyang katawan.
Hindi rin naman nagpapahuli si reiko na todo din kung kumaway at bumati sa kaniyang mga tagahanga. Kung si daniel ay pagkindat ang panlaban niya sa kababaihan. Isang nakakamatay at nakakatunaw na ngiti naman ang ibinibigay ni reiko sa tagahanga niya. Walang kupas iyon dahil sa oras na ngitian niya lamang ang kaniyang biktima ay talagang isusuko at isusuko nila ang kanilang p********e sa binatang ito. Ngunit, iyon lamang ang lingid niya. Sapagkat, hindi lahat ng babae ay ganoon.
Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa binatang ito. Tulad ni daniel ay malaki rin ang pangangatawan nito. May sarili kasi itong gym kaya't hindi na magtataka pa ang ilan kung bakit ganito na lamang kaganda ang pangangatawan ng taong ito. Bago magtungo ng paaralan ay sa gym muna ito magtutungo upang magpapawis. Minsan ay dumadayo din dito si daniel kapag naibigan na magpapawis. Ngunit minsan lamang iyon kaya't kung titingnan ay masmalaki at maganda ang pangangatawan ni reiko kesa kay daniel.
Medyo singkit din ang mga mata nito. Manipis ang mga labi na kapag ngumiti ay talagang mabibihag ang mga kababaihan. Matangos ang ilong at medyo may kalakihan ang panga nito. maputi at makinis ang balat, ngunit kung ikukumpara ang kulay ni daniel ay maslamang ito kesa kay reiko.
Samantala, tahimik lamang na naglalakad si jarred sa hulihan ng dalawang pilyo at may kahambugan na mga binata. Nasa pinaka-unahan naman si jihoon. Wala itong pakealam sa mga nakapaligid sa kaniya. Diretso lang itong nakatingin sa unahan habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa. Maganda rin ang pangangataw ng binatang ito. Kitang-kita sa kaniyang suot na uniform ang malalaking braso at mahabang balikat nito.
Lalo na siguro kapag ito ay nakasuot lamang ng sando ay makikita na agad ang Napakagandang hubog ng katawan ng binata. Mapungay ang mga mata at kung titigan mo ito ng maige ay makikita mo ang kulay brownish na mata nito. Tulad ni daniel ay makinis din ang balat nito na parang pinaglihi sa gatas ng kalabaw. Matangos ang ilong na medyo may kalakihan ang gilid nito.
Hindiman ito ngumingiti sa lahat at laging seryoso kung maglakad ngunit para sa mga taong naandito sa hallway ay talagang malakas ang kaniyang dating. Isang tingin pa lamang ni jarred sa kanila. Hindi na agad mapakali ang mga kababaihan na animo'y nilagyan ng sili sa puwet dahil sa sobrang kilig.
Bukod doon, mas-umaangat naman ang kagisigang taglagay na nangunguna sa kanilang apat. Seryoso itong nakatingin ng deretso sa daang kanilang tinatahak habang nakapamulsa ang isang kamay nito at pilit na isinasawalang bahala ang ingay na nakapaligid sa kaniya. Tulad ni jarred ay ganoon din lagi ang nakasilay sa mukha ni jihoon. Lagi itong seryoso sa lahat ng bagay. Marami silang pagkakapareho, subalit meron din silang hindi pagkakahalintulad.
Tulad ni jarred. Tahimik lang din kung minsan si jihoon. Minsan lamang ito kung magsalita na para bang lingid na sa kaniyang sarili na hindi siya magsasayang ng laway sa kung kaninoman. Ang pinagkaiba nga lamang nila, mabilis mainis at maiksi lamang ang kaniyang pansensiya. Kung kaya't maraming taong takot sa kaniya. Tulad na lamang ng mga babaeng nakaaligid sa kaniya. Mapapansin na hindi siya tinatawag o pinupuri ng mga ito. Tanging ang tatlong binatilyo lamang na nasa kaniyang likoran ang binabanggit at pinupuri.
Kahit pagtingin lamang sa binatang ito ay hindi nila magawa dahil sa takot. Kapansin-pansin naman kasi ang nakakakilabot na aurang bumabalot sa binatang ito. Bukod doon, parang isang matalim na katana ang mga tinging ipinupukol ni jihoon sa mga taong nahuhuli niyang napapatingin sa kaniya kaya't gayon na lamang ang takot ng mga ito na tingnan siya.
Ngunit, sa kabila nito ay may ilan pa ring palihim na sumisilay sa kaniya dahil sa aking kagwapuhan nito. Sino nga ba naman ang makakatiis na isnabin ang napakagwapo nitong mukha. Kahit na lagi itong walang imosyon at seryoso sa lahat ng bagay ay maslalo lamang itong nakakadagdag sa kaniyang kakisigan.