CHAPTER 02

4914 Words
【NARRATOR】 Marami pa ring humahanga sa kaniyang kababaihan ngunit palihim nga lamang. May ilan na nagtangkang umamin sa kaniya pero hindi na nila nagawa dahil sa takot na baka may kung anong gawin sa kanila ang binatang ito. Tulad na lamang ng high school student na dito lang din pumapasok. Maganda at mayaman din ang babaeng iyon. Maraming lalaking nagkakandarapa ngunit iisa lamang ang nakakuha sa kaniyang puso. Si jihoon. Patay na patay siya dito at kulang na lamang ay alamin niya ang buong pagkatao ng binata ngunit hindi niya iyon magawa dahil masyadong malihim sa personal na buhay si jihoon. Walang kahit na sinong nakakaalam kung sino ba talaga siya. Ang alam lamang nilang lahat ay anak ito ni mr. Jack clymer---- ang dean ng Xen Unversity. Matapos iyon ay wala na silang ibang impormasyon na makalap kung ano ba talagang buhay o pagkatao meron si jihoon. Maraming nagtangkang mang stalk sa kaniya pero kahit f*******: o sa mundo ng media ay wala ito. Hindi rin nila alam kung bakit nagkaroon ng anak ni mr. Jack dahil ang alam nila ay tumanda itong binata. Maraming nagkakaroon ng haka-haka na ampon lamang si jihoon at ang iba naman ay baka daw nakabuntis si mr. Jack. Marami pa silang hakhak tungkol sa mag-amang ito, ngunit gayon paman. Wala pa ring nakakaalam kung sino nga ba talaga si jihoon sa buhay ni mr. Jack at ano nga bang pagkatao meron ang binatang ito. Kahit ang tatlo niyang kaibigan ay hindi rin alam kung sino nga ba talaga si jihoon at ano nga bang buhay meron noon ang binatang ito. Bukod doon, Lakas loob na umamin ang isang high school student sa kaniya. May event noon at sa mismong harap ng maraming tao umamin ang dalagang ito sa binata. Maraming natuwa at marami din namang nagalit sa dalaga pero hindi nila inaasahan ang ginawa ni jihoon sa dalagang ito. May hawak na chocolate cake ang babaeng iyon at nakasulat sa cake na iyon ang pagamin niya sa binata. Sandali iyong pinagmasdan ni jihoon. Hindi naman mabura ang ngiti ng dalaga dahil akala niya ay magugustohan ito ng binata. Wala rin naman kasi siyang ideya kung ano bang hilig ni jihoon sa mga pagkain kaya't ito na lamang ang nabili niya. Sandali ring natahimik ang mga taong nakapaligid sa kaniya at hinihintay rin ng mga ito ang mga susunod pang mangyayari. Samantala ay walang humpay naman sa pagpipigil ng tawa ang dalawa niyang kaibigan na kasalukuyang nakahalo sa mga taong nakapaligid sa kanila. Nanonoodin sila na para bang nasa loob sila ng sinehan. Wala noon si jarred dahil may importante ipinagawa sa kaniya si mr. Jack. Panay ang pagpapacute at pagsasalita ng dalagang iyon kay jihoon at dahil hindi naman siya interesado at bukod doon ay ayaw niya ng ganitong eksena. Muli niyang tiningnan ng diretso sa mga mata ang dalaga na maslalo namang nagpakilig sa babaeng ito. Ang akala niya ay makukuha na niya ang kaniyang minimithi lalo na't kunin sa kaniya ni jihoon ang cake na iyon. Ganun din ang akala ng lahat na nanonood dito. Hindi rin iyon inaasahan ng dalawang binatilyo kaya't nagkatinginan pa ang dalawa dahil sa pagkabigla. Pero sa isang iglat. Biglang bumaliktad ang lahat. Magsasalita pa sana ang dalaga upang bigyan ito ng magandang talumpati at balak niya rin sana itong yakapin ngunit nagulat siya at natigalan ng malakas na inihampas ni jihoon ang cake na hawak niya sa mukha ng dalaga, dahilan upang pumagkit ang cake sa mukha nito at magsitalsikan ang ilang heizing sa kung saan. Dahan-dahang dumulas ang lagayan ng cake pababa sa mukha ng dalaga hanggang sa maglaglag ito sa saheg , matapos iyong bitawan ng binata. Hindi agad nakakilos ang dalaga at tila hindi pa dumadating sa kaniyang isipan ang ginawang iyon ni jihoon sa kaniya. Gulat na gulat ang lahat sa nangyari. Napahawak pa ang ilan sa kanilang bibig kasabay ng pagbalot ng katahimikan sa paligid ng gymnasuim. kahit ang dalawa niyang kaibigan ay naglaglag din ang panga dahil sa ginawang iyon ni jihoon. May ilan pa siyang binitawang salita sa dalaga bago niya ito tinalikoran at nilisan. Matapos iyon ay doon lamang natauhan ang dalaga kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha ang pagbagsak ng kaniyang katawan paupo sa saheg ng kaniyang kinatatauhan. Napahiya talaga ng husto ang dalagang iyon kaya't matapos ang pangyayaring 'yun. Hindi na ito pumasok pa at umapak muli sa Xen University at dahil din sa pangyayaring iyon ay wala ng kahit na sino pang nagtangkang umamin sa binata o kahit tingnan at banggitinman lamang ang pangalan nito ay hindi na nila magawa. Sa tuwing makakasalubong nila ito ay talagang sila na ang lumalayo o tumatakbo palayo sa kaniya. Kulay itim ang kulay ng buhok nito. malambot at bagsak na bagsak. Bahagyang nakahati ang buhok nito sa may bandang gilid. Medyo may pagkamessy ang style, ngunit kung titingnan ay masnakadagdag ito sa kaniyang kagwapuhan. Medyo may kaliitan ang ilong ngunit pointed ito. Mapungay ang mga mata nito na isa sa nakakaatract sa kaniya. Kahit na laging matalim ito kung makatingin at nakakatakot kung pagmasdan, subalit isa pa rin ito sa nagugustahan sa kaniya ng mga kababaihan. Kung hindi nga lamang siguro ito masungit at laging seryoso ay paniguradong marami ding mga babae ang magkakandarapa dito. Medyo pangahin ang hugis ng mukha nito at may kalakihan ngunit hindi naman iyon nakabawas sa kaniyang kagwapuhan. Maganda at maputi ang kutis, maliit at hugis puso ang kaniyang labi na kasing pula ng mansanas. Kung titigan ng maige ang labi nito. Makikita sa ibaba ang maliit na hati nito sa gitna. Talagang maaakit ang sinomang dalaga na matikman ang napakalambot at maganda niyang labi. Bukod doon, maganda rin ang panganagtawan ng binata. Parehas lamang sila ng katawan ni jarred ngunit kung titingnan naman sa katangkaran ay masmatangkad si jarred sa binatang ito. Si jihoon ang maliit sa kanila, ngunit ang pinakastrikto sa kanila. Kanina pa mainit ang ulo ni jihoon. Magmula ng magpahinga sila sa hide out at masnadadagan pa ang init ng ulo nito dahil sa mga kababaihang napakaingay at nakakatulig sa kaniyang pandinig. Wala na naman siyang magawa kung hindi ang pakalmahin ang kaniyang sarili habang nakaikom ang kamao nito sa loob ng kaniyang bulsa. Maslalo pa siyang naiinis dahil sa dalawa niyang kaibigan na animo'y parang mga artista at naglalakad sa red carpet. Masdumoble pa ang inis nito ng bumulong sa kaniya si daniel. " grabe! kayawan mo naman ang fans natin! Huwag masyadong KJ" pagbibirong wika nito ng may halong pagpipigil ng tawa. Sinamaan lamang siya ng tingin ni jihoon na ikinatahimik naman niya dahil kilala niya ang ugali nito. Itinaas na lamang niyang ang kaniyang dalawang kamay at bahagyang dumistansiya bilang pagsuko sa kaibigan. Gusto pa sana siyang patulan ni jihoon ngunit naalala niyang ginto para sa kaniya ang bawat oras dito sa mundo at ayaw niya iyong masayang lamang dahil lamang sa walang kwenta niyang kaibigan. Nagpatuloy sa paglalakad ang apat habang patuloy silang pinupuri ng kababaihan at idagdag pa ang ilang kalalakihan na humahanga din sa kanila. Halos mabalot ng ingay at sigawan ang hallway na kanilang tinatahak. Sabawat kanilang dinadaan ay panay istudiyante ang kanilang nakakasalubong. Ang iba'y may hawak pang banner na nakalagay ang kanilang mga mukha. maliban sa mukha ni jihoon. Samantala, May isang dalagang kanina pa hindi mapakali habang ito ay nakahalo sa kababaihan malapit sa isang silid. Hindi pa ito nadadaanan ng apat dahil nasa may bandang dulo ito ng hallway kung saan may palikong daan patungo sa elevator. Kanina pa siya hindi mapakali dahil sa planong binabalak niya. Sa bawat paglapit ng apat sa kinaroroonan niya ay ganoon naman kabilis ang pagkabog ng kaniyang dibdib dahil sa kaba. Nagdadalawang isip ito sa kaniyang plano pero hindi siya titigilan ng kaniyang konsensiya kapag hindi niya ito nagawa. Kumukha na lang siya ng lakas ng loob upang gawin ang bagay na ito. Batid niyang mapapahiya siya sa oras na gawin niya ang bagay na ito ngunit disedido na talaga siya. Wala na siyang pakealam kung mapahiyaman siya sa harap ng maraming tao. Ang mahalaga ay naamin niya ang nais niyang ipagtapat sa taong mahal niya. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong natulala ng masilayan na naman niya ang nakakaakit at napakagwapong mukha ni jihoon. Tila sandaling tumigil ang pagtibok ng puso niya kasabay ng pagbagal ng pagalaw ng kanilang paligid. Napahawak pa ito sa kaniyang puso ng magtama ang kanilang mga mata. Hindi niya batid kung bakit ganito na lamang ang apekto sa kaniya ng binatang ito. Natauhan lamang siya ng umiwas na ito sa kaniya ng tingin at napansing nakalagpas na ang mga ito sa kinaroroonan niya. Doon lamang niya na aalala ang kaniyang plano. Mariin siyang pumikit at sandaling pinakalma ang puso niyang hindi na pakali. Matapos iyon ay seryoso niyang pinagmasdan ang likod ng apat na lalaking malapit na ngayon lumiko sa palikong Daan sa hallway. Hindi na niya alintana ang ingay ng buong paligid at ang pagtutulakan ng mga ito upang pasilayan lamang nila ang napakagwapong mukha ng apat na iyon ngayong umaga. Nagtungo siya sa pinakagitna kung saan dumaan ang apat na binatang iyon. Lakas loob niyang binuklat ang hawak niyang banner na matagal din niyang ginawa. Kasabay noon ay muli siyang pumikit saka sumigaw dahilan para makuha niya ang atensyon ng lahat at lalong-lalo na ang atensyon ng taong mahal niya. " Jihoon! I have a crush on you!!" Nabalot ng katahimikan ang buong paligid matapos nilang marinig ang pagtatapat ng dalagang iyon kay jihoon. Ngunit, wala na siyang pakealam sa nakapaligid sa kaniya. Diretso niyang tiningnan ang kinaroroonan ni jihoon na ngayo'y nakatalikod sa kaniya habang ang mga kaibigan naman nito ay nakatingin na sa dalaga. Bakas sa mukha ng dalawang binatilyo ang pagkabigla ngunit mababakas din dito ang pagtataka. Batid ng dalawang ito na mukhang mauulit na naman ang pangyayari noon. Mukhang may pahihiyain na naman na babae ang kanilang kaibigan na pinaglihi sa sama ng loob. Nais nga sanang senyasan ni daniel ang babae upang itigil na nito ang kaniyang binabalik pero huli na para gawin niya iyon. Samantala, Walang imosyon lamang na pinagmasdan ni jarred ang dalaga bago ito muling nagpatuloy sa kaniyang paglalakad na para bang wala din siyang interes sa mga mangyayari. Nauna na lamang siya sa tatlo niyang kaibigan at sumakay na sa elevator. Halos magpantig ang tenga ni jihoon ng marinig niya ang sinabi ng babaeng iyon. Lalo na ang pagbanggit nito ng kaniyang pangalan. Lingid kasi sa kaalaman ng lahat ay hindi talaga nito gustong tawagin siya sa buo niyang pangalan. Mabilis kumulo ang dugo nito sa tuwing tatawagin siya sa pangalan niyang iyon. walang kahit na sinong may balak na umimik. Ang kanilang mga malilikot na mga mata lamang ang tanging gumagalaw at pabalik-balik ang paningin ng mga ito sa dalaga at kay jihoon na hindi rin humaharap sa babae. Hindi nila batid kung ano na ba ang tumatakbo ngayon sa isipan ng binata. Ganoon din ang kaibigan nito. Ang kaninang maingay na hallway ay nabalot na ngayon ng katahimikan na para bang may isang anghel na dumaan sa pagitan nilang lahat. Samantala, wala ng humpay sa pagmumura sa kaniyang isipan. Punong-puno na ito at anomang oras ay pwede na siyang sumabog dahil sa inis. Nayuko ito at hindi na halos makita pa ang mukha dahil sa nakapadilim na aurang bumabalot dito. Kahit ang mga taong napapatingin sa kaniya ay nakakaramdam na rin ng takot. Nagulat naman ang lahat ng dahan-dahan ng humarap ang binata sa babaeng iyon. Tila para silang nanonood ng teleserye sa tv dahil sa mga nagiging reaksyon ng mga ito. Lalo na ang iba ay napapahawak pa sa kanilang katabi dahil sa nakakakilabot na tensyon sa paligid. Bigla namang umurong ang tapang ng babae at agad itong nakaramdam ng kaba at takot ng makita niya ang nanlilisik na mga mata ni jihoon. Tingin pa lang ay parang hinihiwa-hiwa ka na nito unti-unti. Sa mga oras na ito ay parang gusto na lamang niyang umurong at Pagsisihan ang kapangahasan na ginawa niya. Maslalo namang naginit ang ulo ni jihoon ng mabasa niya pa ang nakasulat sa banner. Mabilis namang pinigilan ng dalawa niyang kaibigan ang nagbabadiyang pagtawa ng mapansin din nila ang nakasulat sa banner. " jihoon, please! Give me a chance to court you!" halos lumobo na ang pisnge nila daniel at reiko ng basahin nila ito paulit-ulit habang pilit nilang pinipigilan ang kanilang pagtawa. Maslalo pang nainis si jihoon dahil sa mga mahinang pagbasa ng dalawa sa banner na iyon na parang kinakantiyawan pa siya ng mga ito. Nais na niya sanang batukan ang dalawa ngunit naalala niyang kaibigan niya nga pala ang dalawang ito. Tiningnan niya na lang ulit ang dalaga, umawang ang labi nito dahil sa pagngingitngit ng makita niyang nangangatal na sa takot ang babae at halatang-halata sa mukha nito ang takot. Maslalo lamang nauubos ang pasensiya ni jihoon dahil sa nakikita niya sa babaeng ito. Napakalakas ng loob ng babaeng umamin ngunit isang tingin lamang at presensiya ni jihoon ay natiklop na agad ito dahil sa takot. Batid ng binata na sinasayang lamang ng babaeng ito ang kaniyang oras. Natatawang lumapit sa kaniya si daniel at pabiro itong bumulong sa kaibigan na maslalo naman niyang ikinainis. " bro, pumayag ka na atleast may nagliligaw sayo" kantiyaw sa kaniya ng kaibigan. Natigil naman ito ng isang nakakamatay na tingin ang ibinigay sa kaniya ni jihoon. Agad itong lumayo dito at natatawang itinaas ang dalawang kamay. Balak pa sana niyang bubugin ang binatang ito ngunit ayaw niyang sayangin ang natitirang pasensiya at oras niya ang lalaking ito kaya't mastinuonan niya na lamang ng pansin ang babae at nakapamulsa itong naglakad doon. Hindi na naman mapakali ang dalaga. Hindi niya batid kung ano na ba ang susunod niyang gagawin. Bukod sa takot na takot na ito ay hindi pa niya magawang ikilos ang kaniyang katawan. Parang napako siya sa kaniyang kinatatayuan dahil lamang sa mga tinging iyon. Huminto si jihoon sa tapat niya ng hindi inaalis ang matalim na tingin nito sa dalaga. Pakiramdam ng dalaga ay mahihimatay na ito sa takot. Idagdag pa ang pamamawis ng kaniyang mukha, palad at talampakan. Gusto na niyang umalis sa sitwasyong iyon at tumakbo palayo sa lalaking labis niyang hinangaan at minahal. Hindi rin niya batid kung bakit nagustohan niya ang lalaking ito pero lagi niyang pinanghahawakan ang kasabihang walang pinipili ang puso. Sa oras na ito'y tumibok,hindi mo na ito mapipigilan pa. Gumigilid na rin ang kaniyang mga luha na kanina pa niya pilit pinipigilan na tumulo. Maslalo namang nainis si jihoon dahil doon. hindi kasi nito gustong makakitang may umiiyak sa kaniyang harapan lalo na't kasalanan naman ng babaeng ito kung bakit nasa ganito siyang sitwasyon ngayon. " sa tingin mo magagawa mo ang bagay na 'yan?" nagulat ang babae ng magsalita si jihoon sa harap niya. Napakalamig na halos dumaloy sa buong kalamanan niya ang boses na iyon. "h-huh?" hindi na magawa pang makapagsalita ng ayos ng dalaga dahil sa pangangatal ng labi nito. Hindi na rin niya batid kung ano bang pwede niyang sabihin sa lalaking ito. Ang kaninang pinagplanohan niyang peech para sa binatang ito ay tila nawala at dinala ng hangin sa kung saan. sandaling tumingin si jihoon sa banner na hawak ng dalaga at sa tuwing nababasa niya ang nakasulat doon. Hindi niya mapigilang mainis. Kitang-kita ang paggalaw ng kaniyang panga dahil sa pagpipigil ng kaniyang inis. Muli niyang tiningnan ang babae na patuloy pa rin sa kaniyang nakatingin. " eat.." muling sambit niya na ikinataka ng dalaga. Nagkatinginan naman si reiko at daniel habang ang mga manonood ay nagsisimula ng magbulungan. Hindi nakaimik ang babae at pilit iniintindi nito ang gustong iparating sa kaniya ng binata. Maslalo namang nainis si jihoon dahil sa kahinaan ng kokote nito. Ayaw niya rin sa lahat ay iyong aanga-anga sa harap niya. Paniguradong may sapok na ang dalagang ito sa kaniya kung hindi lamang ito sa babae. " i said eat that f*cking d*mn banner!!!" Muling natahimik ang lahat dahil sa lakas ng boses ni jihoon na umalingaw-ngaw sa buong hallway. Nabalot ng takot ang buong studiyanteng nanonood sa kanila dahil ngayon lamang nila narinig sumigaw si jihoon at magalit ito ng ganoon. Masungitman at mabilis uminit ang ulo ng binatang ito, ngunit Napipigilan naman niya ito agad. Kalmado at seryoso ang mukha ni jihoon noong minsang ipahiya niya ang high school student na nagtapat din ng pagtingin sa kaniya noon. Pero ngayon. Kakaiba ang galit na inilabas ni jihoon sa dalagang kaharap niya. Halatang nagalit niya ng husto ang binatang ito. dahan-dahang tiningnan ng dalawa ang hawak niyang banner. Kitang-kita niya ang pangangatal ng kaniyang mga kamay dahil sa labis na takot sa binatang kaharap niya. Sa pagkakataong iyon, nakaramdam na siya ng pagsisisi kung bakit niya pa ginawa ang katangang bagay na ito. Alam na niyang mangyayari ito at batid niyang mapapahiya siya sa lahat ng tao kaya't bakit nga ba ginawa pa niya ang bagay na ito na alam naman niyang ikapapahamak niya ito sa huli. " p-pero..." humakbang pa ng isang hakbang si jihoon papalapit sa dalagang ito upang maslalo itong masindak at matakot. " gagawin mo ang pinaguutos ko? O ako mismo ang magpapakain sayo niyan?" Sa pagkakataong iyon. Tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina pa pinipigilan ng dalagang iyon. Hindi niya batid na ganito pala ang paguugali meron ang lalaking matagal-tagal niya ring kinahumalingan. Ngayon ay nagsisisi na siya at namulat sa katotohanang hinding hindi niya makukuha ang puso ng taong pinakamamahal niya. batid naman ni jihoon na hindi na niya kasalanan kung bakit umiiyak ngayon ang babaeng kaharap niya. Siya ang nagsimula nito kaya't siya rin ang dapat na magtapos nito. " hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinisimulang kainin ang bagay na 'yan" Maslalong nagbulungan ang mga manonood. Panay ang pangungutya ng mga ito sa dalaga na para bang napakalaking kasalanan ng ginawa niya at tila ito pa ang may kasalanan. Wala na namang nagawa ang dalaga kung hindi ang sundin ang pinaguutos sa kaniya ni jihoon. Masakitman para sa kaniya at tila parang dinudurog ang puso nito ay mariin na lamang siyang pumikit at mabagal na pumilas sa banner na hawak nito. Dahan-dahan niya itong isinubo sa kaniyang bibig habang sunod-sunod ang pagpatak ng kaniyang luha. Sapilitan niyang isinubo ito sa kaniyang bibig at marahan na nginuya. Isang ngisi naman ang sumilay sa labi ni jihoon bago ito tumalikod sa dalaga at nagsimulang maglakad patungo sa kinaroroonan ng kaniyang mga kaibigan na nakatulala na ngayon habang nakalaglag ang panga dahil sa pangyayaring iyon. Tumigil si jihoon sa tapat ng mga kaibigan niya na hindi pa rin inaalis ang paningin sa babae. Sandali namang sumilip si jihoon sa huling pagkakataon sa babaeng iyon bago niya niyaya ang kaniyang mga kaibigan paalis sa lugar na 'yon. " tara na" malamig na sambit niya at sandaling tiningnan ng nakakunot ang noo ang dalawa niyang kaibigan. Doon naman natauhan si reiko at daniel saka hindi makapaniwalang tiningnan ang kanilang kaibigan. Nauna na lamang si jihoon na maglakad sa dalawang ito dahil na uulinigan niyang magsasalita na naman ng walang kakwenta-kwentang mga salita ang mga ito. " sandali...jihoon.." balak sana siyang pigilan ng dalawa ngunit huli na. Nagkatinginan na lamang sila at muling sumilay sa babaeng nakatayo pa rin sa gitna ng maraming studiyante habang ito ay nakayuko. May kaunting awang naramdaman ang dalawa pero sa pagkakataon na iyon. Wala na rin naman silang magagawa. Nakapulsang sumunod na lamang ang dalawa sa kanilang kaibigan na walang awa kung magpahiya ng babae. Minsan lamang gawin iyon ni jihoon pero matindi kung magpahiya. NAKARATING sila sa loob ng opisina ni mr. jack na walang kagana-gana sa hindi nila malamang dahilan. Naabutan nilang nakaupo na sa mahabang sofa si jarred habang ito ay may bago na namang librong binabasa. Tumabi doon si reiko at pabagsak niyang isinandal ang sarili sa sofa. " hayssst! Nakakapagod humarap sa mga fans ko." may pagmamayang nasambit nito. Sa kabilang sofa naman naupo si daniel at walang gana rin itong naupo doon at sumandal sa sandalan. Ginawa pa nitong unan ang dalawa niyang braso saka tumingin sa kesame. Nagtungo na rin doon si jihoon at naupo sa tabi niya. tulad ng dalawa ay wala rin itong kagana-gana. Lalo pa't hindi niya nagustohan ang nangyari ngayong araw. isinandal niya rin ang sarili niya sa sandalan at kunot-noo itong tumitig sa lamesa. " malamig na dito sa loob kaya huwag mo ng dagdagan pa" pambabara naman nito sa kaniyang kaibigan. Balak pa sanang gumanti ni reiko dito ngunit napunta ang atensyon nila kay Sir. Jack na bigla na lamang nagsalita. Naabutan nila ito kaninang busy sa pagbabasa ng ilang papeless na nasa lamesa nito. Ngunit kahit na busy ito. Ramdaman niya pa rin ang prisensiya ng tatlo. " mabuti't nakarating na rin kayo" wika niya ng hindi tumitingin sa mga ito. Kasalukuyan na niya ngayong nililigpit at inaayos ang mga gamit na nasa lamesa niya. Matapos iyon ay sumandal ito sa kaniyang upuan saka nakangiting tiningnan ang apat na binata na nasa mini sofa. Busy pa rin sa pagbabasa ng libro si jarred. Samantala, mababakas sa mukha ni reiko at daniel ang mga katanongan na kanina pa umuusig sa kanila. Hindi kasi nila mabatid kung bakit tinawag na naman sila ni mr. Jack gayong araw ngayon ng pamamahinga nila at bukod doon ay kakatapos lamang nila sa isang misyong pinagawa lamang sa kanila noong isang araw. Wala ring kainte-interes ang mukha ni jihoon kaya't Seryoso na lamang itong nakatingin sa kawalan. Batid niya kasing misyon na naman ang ipapagawa ng kaniyang ama o hindi naman kaya mga bagay tungkol sa mundo ng sindekato ang kanilang paguusapan. " pinapunta ko kayo dito dahil sa isang bagay..." umupo na ito ng ayos sa kaniyang swivel chair. Sumandal ito dito at magkahawak ang mga kamay niyang itinuon ang magkabilang siko sa kaniyang gilid. Seryoso itong tumingin sa apat na binata. " misyon na naman po ba?"may pagrereklamong tanong ni daniel. Agad siyang sinita ng kaibigan at nilakihan ito ng mata. Hindi nagpatalo ang binata at tinaas lamang niya ng kilay ang kaniyang kaibigan. Animo'y nagtatanong ang kaniyang mukha kung may mali ba sa kaniyang sinabi. Natawa naman ng kaunti si jack dahil batid niyang pagod pa ngayon ang kaniyang mga alaga. " huwag ka mag aalala. Hindi misyon ang ipapagawa ko sa inyo. " nagkatingin ang dalawang magkaibigan at labis na nagtaka sa sinabi ng kanilang tiyo. Hindiman nila kaano-ano at kadugo si jack. tinuring na rin nila ito na parang kanilang tiyo Kaya't kadalasan ay tito ang tawag nila dito. Ilang taon na rin niyang inaalagan at sinusubaybayan ang apat na binatang ito kaya't parang anak-anakan na rin ang turing niya sa mga ito. May kinuhang apat na litreto si jack sa ilalim ng lamesa. Tumayo ito at naglakad patungo sa kinaroroonan ng apat. Nakasunod naman ang tingin ng dalawa sa kaniya habang mababakas pa rin sa mukha ng mga ito ang pagkalito. Hindi nila mabatid kung ano na naman ba ang nais ipagawa sa kanila ng kanilang tiyo. Natigil naman sa pagbabasa ng libro si jarred ng lapitan siya ni jack at may inabot itong litrato ng isang babae. Dalawang beses niyang tiningnan ang lirato at ang kaniyang tiyo. Nagdadalawang isip pa ang binata kunin ang litrato na iyon ngunit sa huli ay kinuha na rin niya ito ng may pagtataka at kanungan sa kaniyang mga mata. Hindi niya batid kung sino ang babaeng nasa litrato. Pero bigla na lamang siyang natigilan at napatitig sa litratong iyon sa hindi niya malamang dahilan. Hindi rin niya namalayan ang dahan-dahan niyang pagsara sa librong binabasa niya habang titig na titig siya sa litrato. Isa-isa namang ibinigay ni jack kina reiko, daniel at jihoon ang ilan pang litratong natira sa kaniyang kamay. Matapos iyon ay tumayo siya sa pagitan ng dalawang sofa at isa-isang tiningnan ang mga binatang hindi pa rin maintindihan ang nais ipagawa sa kanila ni jack. bakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka dahil hindi naman nila batid kung sino ang babaeng nasa litrato. Makikita rin sa mata ni jihoon ang pagtataka at wala rin itong ideya kung sino ang nasa litrato. Samantala, kakaiba ang naging reaksyon ni jarred ng makita niya ang babae sa litrato. Tila nakita na niya ito at hindi niya rin batid kung bakit ganoon naman ang pakiramdam niya ng muli na naman niyang makita ang babaeng ito sa pangawalang pagkakataon. " siya si kelly cyton. Ang bagong transfer dito sa paaralan natin. " paunang paliwanag ni jack sa mga ito. " so anong gagawin namin sa kaniya? Ipaliligpit niyo rin po ba siya sa amin?" tanong ni daniel ng hindi niya inaalis ang tingin sa litrato. Bagamat hindi niya kilala ang babae ay tila may kung ano namang pumapasok sa malikot niyang isipan. Mahinang natawa si jack sa naging tanong nito. " hindi sa ganoon iho. Hindi siya kalaban. Hindi ako tanga para magpapasok ng kalaban sa teretoryo natin at kung nais ko siyang iligpit. Hindi ko hahayaan na bahiran ng dugo ang paaralan na ito" May halong birong saad nito, ngunit makikitang may nilalaman ang salitang iyon. " kung ganoon bakit niyo siya samin pinapakita? Hindi ba't ganito ang paraan niyo ng pagiispya sa mga kalaban o hindi naman kaya kapag may gusto kayong ipaligpit na kalaban?" sunod-sunod na tanong rin ni reiko na kasalukuyan ng nakatingin kay jack. Inilapag na niya sa lamesa ang litratong hawak niya at seryosong tiningnan ang kanilang tiyo. Hindi niya pa rin maintindahan Kung ano bang gustong mangyari ng kanilang tiyo. Muli na namang natawa si jack dahil batid niyang sa una pa lamang ay magiging ganito ang reaksyon nila. inilapag na rin ni jihoon ang hawak niyang letrato sa lamesa. Wala pa rin itong kibong tumingin sa kaniyang hita at mababakas pa rin sa kaniyang itsura na hindi ito interesado sa kanilang pinaguusapan. Gayon paman, hindi ibig sabihin noon ay hindi na niya susundin ang pinaguutos ng kaniyang ama. Malaki ang respeto niya dito. Anomang sabihin at iutos nito sa kaniya ay agad niyang sinusunod. Wala kang maririnig na kahit anong reklamo sa binatang ito. Nagagawa niya ng tama at pulido ang lahat ng sabihin at iutos ni jack dito kaya't malaki rin ang paghanga at tiwala niya sa binatang ito. noon paman ay ganito na kung kumilos si jihoon. Sa tuwing may paguusapan silang lima tungkol sa trabaho o misyon. Laging tahimik at walang kibo ang binatang ito. Wala itong sinasabi na kahit na ano. Hindi tulad nila daniel na laging may pahabol na katanungan o paguusisa sa tuwing may pagmemeetingan ang mga ito. Isa rin iyon sa hinangahan ni jack sa binatang ito. Hindi siya nahihirapan magpaliwanag dito dahil agad iyong nakukuha ng binata. " hindi lahat ng bagay magkakatulad reiko. Yan ang lagi mong pagkakatandaan. Kaya ko ibinigay sa inyo ang letrato ng babaeng iyan upang matandaan niyo kung sino ang dapat niyong proprotektahan.." muling sambit ni jack habang ito ay naglalakad na patungo sa kaniyang upuan. Sabay-sabay na napalingon ang tatlong binata kay jack ng may pagtataka sa mukha. Hindi pa rin nila makuha ang ibig sabihin ng kanilang tiyo. Ganun paman, tahimik pa ring nakaupo sa isang sulok si jihoon habang mataimtim na nakikinig ang kaniyang tenga sa paligid. " proprotektahan?..."tanong ni daniel at muling tiningnan ang letratong nasa lamesa. " bakit naman namin proprotektahan ang babaeng 'yan? May kinalaman ba 'yan sa misyon namin?" nagugulumihanan pa ring tanong ni daniel at muling tiningnan ang kanilang tiyo na maginoo ng nakaupo sa upuan habang nakatuon ang dalawang siko nito sa lamesa at nakapatong naman ang kaniyang baba sa dalawa niyang kamao na magkadikit sa isa't-isa. Seryoso na muli ang mukha nitong nakatitig sa kawalan na para bang may malalim itong iniisip. " sabihin na lamang nating mahalaga siya sa ating grupo kaya't kailangan nating mapanating ligtas ang babaeng iyon. Kung hahayaan natin siyang mapunta sa mga kalaban ay paniguradong malaki ang mawawala sa atin" maslalo lamang kumunot ang noo ng dalawa at kahit si jarred ay hindi rin batid ang ibig iparating ng kanilang tiyo. Muli na lamang niya tiningnan ang litratong hawak niya habang patuloy niyang tinatanong sa kaniyang isipan. Kung sino nga ba ang babaeng ito at bakit parang ang laki ng koneksyon niya sa kanilang misyon. "Sino ba talaga siya?" mahina dapat ang pagkakasabi noon ni jarred ngunit dahil masyado na siyang binabagabag ng kaniyang koryosidad ay masyadong napalakas ang kaniyang pagtatanong noon. Napangiti naman si jack at napalingon kay jarred dahil sa wakas ay nakapagsalita na rin ang pangalawa niyang paburitong alaga. Hindiman siya tulad ni jihoon na laging tahimik kapag may pinagmemeeting ay lagi naman itong nagbibigay ng opinion o mga bagay na mapapakinabagan sa kanilang mga planong pinaguusapan. Hindi tulad ng dalawa na laging kalokohan o walang kwenta ang lagi nilang sinasabi kaya't minsan ay napapagalitan ito ni jack. Sa pagplaplano si jarred ang bihasa sa ganito. Laging tama at maayos ang mga sinasabi niyang ideya kay jack kaya't sa tuwing magplaplano sila. Ang binatang ito ang nagplaplano ng lahat. Mapanegosyoman o misyon. Siya ang gumagawa ng plano at nagbibigay ng ideya sa kanilang tiyo. Kaya't laking pagtataka niya kung bakit ang tahimik ng binatang ito ngayon at hindiman lamang umimik. Napansin niya rin ang pagtitig nito sa litratong ibinigay niya ngunit hindi na lamang niya iyon pinansin. " sino siya? Ang babaeng proprotektahan ninyo. Nanganganib ang buhay niya. Maraming taong nais siyang patayin at kunin sa atin. " aniya ng muli na namang naging seryoso ang kaniyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD