JOEL POV "Gusto mo bang pautangin kita? May ipon naman ako kahit papaano, pandagdag sana ito sa mga gastusin niyo dito sa hospital." "Please wag na," sambit ko sa kanya, "Nakakahiya kasi, binayaran na raw ni Jonas ang medical bills namin dito. Ang hirap ngang paniwalaan ng sinasabi niya na galing daw sa barangay ang tulong namin at mag uusap pa kami kapag bumalik siya dito eh." "Hayaan mo na, kapos kayo so let him help you even in small ways. Pero may trabaho ka ba o tumutulong ka sa pagtatanim sa bahay niyo?" "Ganun na nga, nagtatanim kami sa bahay. Sayo ko lang sana ito sasabihin, nauumay na kasi ako sa ganitong klase ng buhay. Buong buhay ko ay ganito ang buhay ko, parati akong natulong sa mga magulang ko. Wala naman sigurong masama kung maghahanggad ako ng mas maayos na buhay para

