STELLA POV "Hi!" Masayang pag bati ko sa kanya. "Maraming salamat nga pala sa pag tulong mo sa akin kanina ha? Ang laki ng utang na loob ko sayo eh. Akala ko nga ay tuluyan na akong mapapahiya nito kanina e! " "Walang anuman. Pero masyado yatang malalim yung utang na loob, kahit naman siguro sinong lalaki ay gagawin ang ginawa ko eh." Di ako sang ayon sa sinabi niya kasi may mga lalaki nga kanina na nakatingin lamang sa akin at wala silang malasakit kahit pa nakikita nila na may babae nang nadapa sa kanilang harapan. "Parang hindi naman kasi ang dami ngang mga nakatingin kanina subalit wala sa kanila ang nag malasakit na pumunta doon para tulungan ako maliban sayo kaya masasabi ko na ikaw ay namumukod tangi sa lahat. Siya nga pala, maaari ko bang malaman kung ano ang pangalan mo?" Tan

