✥NARRATOR✥
Ilang segundong natahimik ang paligid ng silid. Walang umimik at pilit na iniintindi ng apat na binata kung bakit
kailangan nilang protektahan ang babaing iyon at bakit maraming taong nais siyang patayin at kunin sa kanila.
inis namang ginulo ni daniel ang buhok niya dahil punong puno na ring ng katanungan ang binatang ito. " hindi ko pa rin kayo maintindihan tito." nakangusong sambit niya. Natawa naman ng bahagya si jack at muling tiningnan isa-isa ang apat na binatang matagal niya na ring nakakasama.
Kahit na wala na itong pamilya at tumanda mag-isa. Hindi pa rin niya naramdaman na nagiisa siya dahil kahit papaano ay napunan ng apat na binatang iyon ang pangungulila sa minsang itinuring niya ring pamilya na matagal ng nawala at naglaho sa mundong ito. Naalala niya sa apat na binatang ito ang kaniyang kabataan noong nabubuhay pa ang mga kaibigan niyang tinuring niyang pamilya.
" huwag niyo na munang intindihan kung sino at bakit natin siya kailangang protektahan. Sa ngayon. Gawin niyo na muna ang pinaguutos ko. Protektahan niyo siya at ilayo sa kapahamakan. Huwag niyo siyang hahayaan na makapasok sa mundo ng impiyerno. " muling naging seryoso ang mukha nito ng sabihin niya ang huling salitang iyon.
" bakit maraming gustong pumatay sa kaniya? Tulad rin ba natin siya?" tanong naman ni reiko. Hawak pa rin niya ang litratong iyon at maige niyang sinusuri ang mukha ng babae. " hindi Iho. Ordinaryong babae lamang siya. Lumaki sa mapayapang mundo. Malayo sa mundo natin." tugon ni jack na maslalong nagpakunot sa noo ni reiko at sa pagkakataong ito, diretso na siyang nakatingin kay jack at pilit na hinahanap dito ang mga kasagutan sa kaniyang katanungan.
Mausisa ring tao si reiko. Hilig niyang saliksikin ang lahat ng bagay. Hindi ito titigil hanggat hindi niya na lalalaman ang gusto niyang malaman. Isa kasing abugado ang kaniyang ama kaya't hindi na rin nagtataka si jack kung kanino ito nagmana. Bukod doon, hinahangaan ng binatang ito ang kaniyang ama at nais niyang maging abugado rin balang araw.
" kung ganoon? Bakit maraming gustong pumatay sa kaniya? " muling tanong ni reiko. " dahil alam nilang ito ang magiging susi natin laban sa kanila..." sa pagkakataon ito, nakangisi na si jack na para bang hawak na niya ang isa pa nilang alas.
Muli na namang natahimik ang lahat. Nagiisip kung ano pa bang pwedeng itanong nila kay jack Dahil kahit anong katanungan na nais nilang masagot ay hindi pa rin nila mukha sa mga sagot na ibinigay sa kanila ni jack. Kaya't wala ng nagbalak pang magtanong dahil batid nilang maslalo lamang nilang hindi maiintindihan ang lahat sa mga kasagutang ibinibigay sa kanila ng kanilang tiyo.
Samantala, tahimik pa ring nakatingin sa mini table si jihoon kung saan nakalagay ang litrato ng babaeng ibinigay sa kanila ng kaniyang ama. Kahit na tahimik ito. Tulad din ng apat. Punong-puno rin ito ng katanungan. Napakaseryoso ng mukha nito habang tinitigan ang letratong iyon habang maraming bagay ang tumatakbo sa kaniyang isipan.
Ganoon din si jarred. Simula ng iabot sa kaniya ang litratong kasalukuyan niya pa ring hawak ay hindi na maalis ang paningin niya dito. Maraming bagay ang bumabagabag sa kaniya at hindi niya maintindihan kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag habang paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan ang unang pagtatagpo nila ng babaeng iyon.
Malalim na lamang na napabuntong hininga si reiko saka niya inilagay ang hawak niyang litrato sa lamesa at masigla itong nag-unat-unat na para bang simpleng paguusap lamang ang kanilang pinag usapan. Humikab pa ito bago nagsalita na animo'y bagong gising.
" hayssst! Kung ganoon. Ako ng bahala sa kaniya tito.." pagbasag ni reiko sa katahimik ng lahat. Batid niyang hindiman masagot ang kaniyang mga katanungan. Alam niyang masasagot din iyon ngunit hindi lamang ngayon at naisip niyang baka sa babaeng iyon niya makuha ang mga katanungang bumabagabag dito.
Napangiti naman si jack dahil kahit papaano ay inuunawa nila ang sitwasyon. Isa rin sa mga bagay na nagustohan niya sa apat na ito. Ang pang-unawa. Ito ang dahilan kung bakit nagiging matibay ang samahan ng kanilang pagkakaibigan dahil sa pag-uunawaan at pagtitiwala sa isa't-isa. Hindi rin magiging matibay ang isang pagkakaibigan kung hindi mo pahahalagahan ang inyong pagsasamahan.
Tinaasan naman siya ng kilay ni daniel. Batid niyang kalokohan na naman ang nasaisip ng kaniyang pilyong kaibigan. " ikaw ng bahala? Bahala saan? Sa kama? Naku! kilala na kitang h*nayopak ka. Alam ko na kung anong nasa madumi mong utak." banat nito sa kaniyang kaibigan. Inis na natawa si reiko at hindi ito makapaniwalang tumingin sa kaniyang kaibigan na lagi niyang kabarahan. " hah! Bakit? Nagseselos ka ba? Gusto mo rin bang makaisa sakin?." may panunuksong wika nito at bahagya pa siyang ngumisi at nagkagat labi upang sindakin ang kaniyang kaibigan.
Maslalo namang uminit ang ulo ni daniel at nandidiri niyang pinagmasdan ang kaibigan niyang manyakis. Hindi na nga niya maintindihan ang kanilang pinaguusapan. Dumagdag pa ang kaniyang kaibigang puro kalokohan ang alam. " p*ta! Mandiri ka nga sa sinasabi mo!" iritang sambit niya. Hindi naman nagpatinag si reiko. Maslalo pa niya itong inasar. Ngumuso pa ito sa harap ng kaniyang kaibigan at Umakto itong hahalikan si daniel.
" huwag ka ng mahiya babe!Hindi ba't ito na ang pinakahinihintay mo? Ang angkinin ang labi ko" nakangising saad niya. Pumikit pa ito sabay ngusong muli sa kaibigan at unti-unti na niyang inilalapit ang kaniyang mukha kay daniel na kasalukuyan niya pa ring katakapat.
Hindi naman mapigilan ni daniel na kilabutan sa ginagawa ni reiko. Kinuha niya ang litratong nakapatong sa lamesa at inis niya itong isinupalpal sa mukha ng kaniyang kaibigan. " bwisit ka! Tigilan mo akong panget ka!" iritang sambit niya. Natigil lamang ang dalawa sa kanilang paghaharutan at pagtatalo ng muling magsalita si jack.
Batid niyang loko-loko at may pagkababaero ang dalawa niyang bata kaya't alam niyang gagawa ng kalokohan ang dalawang ito sakaling makilala ito ni cyton. Kampante naman siya dahil kakaibang babae si kelly. Hindi siya tulad ng ibang babae inaakala ng dalawang binatang ito.
" Isa nga pa lang problema na kailangan niyong lusutan." nakangiting Aniya at bigla na lamang itong napaltan ng ngisi ng tingnan niya ng diretso sa mga mata sina daniel at reiko na kasalukuyang natigilan at nakatingin ng muli kay jack. " mailap sa lalaki ang batang iyon. Panigurado akong mahihirapan kayong lapitan siya. Hindi siya tulad ng ibang babaeng madaling makuha kaya't magiingat kayo.." sa pagkakataong iyon. Maslalong natigilan ang dalawa at sabay na napatingin sa litratong kakalaglag lang sa lamesa matapos itong ipagkit sa mukha ni reiko.
Matapos iyon ay muli silang nagkatingin sa isa't-isa. bakas sa mukha ng dalawa ang paggulat at pagtataka. Bukod doon, maslalong umapaw ang kanilang interest sa babaeng iyon na makilala ito.
Samantala, May isang babaeng nakamasid sa opisina ni jack. Nakatayo ito sa may bintana sa likod ng kaniyang opisina. Nakasilip sa isang siwang na malapit sa may bintana. Rinig na rinig niya ang bawat paguusap ng mga ito.
Hindi batid ng mga tao sa loob ng silid na iyon na may nagmamasid na pa lang kalaban sa kanila. Nakangisi ito dahil kupirmado na niya ang lahat. Maisasaplano na nila ang lahat dahil ito na ang unang yugto ng isang madugong laban. Muli nilang bubuhayin ang minsang naudlot na laban sa pagitan ng dalawang matalik na magkaibigan na nauwi sa isang hidwaan.
" ano? Kamusta ang imbistigasyon?" wika ng isang babaeng nakatanaw sa balkunahe habang ito ay may hawak na wine glass. May kausap ito sa kabilang linya. Ang kaniyang ispiya.
" Klaro. Naandito na siya"
Maslalong lumawak ang ngisi ng babae ng marinig ang balitang iyon kasabay ng paginom niya sa wine na hawak nito. " magaling. Sa ngayon ay kailangan na muna nating manahimik. Mananatili muna tayong isang lobo na tahimik kung lumaban. Magplaplano tayo na ikagugulat nila. " masmagiging madali ang lahat para sa kaniya. Ito na ang tamang oras na kaniyang hinihintay.
" ano pong gusto niyong gawin ko ngayon?" tanong ng nasa kabilang linya. " ikaw na munang bahala sa kelly na iyan. Pahirapan mo siya. Iyong talagang luluhod at iiyak siya dahil sa hirap at sakit na ipaparamdam mo sa kaniya. Huwag mong hahayaan na maging maganda ang buhay ng babaeng yan sa XU. Gusto kong madanas niya ang hirap at sakit na pinagdaan ko sa matagal na panahon." nabalot ng galit at puot ang kaniyang mukha.
Hindi nito alintana ang mahigpit niyang paghawak sa wine glass dahil sa puot at matinding galit na kaniyang nararamdaman kay kelly cyton. Labis ang paninibugho niya dito. Hinding- hindi siya titigil hanggat hindi siya nakakaganti sa taong iyon. Gagawin niya ang lahat upang mawala lamang sa mundong ito ang taong labis niyang kinainggitan.